Kabanata 4

3 0 0
                                    

Kahit na masakit ang ulo ko ay nagpasya akong pumasok na. Hinatid ako ni Hailey sa school at sinabing susunduin nalang niya ako mamaya. Papa already knew that our house was rob yet we didn't received any words from him. Hay. Nagtaka pa ako.

As I entered the gate, I suddenly felt nervous for an unknown reason.
Tumingin ako sa mga estudyante and lahat sila ay busy sa kani-kanilang mga phones and tablets-they are watching something?

Hindi na ako nakiusisa dahil baka porn lang naman pinapanood nila or some stupid videos pero again, curious na naman ako dahil ganon yung itsura nila while watching it.

Naglakad na ako papasok sa room nang may nakabanggaan akong lalaki, he's wearing black hoodie at face mask.

"Shit.. hindi mo ba ako nakita?!" Pagtatanong ko sakaniya, he didn't talk pero tinulungan niya akong tumayo.

Napailing nalang ako sakaniya at tinalikuran siya. Walang balak magsorry amp.

Tumingin ako ulit sakaniya only to see him staring at me, too. Tangina. Binilisan ko nalang ang lakad ko para makapasok na ako sa room.

While I'm walking my mind is still focusing on Miram's notebook. S-she was raped, she met a witch, she killed Tracy.. mygad.

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkapasok sa room. Yet, this silence makes me more and more uncomfortable. Hindi ganito katahimik ang mga kaklase ko, especially now that walang profs? Nakapagtataka.

Si Eunice na puro liptint dati ay nakaupo lang ngayon sa chair niya, her lips is shaking and pale. Si Shawn na hilig manali ng bag ay himalang nakatulala ngayon sa kaniyang upuan at nakatingin lang sa kawalan.

Iginala ko ang tingin ko at halos sila ay ganoon ang itsura-kung hindi namumutla, nakatingin lang sa malayo; sa kawalan.

Ano bang nangyari noong hindi ako pumasok? Kanina ko pa rin hinahanap si Miram pero wala siya which is odd dahil maaga iyong pumasok. Hindi na ako nakapagtiis at kinausap ko si Erica, my seatmate.

"Uy, a-anong meron?" Pagtatanong ko sakaniya. Hindi kami close kaya medyo nao-awkard akong kausapin siya. Nagulat siya noong kausapin ko siya dahil nanlalaki ang mata niyang napatingin sa'kin. Napakurap pa siya ng dalawang beses at napabuntong-hininga.

"H-hindi mo ba nabalitaan? W-wala na si Miram"

Tangina? Anong wala na??

"Huh? Anong ibig mong sabihing wala na?!" Kinakabahan kong sambit sakaniya.

"Hindi pa sigurado kung pinatay ba siya o nagpakamatay ba pero tinuturong suspek ay sina Gabril"

"What?! T-teka lang.. limang araw lang akong absent pero bakit ang daming ganap? K-kailan siya namatay?"

Napapikit siyang mariin as if asking me that question will cost her life. "Hindi mo ba napanood yung video? Trending iyon sa blog ng page sa school natin ah. Noong araw na hilahin siya nina Gabril sa gymnasium, kinaumagahan natagpuan na yung bangkay niya."

Napatulala ako saglit at napakuyom ang aking kamao. Miram doesn't deserve that! She's still young.

"Ninakawan kami noong isang araw, at isa sa nakuha ay iyong cellphone ko" sagot ko sakaniya.

Magtatanong pa sana ako sakaniya ng pumasok si Prof Lucy at may kasunod siyang... transferee?

"Goodmorning class.. kindly take your seat" napahinga siyang malalim at iginala ang tingin sa loob ng room at napabuntong-hininga ng matanaw niya ang upuan ni Miram sa likod ko.

"What happened to Ms. Honorado is very unimaginable, very shocking and very painful, pero.. we need to move forward class, okay? Ginagawa na ng mga kapulisan ang kanilang trabaho para.. mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. "

Napalunok ako.. she..she's really gone. Miram is dead pero nasa akin ang notebook niya. Gusto ko ng ibalik ang notebook sakaniya pero my instinct told me to read every words written here. Something is really wrong, I can feel it. Hindi ko lang matukoy kung ano.

"Mr. Ferrer please come in. We're deeply sorry dahil nawitness mo pa ang ganitong pangyayari" she cleared her throat and speak again. "Class, as you can see you have your new classmate...introduce yourself Mr. Ferrer"

Bumaling ang tingin ko sa lalaki. Tumabi siya kay Prof at iginala ang tingin niya sa room.

"Hi. I'm Xionne Acell Ferrer" tipid na pakilala nito. Lalaking-lalaki ang boses nito pero ang lamig ng boses. He looks so very attractive wearing our uniform. He had a pair of gray eyes pero walang emosyon itong nakatitig ngayon sa amin. Nakapasok sa bulsa niya ang kaniyang kamay and by just standing, he can makes girls to drool over him, pambihira, ano ba naman 'to, Zikari! Napailing nalang ako sa naiisip ko dahil kanina pa ako gwapong-gwapo sakaniya. I saw him smirk for an unknown reason while staring at me. Shit na malagkit! Kung gwapo siya kanina, mas lalo siyang gumwapo ngayon. Napakurap ako at iniwas na ang tingin sakaniya dahil hindi ko makayanan na tingnan siya ng matagal dahil my heart is beating so fast.

"He's handsome"

"Ilang taon na kaya siya?"

"Jojowain ko yarn!"

Napailing nalang ako sa bulungan nila at pinaglaruan ko nalang ang ballpen sa kamay ko.

"Ssshhh, quiet class! Okay, Mr. Ferrer.. kindly seat beside Ms. Fajardo"
Hala?! Sa'kin? Tatabi?? Shet. Pogi baka gusto mo ring pumatong? Tangina. Erase. Erase. Maharot Zikari!!

"Raise your hand, Ms. Fajardo"

Kahit kinakabahan ay tinaas ko pa rin ang kamay ko. Katabi ko sa left side ko ay si Erica and now sa right side ko naman ay uupo ang transferee.
Mabagal siyang naglalakad papalapit sa'kin, my eyes couldn't help but to stare at him. Parang nag-slowmo ang lahat, my heart beats so damn fast!!
Nang makaupo siya ay tsaka ko lang naalalang huminga, tangina!!

In my peripheral vision I saw him putting his bag, ang bango pa niya!
Ang kinis din ng mukha niya, his lips is red plus he's taller than me. I bet nasa hanggang may leeg lang niya ako.

Ang atensiyon ng mga kaklase ko ay wala kay Ma'am dahil nakatingin silang lahat ngayon kay Pogi.. what's his name again? Xenon? Xian? Ah whatever!

Mabilis lumipas ang oras now break time na. First period namin si Ma'am Lucy, shocks 2 hours siyang nagtuturo sa'min but my mind can't even focus!

Lumilipad ang isip ko kakaisip sa notebook, kay Miram, sa pagkamatay niya, yung video na tinutukoy ni Erica, yung pagnanakaw sa bahay namin, at dumagdag pa itong poging katabi ko.

Jusmeee, Zikari.. overthinking malala ft. kabado bente.
Napahinga akong malalim at kinuha sa bag ko ang violet kong tumbler. I am not even hungry pero I'm craving for sandwich, sana mayroon pa sa canteen kahit ang bawat presyo ng tinda nila ay gold.

Pinasok ko ulit sa bag ang tumbler ko pati na ang blue kong signpen at notebook pagkatapos ay kinuha ko ang wallet ko.

Nagre-retouch pa ang mga kaklase ko habang ako ay konting suklay lang gamit ang kamay ko ay okay na. Tumayo na ako at nagulat ako ng tumayo rin si pogi.

Nagkatinginan kami kaya I just gave him a fake smile, he nod then we left.

Nauuna akong maglakad sakaniya habang nasa likod ko siya. I'm shy to talk with him so why bother, right?

Narinig ko pang nagtilian ang ilan nang makita siya, but I just shrugged my shoulder.

"Dalawang tuna sandwich at yoghurt po" sambit ko sa babaeng nagtitinda. Nagbayad na rin ako sakaniya pagkatapos kong makuha ang binili ko. I looked around but to dismay punuan na sa mga upuan. Sumulyap pa ako kay Pogi and wow, he instantly became a celebrity. Kausap siya ngayon ni Cynthia but he doesn't reply nor look at her. Tama 'yan pogi. Good choice!

Do You Want To Take A Peek?  (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon