Chapter 2

36 1 0
                                    


"Tales of ARYA?" 

Teka sandali? Paano 'to napunta sa kwarto ko? Hindi ko naman to binili ah... Hindi ko din hiniram... wala akong matandaan.

Sa lalim ng pag-iisip ko kung paano ito napunta sa  kwarto ko ay bigla akong nakaramdam ng parang pagyanig. Lumilindol ba?

"Aray!" natumba ako sa lakas ng yanig na 'yun. Napatakip na lang ako ng ulo ko dahil baka mabagsakan ako ng ceiling fan ng kwarto ko, atsaka dahan-dahan akong gumapang  papunta sa ilalim ng study table ko malapit sa bintana. Naririnig ko din na isa-isang nagbabagsakan ang mga gamit kong nakasabit sa pader.

Nagdadasal na ako ng taimtim na sana mahinto na ang lindol. Siguro ay mahigit isang minuto na din ang nakalilipas pero yumayanig pa din at patuloy na nagbabagsakan ang mga gamit ko pero habang tumatagal para akong nabibingi. Pa-unti-unti, hindi ko na naririnig ang mga nagbabagsakang gamit hanggang sa may naririnig na ulit akong ingay. Yung ingay na hindi galing sa nagbabagsakan kong gamit, kundi galing sa mga tao. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para matiyak kung tama ba ang naririnig ko. Nanlaki ang mata ko at parang napako sa kinauupuan ko ngayon. Ang daming nagtatakbuhan na lalaki at yung isang lalaki... may isang lalaki ang papalapit sa pwesto ko.

"Nariyan na sila, umuwi na kayong lahat!!" Patuloy pa din sya sa pagsigaw.

"IKAW?!" Turo nya sa'kin. "ANO PANG HINIHINTAY MO, NARIYAN NA ANG MGA NANGHUHULI!!" sigaw nya atsaka tumakbo. Sinundan ko sya ng tingin habang binubugaw pa ang ibang tao na nasa labas pa. Doon ko lang napagtanto na wala nga ako sa kwarto ko. BAKIT AKO NANDITO?! NASAAN AKO?! Napatayo ako sa kinauupan ko para tumakbo kung saan pwedeng magtago, pero nahinto ako dahil sa suot ko. Hindi ito ang damit ko ah? Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Nalilito na ako sa nangyayari. Nasaan ako? Bakit wala ako sa kwarto ko?

Naririnig ko na ang ingay ng takbo ng mga kabayo. Lumingon-lingon ako sa paligid ko at may mga tao pa ring nagsisitakbuhan at unti-unting nagsasara ng kani-kanilang mga tahanan. Ang iba ay tumatakbo papunta sa ibang direksyon. Palapit na rin ng palapit ang mga nanghuhuli "raw" dahil palakas na ng palakas ang mga yabag ng mga kabayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko naman alam kung saang lugar ako napunta. Naghahanap na ako kung saan ako tatakbo kahit ang mapagtataguan lang, pero natatakot akong puntahan dahil baka mas delikado pa yung mapuntahan ko.

"Dakpin ang lahat ng makikitang nasa labas ng mga tahanan!" Narinig kong utos nung isang lalaking nakasakay sa unahang kabayo.

OMG! Saan na ako pupulutin nito? May ginawa ba kong kasalanan para mapunta dito? Ang alam ko, naka-leave lang ako sa trabaho, hindi naman ako na-orient na ganito pala dadanasin ko sa isang linggong pahinga ko. Paiyak na ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman kong may humila sa kamay ko, magpupumiglas pa sana ako pero hindi nya binibitawan ang kamay ko kaya nagpahila na lang ako.

Tumatakbo kami palayo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin pero parang napatanag ang loob ko kahit papaano dahil sa wakas ay hindi pa magiging katapusan ng buhay ko. Ang weird lang kasi parang biglang bumabagal ang lahat ng nasa paligid. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang pagbagsak ng ulan. Napapagod na ako kakatakbo, pero hindi pa din kami humihinto sa pagtakbo. Palakas  na ng palakas ang ulan, bigla nyang hinuhubad ang kanyang moda. Binitiwan nya saglit ang kamay ko atsaka isinukob para hindi kami gaano mabasa habang tumatakbo pa din palayo sa lugar na iyon. Nang makalayo-layo na kami mula sa mga nanghuhuli ay huminto kami sa isang kubo na may silong para magpatila ng ulan.

"Sala---" magpapasalamat palang sana ako pero hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ang sama ng titig nya sa akin. Napaatras ako.

"Magsabi ka ng totoo,  ano ang iyong pinanggalingang angkan? Hindi mo alam kung gaano ka-panganib ang tumayo lamang habang may nanghuhuling mga kawal sa gabi!" Lalo pa ako napa-atras dahil kasabay ng pagsigaw nya ay ang pagkulog at kidlat. Eh malay ko bang may curfew kayo rito? Kung alam ko lang gagawin ko, di sana nauna pa ko tumakbo sayo.

Tales of AryaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon