Kabanata 1

132 4 19
                                    

Kabanata 1

Money 

“Eva!” Lumingon ako kay Aling Ibang dahil sa naging sigaw nya sa pangalan ko.

Ipinunas ko ang kamay kong puno ng putik sa aking damit bago hawiin ang buhok na tumabing sa akin. Pagkabuhay kaagad ng araw ang sumalubong sa akin kaya naman silaw ang mga mukha akong humarap sa kanila na nasa ilalim ng puno.

“Bakit ho?” Tanong ko. 

Nagtatanim kami ngayon ng mga pananim. Sila Ferros ay bumiyahe ng mga gulay upang ibenta sa Sapsap, doon kami nagbabagsak ng mga ani na dadalhin sa Maynila, sa divesoria.

“Magpahinga kana muna rito. Eka nga pala ni Ferros ay baka mahimatay ka, aba bakit hindi nyo nagagawang kumain ng umagahan? Iyong nobyo mo talaga ay pinapabayaan ka.” Madiwarang ani naman ni Aling Josie. Marami pa syang ibang sinasabi ngunit hindi ko ito mapagtuonan ng pansin. 

Umahon ako sa putikan. Napaatras ako dahil kaagad akong inalalayan sa siko ng mga lalaking iniwan ni Ferros upang mag bantay sa akin dahil nga daw baka mahimatay ako. 

Hindi ko makuha ang iniisip ni Ferros. Kaya ko naman ang sarili ko. Ni hindi ko nga alam saan galing ang mga lalaking kaibigan nya na mga ito. 

“Hindi naman sya pinapabayaan ni Ferros! Kita mo nga at maypa bodyguard pa!” Satsat ni Aren na kakaratig lamang. Binaba nya ang mga sariwang prutas sa malaking papag na meron kami rito sa ilalim ng malaking puno. 

“Bodyguard? Hindi Aren mga kaibigan nya lamang ang mga yan.” Pagpapaliwanag ko kaagad. Saan naman kukuha ng pangbayad si Ferros kung bodyguard nga ang mga ito?

“Kung bodyguard nga ang mga yan at binayaran nya pa edi sana bumili nalang sya ng makakain upang hindi manghina itong nobya nya!” Bahagya lamang akong ngumiti sa kanila. 

Hindi naman pera ang problema kung bakit hindi kami nakakain ng umagahan kanina. Maaga ang oras ng pitas ng mga gulay. Gusto na ngang magpa huli ni Ferros upang makakain pa daw kami ng umagahan pero hindi ako pumayag. Kailangan namin respetuhin ang oras ng aming pagsisilbi sa angkang Toleloria. 

“Baka naman may ibang babae-”

“Oo nga! Talamak pa naman ang mga manloloko ngayon. Sino kaya ang babae kung meron-”

“I don’t have other woman.” Malalim na boses at matigas na ingles ang pumutol kay Aling Josie. 

Tinanaw ko ang mga taong nasa likod ni Ferros. Masasaya ang mga mukha. Siguro ay mahal nilang naibenta ang mga gulay? 

“Magkano ang sili, Diego?” Abat na tanong agad ni Nana Ika.

“35 lang ho. Nakakapag taka nga po eh, ang alam ko po kasi sengkwenta ang bigayan ngayon.” Sagot ni Diego habang nakatingin sa akin. 

“Are you okay?” Tanong sa akin ni Ferros nang malapitan nya ako.

Agad syang humalik sa aking sintido. Umiwas ako. Ang baho ko! Tsaka halos pati katawan ko may putik. Nakakahiya naman na lapitan ko sya na mabangong mabango at malinis. 

“Dios ko! Maghahatid nalang kayo ng gulay nakasasakyan pa kayo! Kanino ba yang Raptor na yan? Nasaan ang kulong- kulong na sakay nyo kanina?” Natingin din ako sa sasakyan na dala nila. 

Kumunot ang noo ko. 

“Ah! Dinaanan kanina yan ni Ferros!” Sagot ng isa doon, mukhang tuwang tuwa. 

“Kailan pa tayo nagkasasakyan?” Utal ko sa kanya.

Napalunok si Ferros at hindi makatingin sa akin.

Losing Me, Loving You ( Teenage Series #2)Where stories live. Discover now