Kabanata 2
Beauty
“Eh, hindi ba letter a nga ang sagot dito?” Mahinahon na turo ko sa aking test paper.
“Hindi! Sabi ni Ma’am b daw ‘to! Hindi ka ba nakikinig?” Iritang tanong sa akin ni Helena.
“Bakit ka gumaganyan, Hel? Kala mo di mo kaibigan si Evi ah.” Ngisi sa kanya ni Elos pero mas nangibabaw ang tono ng pag sita nito sa kanya.
“Anong gumaganyan? Chinecheck ko lang kung talagang tama ang pag check sa test paper nya.”
I got 49/50 on one of our subjects then Helena got 48. She’s double-checking my test paper because she can’t accept the fact that I uplift her one point.
Hinahayaan ko lamang sya dahil hindi naman sa akin big deal ang mga score.
Ang mahalaga lang sa akin ay pasado ako.
When I was in my elementary days I pressured myself so badly to become number one because since kindergarten I am always at second place but now that I am in high school I have given up. It’s tiring.
Halata naman na kaya lang ako magaling noong elementary days ko ay dahil galing ako sa isang maliit na eskwelahan kung saan bilang lamang ang matatalino dahil maliit lang din ang lugar namin noon. Ngunit ngayon na nasa malaking eskwelahan na ako na ang mga estudyante ay galing sa iba’t ibang lugar ay natanto kong hindi talaga ako matalino.
I accepted that fact, that I’m not really naturally smart, and swear to myself that I will not pressure myself at anything. I’ll enjoy my high school life just like most high schoolers do but I will not ruin my future.
Wow, Eviasa! Will not ruin your future pero naka- three ka lang sa Science?
Umiling ako sa sarili.
Gusto kong kainin na lamang ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
I was so lazy to review my lectures yesterday and after I read some of my notes agad kong nakakalimutan ang mga ito.
“Toleloria?” Malakas na tawag ng aming science teacher sa aking apleyido dahil nagrerecord ng scores.
“Three po.” Maliit ang boses na ani ko.
Naramdaman ko kaagad ang pagdapo ng tingin sa akin ng karamihan sa aking mga kaklase at ang mga tawa nilang hindi mapigilan.
“Ano?! Dios ko ka! Ang ganda ganda mong bata tapos ganyan ang iskor mo? I have expected so much of you grabe nakaka disappoint.” Iling sa akin ng guro.
Pasensya na po kung ganda lang ang ambag ko.
I smirk at my own thought.
Some of my classmates are looking at me with their judgements gazes. What now? Kala mo naman ako lang ang nakakuha ng mababang score ah? Why making it such a big deal just because of my looks? Need ko pa bang mag sorry sa inyo dahil hindi ako kabilang sa beauty and brains na yan?
They are expecting me to have such a good score just because I’m beautiful.
Hindi ko naman nakikita ang sarili ko kung paano nila ako nakikita.
“Lagi mo kayang binabara si Eviasa, Helena. Ganon ba ang mag kaibigan?” Sabat rin ni Jason nang marinig ang pag alma ni Elos nang chinecheck ni Helena ang test paper ko na mataas ang marka.
“Akala ko ako lang ang nakakapansin.” Sagot muli ni Elos.
“That is how friendships is, right? Biruan lang na barahan.” Helena answered them naturally.
YOU ARE READING
Losing Me, Loving You ( Teenage Series #2)
RomanceBecause of my love for everyone I lost myself. Yet, there's someone for whom I have never felt my love for who is willing to lose himself just to find me. Planned: October 29, 2021 Started: July 2, 2022 End: