Prologo

110 1 0
                                    


Gwendolyn clynn o mas kilala sa palayaw na 'gwen' isang masunurin at mapagmahal na anak.Bata pa lamang siya ay namulat na siya sa kahirapan.Iniwan sila ng kaniyang ama at sumama sa mas mayamang babae.Naiwan sila ng kaniyang Ina.Simple ngunit masaya ang kanilang naging pamumuhay.

Nasa 2nd year college na si Gwen ng malaman niyang may sakit sa kidney ang kaniyang Ina.Kinakailangan nitong maipa-dialisis ngunit wala siyang pera para ipagamot ang nanay niya.Isa siyang working students ngunit hindi naman sapat ang kaniyang 350 na sweldo kada araw.Gustuhin niya mang humingi ng tulong sa ama nito ngunit pinigilan siya ng kaniyang Ina.

Naging iskolar siya sa sikat na unibersidad habang tuwing gabi ay pumapasok siya sa isang grocery store.Mas naging malala ang sakit ng kaniyang Ina.Pilit mang kumayod ni Gwen kahit hindi na siya nakakatulog ay hindi parin sasapat iyon.

"May alam akong trabaho na madalian Gwen.Hindi mo na kinakailangang humanap ng maraming raket mapagamot lang Nanay mo "Ani ni Mathilda,ang kaniyang kapit-bahay.

Base pa lang sa pananamit nito ay alam mo na na hindi normal ang trabaho nito.Tanging manipis na tela ang sout nito at halos lumuwa na kaniyang dibdib.Sobrang pula din ng lipstick nito at ang make up na kaniyang ginamit.

"Ano klaseng trabaho naman mat? "Tanong ng dalaga pero may kutob na siya.Sinabihan na siya ng kaniyang Ina na hwag lumapit sa babaeng ito kahit ano man ang mangyari.

"Sa bar Gwen,sa ganda mong iyan ay sigurado akong pag-aagawan ka.Huwag ka lamang maging pihikan.Isang gabi lang at kikita ka kahit ilang libo pa iyan"Agarang sagot ng babae sakanya sabay buga usok mula sa sigarilyo na nasa kaniyang bibig."Pag-isipan mo Gwen,siya mauna na ako at may duty pa ako "

Napag-isip isip si Gwen,kapag pinasok niya ang trabahong ito ay maipapagamot niya ang kaniyang ina.Isang gabi lamang at kakalimutan niya ang maruming trabaho na iyon.Isang gabi lang para mabuhay ang kaniyang Ina ng mas mahaba.

"Gagawin ko ang lahat para sa iyo Nay " Umiiyak na wika ng dalaga habang nakatitig sakaniyang Ina na natutulog sa katre.Pati ang pagtulog ng Ina ay hindi narin komportable dahil sa luma na nang katre."Kahit ibenta ko pa ang sarili ko " bulong nito sabay pahid ng luha na umaagos sa kaniyang pisngi.

LOVE BETWEEN LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon