Alam mo ba? (1)

10 0 0
                                    


(A/N) Ang 'Alam mo ba' ay isang tula na aking isinulat na may tatlong Versions.

Iba ang saya tuwing ika'y nakakausap,
kahit sa GC lamang ito nagaganap.
Iba ang ngiti pag ika'y nag rereply,
kahit na tropa lang ang label na na-apply.

Ang aking nararamdaman para sayo ay unti-unti nang nawawala,
Pero pag nakakausap ka puso ko'y bigla-bigla nalang nagwawala.
Mamahalin nalang kita sa paraan na hindi mo inaasahan,
Dahil alam ko naman na hindi mo itong kayang suklian.

Malaki ang tampo ko sayo oo,
pero kung tutuusin may karapatan ba ako?
Alam mo magmomove-on nalang ako,
kahit hindi naman talaga naging tayo.

Ako'y nagpapasalamat na ika'y nakilala,
sapagkat ika'y sakin nagtiwala.
Sa panandaliang panahon napasaya mo 'ko ng lubos,
kahit na tiwala ko sayo'y iyong inubos.
Alam mo ba na mahirap magpanggap,
na aking tanggap.
Ngunit kakayanin,
dahil ika'y akin nang papalayain.

Poems and Love Where stories live. Discover now