Chapter 21

9.7K 222 17
                                    

NOELLE













"G-Good morning, Sir Ziro. " bati ng isang empleyadong nakasalubong namin sa may lobby.

Napanguso ako nang hindi man lang kumibo si Ziro. Ni tingnan nga yata yung empleyado hindi niya ginawa e.

Tahimik kaming sumakay sa elevator habang hawak hawak niya ang isang kamay ko.

"Kapag binati ka dapat batiin mo rin pabalik yung tao. " sabi nang sumarado ang elevator. "Para naman hindi ka nila nasasabihang masungit. "

Ziro arched his brow. "Kahit batiin ko sila ganon pa rin ang tingin nila sa akin. " sagot niya kaya naman napanguso ako.

"Sinubukan mo na ba?"

He shook his head.

"Hindi pa naman pala e. Try it, minsan kasi nakakatakot kang i-approach, para ka kasing dragon na bigla na lang magagalit at bubuga ng apoy. " sabi ko pa.

Ngumuso siya at binitawan ang kamay ko. Akala ko nagalit pero hindi naman pala dahil inilipat niya ang braso niya sa baywang ko at marahan akong hinapit palapit sa katawan niya.

"Please don't be scared to approach me. Alam mo namang when it comes to you para akong maamong dragon. "

I smiled and cupped his face. "Hindi naman ako takot sayo. Yun lang ang naramdaman ko nung una kitang makita pero nang makilala ko na ang tunay na ikaw nalaman kong isa kang malambing na at mapagmahal na dragon. "

He pouted making me laugh.

"Tss, puro kayo dragon. " masungit niyang saad sabay iwas ng tingin.

Humagikgik ako nang makitang nagtatampo na naman ang masungit kong asawa. Tumingkayad ako para maabot ang malambot niyang labi.

"Mahal na mahal ko naman yang dragon na yan. " sabi ko sa pagitan ng mga halik ko.

He smiled. Bahagya akong inangat at humalik pabalik. Naghiwalay lang ang mga labi namin nang tumunog ang elevator.

"G-Good morning po, Sir. "

"M-Magandang umaga po. "

Bati ng ilang empleyado na nadadaanan namin habang patungo kami sa opisina ni Ziro.

I pouted while glancing at Ziro on my side.

Nagulat ako nang huminto siya sa paglalakad at lumingon sa mga empleyado niya.

"Good morning. " bati niya sa mga ito.

Napangiti ako nang makita ang gulat na mukha ng mga empleyado niya, halatang hindi inaasahan ang ginawang pagbati ni Ziro sa kanila.

"I want to introduce my wife to all of you. " ani Ziro at napakagat sa labi nang dumako sa akin ang mga mata ng mga empleyado niya.

"This is Noelle Valerie Saavedra, my wife. " pakilala sa akin ni Ziro. "Respect her like how you respect me. " dagdag pa nito na ikinanguso.

"Good morning po, Ma'am. "

"Nice too meet you po, Ma'am. "

I smiled shyly. "Good morning din sa inyo. "

They all smile lalo na nang makita na mas hinapit ako ni Ziro palapit sa kanya.

"Let's go to my office. " bulong nito sa akin.

Nahihiya akong napatingin sa mga empleyado niya dahil may ilang nanukso sa amin.

"Ang sweet!"

"Sana all! "

Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon