Sino ang misteryosang babae?

182 3 0
                                    

Chapter III- Sino ang misteryosang babae?

Hindi na nagugustuhan ni Lee ang nangyayari.

Bakit ito palaging nagpapakita sa kanya?

At bakit ganun ang ngiti niya?

Mga tanong na gusto nang sagot ni Lee.

 Lunch break......

Imbes na kumain ay pinuntahan ni Lee ang tindahang pinagbilhan niya ng lipstick.

Pagpasok ay agad na hinanap ni Lee ang babaeng palaging nagpapakita sa kanya. Bakit ganun ang hitsura nito? baka may nangyaring masama sa kanya at humihingi ng tulong kay Lee.

Paikot ikot siya sa stante kung san dinisplay ang lipstick na nabili niya.

" Ahm...excuse me miss, may maitutulong po ba ako sa inyo?" tindera #1

" Pwede ko bang makausap yung tindera niyo na nagbenta sakin ng lipstick nung isang araw, ahm......maputi siya, mahaba ang buhok abot pwetan, kasingtangkad ko at chinita" Lee

Biglang napakunot ng noo ang kaharap. 

" Wala po kaming tindera na may ganyang hitsura, saka ako lang po ang naka-assign sa section na 'to kaya lahat ng mapipili dito eh ako lang pwedeng magbigay ng slip para sa counter" tindera.

Pero hindi siya pwedeng magkamali, may ibang tinderang nagbigay sa kanya ng lipstick. 

Lalabas na sana siya ng may napansin itong lalake sa hagdanan papuntang 2nd floor kung san ang warehouse ng tindahan.

Nakatingin ito sa kanya ng mataman. Tila may nais sabihin sa kanya ang lalake pero may nakikita siyang pagtataka sa mukha nito.

Akmang bababa na ang lalake ng may tumawag sa kanya kaya bumalik ito sa taas pagkatapos siyang tingnan ulit.

" Malalaman ko rin ang totoo sa pangyayaring ito?" Lee sa sarili.

Paglabas ng tindahan ay may nakabangga itong maliit na babae, tindera din ata dahil katulad ng uniporme ng mga nasa lob ang suot nito.

Napatulala ang babae sa kanya at nanlaki ang mata.

" Esther?" sabi nito na tinititigan siya.

" Huh?" Lee

" Esther? ikaw ba yan? san ka ba nagpunta? matagal ka nang hinahanap ng nanay mo?" sabi ng babae ulit.

" Sorry pero hindi ako si Esther," sagot niya sabay lakad dahil malelate na siya.

" ESTHER! ESTHER! ESTHER!" naririnig niyang tawag ng babae sa kanya.

" SINO SI ESTHER?" Lee sa sarili.

Bakit ito ang tawag ng babae sa kanya?

_____________

______________

__________

ABANGAN!!!!

vote

comment

Xhimoto :-)

Red Lipstick (horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon