Chapter 12

10.6K 257 16
                                    

NOELLE











"Noelle, damn it! Please wake up!" agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses ni Ziro.

He's here? Binalikan niya ako?

"Z-Ziro? " tawag ko sa kanya habang nararamdaman ko ang mainit na likidong lumalabas mula sa mga mata ko.

"Damn! " mura niya at hinila ako patungo sa katawan niya. "You scare the hell out of me, Noelle!/Akala ko kung ano nang nangyayari sayo! Bigla ka na lang sumigaw tapos...tapos umiiyak ka pa!"

"B-Bakit mo ako iniwan? " umiiyak kong tanong sa kanya na ikinatigil niya.

Napaawang ang bibig niya at salubong ang dalawang kilay na tumingin sa akin nang bahagya niya akong inilayo sa kanya.

"W-What? Anong iniwan? " tanong niya. "What are you saying, baby?" litong dagdag pa niya.

"Y-You left me... " iyak ko at napatakip na lang sa mukha. "A-Ayoko...h'wag mo akong iiwan...p-please...sa akin ka na lang...h'wag kang sumama sa kanya. "

Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Ziro bago ko naramdaman ang init ng katawan niya dahil muli niya akong hinila para ikulong sa yakap niya.

"Damn! That's only a bad dream, baby. I won't ever leave you, kahit ipagtabuyan mo pa ako, kahit magsawa ka pa sa pagmumukha ko hindi ako aalis sa tabi mo." Wika niya habang mahigpit akong yakap.

"Ngayon pa ba, Noelle? Ngayon pa ba na hulog na hulog na ako? Iiwan ko ang lahat pero hindi ikaw. Kahit ayaw mo na, ipipilit ko pa rin ang sarili ko. You don't have to begged, ako ang magmamakaawa para manatili sa tabi mo. "

I cried even more. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Ayoko na siyang pakawalan dahil hindi ko na yata kakayanin kung magkakatotoo ang masamang panaginip na iyon.

"I love you so fucking much, Noelle. " he whispered and i felt that he kissed the top of my head.

"Mahal na mahal kita kaya dito lang ako. Sayong sayo lang ako, baby. Ikaw lang at wala ng iba. "

My heart went crazy. Halos mabingi ako sa lakas ng bawat tibok non.

"I-I love...you too... " sumisigok kong pag-amin at agad kong naramdaman ang paninigas niya.

"W-What? What did you just said? " he asked in a whisper after recovering from his shock.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili para masabi ko ng maayos ang mga katagang gustong gusto ko ng sabihin.

"Mahal din kita, Ziro. " buong pagmamahal kong wika.

Ilang sandali siyang natahimik, akmang kakalas ako sa yakap para makita ang reaksyon niya nang bigla siyang sumubsob sa gilid ng leeg ko.

"W-Wala ng bawian yan. " bulong niya na bahagya pang pumiyok. "You're mine now, Noelle. So fucking mine!"

I smiled and hug him more. Hinalikan ko rin ang ulo niya. "I'm yours, Ziro. " bulong ko kasabay ng panibagong luha pero luha na iyon ng kasiyahan.

"Yeah, and I'm yours too. " Ziro muttered  while nuzzling the side of my neck.

Umahon siya at bahagyang lumayo sa akin. My heart jumped when he kissed my forehead down to my cheeks and the tip of my nose

Ngumiti siya at marahang hinaplos ang pisngi ko habang masuyong nakatingin sa akin.

He licked his lip while he gaze at my lips. I smiled at him, bago pa man siya makakilos ay ako na ang sumunggab sa mga labi niya.

I love him and i can't wait to kiss him.

Gustong sumabog ng puso ko sa saya ng marahan siyang tumawa bago tumugon sa halik na ibinigay ko.

Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon