Epilogue

4 0 0
                                    

Eight years later,

Kasama ngayon ni Evelyn ang kaibigan na si Chan. Naglalakad sila dahil may pupuntahan silang isang bagong bukas na restaurant.

"Saan na ba yung si Azel?!" Tanong ni Evelyn kay Chan.

"Ay naku, mars! Dumaan siya sa isang salon. Monthsary nila ng boyfriend niya. Alam mo naman yun kapag may ganitong event hindi yun nagpapakabog!"

"Tama ka, mars!"

"By the way, I liked your new short hair, saan ka ba nagpaputol at nagpaayos ng buhok?" Tanong sa kaniya ni Chan.

"Diyan lang din sa may bagong bukas. Oo, maganda ang service nila."

"Maka-try nga bukas! Wait lang mars! Ito na ata yun, eh. Yung restaurant na bagong bukas."

"Siguro, mauna ka muna pumasok dahil may bibilhin pa ako sa grocery. May pinapabili kasi 'tong si Rai, gagamitin nila sa school nila, sa science."

"Mom, kumain muna tayo! I'm hungry po!" Sabi ni Rai sa kaniyang mommy Evelyn.

"Tingnan mo, gutom na ang anak mo. Ang cute mo talaga, tapos pogi pa! Ampunin nalang kita, baby Rai!" Hinalikan niya ang pisngi ng bata.

"Tita, I'm not bata anymore. Do not call me, baby. Baka may dumaan na classmate ko riyan!" Reklamo ng bata. Natuwa ang dalawa sa kaniya.

"Look, mars! Ang matured na mag-isp ng anak mo. Eight years old pa lang, ganyan na siya. But it's okay, you look so adorable naman."

"Rai, gutom na gutom ka na talaga?!" Tanong niya sa kaniyang anak.

"Opo, can we eat first muna, po?!"

"Sige na, mars! Nandito na tayo, oh!"

"Okay. Sige."

"Hali na kayo! Pasok na tayo!" Excited si chan kaya siya ang naunang pumasok sa loob.

Inalalayan ni Evelyn ang anak. Natuwa siya dahil excited din ang anak pumasok sa loob.

Binata sila ng dalawang babaeng staff. "Hello po, ma'am, sir! Welcome to MLZ restaurant! Mag-e-enjoy po kayo sa masasarap naming foods!"

"Hi po!" Bati sa kaniya ni Rai sa dalawang babe.

"Kita mo, mars! Ambata bata niya pa, babaero na!" Pagbibiro ni Chan.

"Ang cute at pogi naman po ng anak niyo ma'am! " sabi ng staff, nanggigigil siya sa pagiging attractive ng bata.

"Oo nga po, siguradong pogi rin ang ama niya. Maganda ang combination niyo po!" Dagdag pa ng isang babaeng staff.

Nagsalita si Chan. "Miss, bawas bawasan mo ang pagiging madaldal mo!" Pabirong sabi ni Chan sa babaeng staff.

"Bakit po?"

"Walang father ang batang yan," bulong niya sa dalawa. Binulong niya dahil ayaw niyang marinig ng bata ang kaniyang sasabihin.

"Ay, sorry po!"

"It's okay, I don't mind!" Sabi sa kaniya ni Evelyn.

"Tara, umupo na nga tayo roon, mars! Ang dadaldal ng mga staff dito." naglakad na sila papunta sa kanilang magiging upuan.

"Tita, I heard, what you said in the two girls. It's about my father." Tumingin si Chan kay Evelyn.

"Ano ka ba! Mali lang ang pandinig mo!"

"Tita, I don't mind naman po kahit pag-usapan ninyo sa harap ko ang dad. Hindi po ako masasaktan or something like that. I don't need him! Napalaki ako ng mag-isa ni mom na mabuting bata. So, it's proved lang na, kuntento na ako kay mom. Siya lang kailangan ko. She is the best parents in the whole universe! " nakatinging nakangiti ang bata sa kaniyang ina habang nagsasalita.

Ms. Evelyn (Completed Tagalog R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon