Breathe

222 8 0
                                    

Sabi nila, hindi ka raw pwedeng ma-in love sa dalawang tao ng sabay. Hindi mo raw pwedeng ibigay ang nag-iisang puso mo sa dalawang tao. Mali raw iyon. Ang nag-iisang puso raw ay para sa isang tao lang. Ganon daw iyon. Walang dapat na kahati. Walang dapat na kaagaw.

Pero paano na lang ako sa kalagayan kong ito ngayon? May dalawang tao sa harap ko na mahal na mahal ko pareho, nang higit pa sa buong buhay ko. Buong buhay ko itong hiniling. Buong buhay kong ipinagdasal. Buong buhay kong pinangarap.

Ang magkaroon ng dalawang taong mamahalin.

Si Tricia at ang anak naming dalawa.

Mahimbing na natutulog si Tricia sa kanyang hospital bed habang nasa maliit na crib namin ang anak naming si Julia Isabelle. Ang pinakamagandang regalo na binigay sa amin ng Panginoon.

Takot na takot ako noong sinabi ni Tricia na pumutok na ang panubigan niya. Simula pa lang ay maselan na ang pagdadalang tao ni Tricia. Kaya naman napilitan kaming dalawa na tumigal muna sa pagtatrabaho bilang doktor. Si Tricia para hindi masyadong mastress at mapagod, habang ako naman ay para matutukan ang pag-aalaga sa kanya. Sinubukan ako ni Tricia na pigilan pero mas hindi ko kakayanin kung papabayaan ko lang silang dalawa at baka sa huli ay pagsisihan ko pa.

"Labs?" I heard Tricia called for me habang nagpeprepare ako ng breakfast at siya naman ay nakahiga sa couch namin sa sala.

"Yes, labs? Malapit na 'to. Gutom ka na ba? Ayusin ko lang—"

"I think my water bag just broke, labs."

Hindi ko na tinapos ang ginagawa ko at agad na pinatay ang electric stove. Nilapitan ko saglit si Tricia at nakitang pinagpapawisan na ito at tila naghahabol ng hininga.

"Stay with me, labs, okay? Kunin ko lang gamit natin." I kissed her quick at saka na kinuha ang nakaprepare naming baby bag. Nagsuot ako ng sweater at kumuha ng jacket para kay Tricia. Agad ko na siyang binuhat papunta sa sasakyan namin at mabilis na nagmameho patungong ospital.

Pagkarating namin sa ospital ay agad naman kaming inasikaso sa emergency area. Habang wini-wheel in si Tricia patungong delivery room ay nasa tabi niya lang ako at patuloy na nakahawak ang aking mga kamay sa kanyang kamay.

"I'm here, labs. Okay? I'm here. Breathe. Just breathe. Ayun lang. Do that for me, okay? Breathe." I keep on reminding her as we were entering the delivery. "Remember to breathe, mahal."

Parang hindi gumagana ang utak ko bilang doktor ngayong si Tricia na ang nakikitang nakahiga sa delivery bed. Nakahawak pa rin ang kaliwang kamay ko sa kaliwa niyang kamay habang ang kanan kong kamay ay marahan na hinahaplos ang ulo niya.

"Go on, baby. Just a few more push."

Halos magdiwang ako nang sabihin ng OB-GYN ni Tricia na malapit nang lumabas ang bata. Ngunit napalitan ang tuwa nang biglang sinabi ng doktor na,

"Low oxygen!"

Napatingin ako kay Tricia at nakitang namumutla na siya.

"Labs? Labs. Breathe. Please." Hindi ko alam kung tumutulo ba ang mga luha ko dahil sa tuwa nang nakita kong lumabas na ang anak ako o takot dahil baka sa isang iglap ay iwan ako ni Tricia. "Labs, please. Breathe."

"Dr. Saavedra, we are asking you to move to the side first so we can check on your wife thoroughly."

Dahan-dahan akong umatras habang nakatitig lang kay Tricia na halos matakpan na ng mga doktor at nurses dito sa loob ng delivery room. Lalo naman akong napaiyak nang iniabot sa akin ng nurse ang anak ko na tumahan na mula sa kanyang pagkaka-iyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong Pag-ibig.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon