Iba ang saya tuwing ika'y nakakausap,
kahit sa GC lamang ito nagaganap.
Iba ang ngiti pag ika'y nag rereply,
kahit na tropa lang ang label na na-apply.Mamahalin nalang kita sa paraan na hindi mo inaasahan,
Dahil alam ko naman na hindi mo itong kayang suklian.
Alam mo ba na mahirap magpanggap,
na aking tanggap.
Ngunit kakayanin,
dahil ika'y akin nang papalayain.Malaki ang tampo ko sayo oo,
kung tutuusin may karapatan ba ako?
'Magmomove-on muna ako' yan ang sabi mo,
ngunit paglipas ng ilang linggo may tumatawag na ng mahal sayo.
Di bale nalang magmomove-on nalang ako,
kahit hindi naman talaga naging tayo.Ako'y nagpapasalamat na ika'y nakilala,
sapagkat ika'y sakin nagtiwala.
Sa panandaliang panahon napasaya mo 'ko ng lubos,
kahit na tiwala ko sayo'y iyong inubos.
YOU ARE READING
Poems and Love
PoesiaPoems and Love is not a story, It's just a compilation of Poems, Songs, Realization and etc. written by Yours Truly, Archer Elle or Miss Elle. Language used : Tagalog and English. Inspo: Random