Kabanata 1

7 0 0
                                    

Pumasok sa loob ng principal office si ms. Evelyn upang kompirmahin sa punong guro ang pagtuturo niya bilang teacher sa M high school.

Isang bagong license teacher si ms. Evelyn L. Montevero. Siya ay twenty two years of age, may natural na kulot ang buhok ngunit kaniyang pina-straight dahil sumasakit ang ulo niya lagi sa katatali, kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat, normal lang siya na pagkababae, hindi siya matangkad at hindi rin pandak, fit ang kaniyang katawan. Magandang babae ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring jowa. Hindi siya nagmamadali na magkaroon ng karelasyon at wala siyang pakialam kung tatanda siya o mamamatay na walang makakasama sa buhay.

Masaya siya sa buhay niya ngayon dahil sa kaniyang pamilya. May tatlo siyang mga kapatid. Dalawang nakatatandang babae at isang bunsong lalake. Parehong may asawa na ang kaniyang dalawang ate.

Ang pamilya ang itinuturing na inspirasyon at hinuhugutan ng lakas. Kaya nga, kontento na siya sa status niya as single.

Ayon nga sa kanya, " Pare-pareho lang ang mga lalake na iyan, lolokohin ka, sasaktan ka, at iiwan ka lang sa dulo."

Nineteen years old siya ng makapagtapos ng kolehiya. Ngunit, hindi agad pumasok sa pagtuturo dahil gusto niya munang i-enjoy ang kaniyang life as unemployed na walang iniisip na ibang bagay na makapagbibigay pagod at stress sa sarili.

May sarili siyang tinitirhan na bahay, malapit lang kaunti sa bahay ng kaniyang mga magulang. Ang bahay na ito ay pagmamay ari ng kaniyang ama na pinamana ng kaniyang lolo.

Sa madaling salita, dating bahay ito ng kaniyang lolo. Nag-iisang anak ang ama niya kaya sa kaniya napunta ang bahay.

Dito dating nakatira sa bahay na ito ang kaniyang nakatatandang kapatid ngunit ng nakapag-asawa na ng lalakeng may kaya sa buhay ay sumama ang mga ate niya sa kani-kanilang asawa.

Naroon nakatira ang kaniyang dalawang nakatatandang kapatid sa bahay ng kanilang asawa. Kaya, siya ang bagong nakatira ngayon sa bahay ng lolo niya. Medyo malayo ang bahay ng dalawa niyang kapatid, sa area nila, ngunit binibisita pa rin sila, tuwing linggo.

Nagbukod ng bahay si Evelyn dahil gusto niyang maging independent at gusto niyang matulog ng hanggang hapon ng walang gumigising, ng walang gumugulo sa kaniya. Gusto niya ng katahimikan, lalo na, kapag galing sa trabaho at pagod na pagod siya.

Tuwing linggo ang schedule sa pagbisita sa mga magulang niya. Kahit may importanteng lakad ay ipinagpapaliban muna, para lang makadalaw sa pamilya. Pupunta rin ang kaniyang dalawang kapatid kasama ang kanilang asawa.

Pinapahalagahan niya at ang dalawang niyang nakatatandang kapatid ang pamilya nila kaya may time sila every sunday na bumisita.

Nang binuksan niya ang pinto para pumasok ay nakita niyang nakaupo ang punong guro habang may sinusulat.

"Excuse me, ma'am!"

Nang makita siya ni mrs Alverez ay ngumiti sa kaniya.

Nagsalita ang punong guro, "Ms. Montevero, narito ka na pala. Have a seat! " nakangiting alok sa kanya ni mrs. Sandra Alverez, ang punong guro ng M high school.

"Maraming salamat po!" Nakangiting sagot niya sa punong guro.

" Hininhintay ko ang pagdating mo. Masaya akong sabihin sayo, welcome to the family!"

"Salamat po, ma'am! Masaya ako dahil sa haba ng araw ng aking paghihintay. Sa wakas, natanggap na ako, makakapagtrabaho na ako! Ang ibig kong sabihin, makapagbibigay na rin ako sa mga magula ko ng pang suporta sa kanila sa pang araw araw! Ito yung magandang resulta ng kanilang pagtataguyod sa akin sa pag-aaral. Masaya akong suklian iyon!" Tuwang tuwa niyang kinuwento sa principal.

Ms. Evelyn (Completed Tagalog R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon