Chapter 9

133 7 0
                                    

Dedicated to lovelymabz

Dearest lovelymabz,

Maraming salamat!

Always,

KC

It was a beautiful sunset beach wedding. Ginastusan talaga ng partido ni Abe ang pagdiriwang. Alam niyang napilitan lang si Melissa na pakasal sa kanya, pero ayos lang iyon. She was his. Iyon ang mahalaga.

Nakataas ang mahaba nitong buhok at na-emphasize ang maganda nitong leeg. Natutukso siyang halikan ito roon, pero madaming bisita at kahit handa siyang masampal, ayaw niyang mapahiya si Melissa.

"Bakit kailangan mo pa akong pakasalan?" tanong nito sa kanya noong mamanhikan sila at magkaroon ng pagkakataong magkausap nang sarilinan.

"Dahil ayaw kong suot mo ang singsing ng ibang lalaki," sagot niya, at tiningnan ang kaliwang kamay nito.

"Puwede ko namang hubarin na lang." At tinakpan nito ng kabilang palad ang kaliwang kamay.

"Pero gusto kong isuot mo ang mga singsing galing sa 'kin." Inilabas niya ang isang kahita.

Umiling ito at inirapan siya. "Nakapagsuot na ako ng singsing galing sa 'yo."

Nasaktan siya nang iwan nito ang nasabing engagement ring nang maghiwalay sila, pero hindi nagkomento tungkol doon. "Hindi ito 'yun. Pumili ako ng design na di ka mag-aalalang masasaktan si Maya kapag karga mo siya." Sapphire at diamond ang mga bato ng singsing na napili niya at platinum ang band. "Ako na rin ang bibili ng wedding rings natin. Isasama lang kita para makapili ka."

Tumingin ito sa kanya, parang nag-atubiling magsalita. "K-kung ayos lang sa 'yo, may binili akong singsing... dati. It doesn't cost much, pero at least ako ang nagbayad."

Gustung-gusto niyang yakapin si Melissa nang mga oras na iyon, nang sabihin nito na bumili ito ng wedding ring para sa kanya noong unang beses na inalok niya ito ng kasal. Hindi niya alam ang tungkol doon dahil hindi pa siya nakakabili o nakaka-order ng wedding rings para sa kanila ay tinalikuran na niya ito. Sorpresa siguro nito iyon sana sa kanya.

Or maybe it was her pride talking. Ayaw nito na partido lang nila ang gagastos sa kasal, gaya ng suggestion niya kay Mason. Gusto nito na kahit paano ay may contribution ito.

Napatingin si Abe sa kaliwang kamay, sa komportableng singsing na suot niya ngayon. Parang isinisimbolo niyon na hindi siya nito sasakalin, at parang mas gusto niya na mas mahigpit iyon, pero nang tanungin ni Melissa kung gusto niya bang ipa-resize o papaltan ang platinum na band, umiling siya, halos di makaimik sa tindi ng emosyon.

"No need. Saktong-sakto lang. It's actually perfect," he said.

Binili iyon ni Melissa para sa kanya. It didn't cost much, she said. Pero tingin niya ay dalawang buwan o higit pa na buong suweldo ang ipinambayad nito roon. Not that the price mattered. It was priceless as far as he was concerned. Sinayang niya talaga ang pagmamahal nito sa kanya. He had lost it...

Pero gagawin niya ang lahat para maibalik iyon. Natatandaan niya ang pakiusap nito bago sila tuluyang umuwi ng mga magulang niya noong araw na mamanhikan sila.

"Isa lang ang kondisyon ko sa pagpayag na magpakasal sa 'yo, Abe."

"Tell me."

"Kasal lang sa papel ang gusto ko. Walang mangyayari—"

"Walang mangyayari na hindi mo gusto, Lis. Iyon lang ang ipapangako ko." At di ba ang tingin nito sa kanya ay isang lalaki na hindi marunong tumupad sa pangako?

His Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon