Kabanata 5

3 0 0
                                    

Naunang nagising si Mira-i. Pagmulat ng mga mata ni Evelyn, wala sa higaan ang binata.

Tumingin siya sa paligid niya, "Saan naman kaya pumunta yung lalake na na yun?" Sinoot ng babae ang kaniyang damit at short.

Tumayo siya. Naglakad palabas ng kwarto. Nakita niyang nagluluto ang binata. Walang damit na soot. Lumapit siya at niyakap.

"Gising ka na pala. Sa kwarto palang naaamoy ko na yung mabangong niluluto mo!"

"Oo. Makakalimutan mo talaga ang pangalan mo sa sobrang sarap nito."

"Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang luto. Sigurado ka bang totoong pagkain yan?" pang-aasar niya sa binata.

"Grabe ka naman! Pinag-aralan ko pa ito para ma-master ko. Lutong ibang bansa 'to. Napanood ko ito sa youtube. Ayon doon, ito yung hinahanda ng lalake sa agahan para sa kaniyang asawang babae."

"Ang ibig sabihin, niluto mo yan para sa akin?"

"Yes!"

"Ang sweet naman ng batang ito!"

" Huwag mo na akong tawaging bata. Binata na ako."

"Ang sarap kaya maging bata. Wala kang pinoproblema. Speaking of walang pinoproblema, ikuwento mo sa akin ngayon ang deal natin."

"Oo na. Umupo ka na roon. Luto na ito."

"Okay!"

Nilagay na sa lamesa ni Mira-i ang nilutong kakaibang pagkain. Nilagyan niya ang plato ni Evelyn ng niluto niya.

"Tikman ko nga, kung totoong pagkain ito!" ngumiti naman ang binata sa kaniyang sinabi.

"Ang tabang, medyo maalat, maanghang pa!" Sa feedback ni Evelyn, aad niyang tinikman. And then, narinig niya ang sinabi ni Evelyn, " Joke lang!"

"Niloloko mo talaga ako, eh no!"

"Oo. Umupo ka na. Dahil pag-uusapan na natin ang buhay mo!"

Umayos ng upo si Mira-i. Iniikot ikot niya ang tinidor habang nilalagay sa pagkain.

"Ano ba ang buhay ni Mira-i Zargo?!" Tumingin siya sa binata. Excited pakinggan ang kuwento ng binata.

"Apat nalang kami. Si daddy, at dalawa kong nakakatanda mga kapatid. Hindi kami close ng mga kapatid ko. Silang dalawa ay close sa isa't-isa. Si daddy naman ay parang laging galit sa akin. Yun yung nararamdaman ko. Pini-pressure niya ako sa mga bagay na ayaw kong gawin.

Hindi niya ipapamana sa akin ng company. Ayaw ko rin naman pamahalaan iyon. Gusto niyang magtrabaho ako sa kumpanya niya. Hindi sa mga pepetiyuging small and failed company or other buliding.

Dahil sa ayaw kong gawin ang mga bagay na mga gusto niya. Nagbubulakbol ako, sumasama ako sa galaan ng iba't ibang kakilala kong mga tarantado at higit sa lahat hindi ko inayos ang performance ko sa school. Useless lang din naman dahil hindi niya yun naa-apreciate.

Feeling ko kapag nasa bahay ako, I'm nothing, mag-isa ako at walang kakampi. Buti pa si mommy, lagi niya akong binigyan ng lakas ng loob at chini-cheer up. Siya ang karamay at kakampi ko sa lahat ng bagay. Hindi niya ako pini-pressure. Lagi niyang sinasabi sa akin. Gawin mo ang makakaya mo. Gawin mo ang makapagpapasaya sayo.

Kung buhay lang siya, hindi magiging ganito ang buhay ko, ang sitwasyon ko sa sarili ko. Sakal na sakal na ako sa bahay na yun. Kaya nga, sa barkada ako nagtatambay, dahil feeling ko, I'm free, hindi ako napi-pressure at nasasakal." nakayuko niyang kwento kay Evelyn.

Hinawakan ni Evelyn ang kaniyang kamay. Pati rin siya ay nalungkot sa buhay ng binata.

"Hindi ka na mag-iisa, nadito na ako. Dadamayan kita sa lahat ng bagay, ako ang kakampi mo!

Ms. Evelyn (Completed Tagalog R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon