Chapter 7

0 0 0
                                    

7

"Teka bakit nyo pala pinadala sakin lahat ng gamit ni Ruella?" Nagtatakang tanong ni Ate Rich na hila-hila papasok ang isang maleta ko na puno ng gamit ko.

"Dito muna sya syempre" Sabat ni Ate Reese.

"Eh? Diba by tomorrow susunduin kana nila Daddy?" Napatingin sakin si Ate Rich.

Bigla namang pumasok si Ate Rajj na may dalang apat na basong orange juice. Sya ang sumagot.

"Hindi nya pa rin kaya humarap kay Dad" Sagot nito at iniabot sakin ang isang baso ng orange juice.

"But Dad misses her" Laban ni Ate Rich.

"But Ruella isn't" Sagot nanaman ni Ate Rich.

I grimace for what Ate Rajj told Ate Rich.

Sa totoo lang miss ko na rin ang Papa kahit na ganon sila kahigpit sakin sa bahay pero paano itong may dagdag akong dala sa loob ng tyan ko. Mamimiss nya pa kaya ako? I guess no. He might even rage in anger if malaman nya. So I guess magpapakalayo-layo muna ako hanggang makapanganak ako.

Andami lang kwento ni Ate Rich pero pagsapit ng ala-sais ay umalis na din siya kasi naiwan nya sa bahay iyong mag-aama nya. Sinabihan din siya nila Ate Rajj na huwag maingay kay Papa na dito muna ako at pinadala namin ang mga gamit ko. Tumango naman si Ate Rich bago nagpaalam samin.

Napahinga kami ng malalim na tatlo.

"After dinner magprepare ihahatid ka namin ni Reese" Biglang salita ni Ate Rajj.

Napatango na lang ako bago nya sinabi na lumabas muna kami ni Ate Reese ng kwarto at samahan sya sa kusina.

Pagkababa ay nadatnan namin sila Danna at Janina. Danna is watching something on her tablet at si Janina ay pinaglalaruan ang unan sa loob ng crib niya.

"Si Kuya Jethro?" Tanong ko.

"He just went out. Babalik din daw kaagad before dinner" Sagot niya sakin nang naglalakad patalikod mula sakin.

Nasa kusina na kami nang umiyak si Janina. Agad tumingin sakin si Ate Rajj.

"Pakibuhat nga muna si Janina, Ruella. You need it too para masanay ka rin" Aniya at nagsimula na magluto.

Nag-aalinlangan pako nang una pero nang mapansin na seryoso sya at agad kong pinuntahan si Janina at binuhat.

Medyo kinakabahan nga ako sa pagbuhat. Mamaya ay mabitawan ko. I don't know how to take care of a child.

Panay ako hele kay Janina. Yun kasi ang naobserbahan ko kay Ate Rajj when she's carrying Janina habang naiyak ang bata. I expected her to shush down but I failed. She cry even more until my eardrums can't handle it anymore kaya agad ko ring binaba si Janina sa crib niya.

Nang lumingon ako sa gawi nila Ate Rajj ay napansin kong nakatingin na pala sila sakin.

"I-i'm sorry" Saad ko.

Agad lumapit si Ate Reese sa gawi namin ni Janina at sya ang nagbuhat kay Janina.

Himas sya nang himas sa likuran ni Janina until I heard Janina burped and she stop crying. Ngayon ko lang nalaman na need lang pala magburp ni Janina kaya iyak nang iyak.

"So need nya lang magburp?" Tanong ko.

Ibinigay na sakin uli ni Ate Reese si Janina pero nag aalinlangan nakong kunin ang bata.

"Hindi ibig sabihin na umiiyak ang sanggol eh gusto na dumighay. Maraming reasons for a baby to cry and it's for you to find out" Aniya at bumalik na sa kusina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Monstrous Mistake Where stories live. Discover now