Chapter 1

269 5 0
                                    

Welcome home.


Kararating ko lang sa mansion at halos ginabi na ako dahil sa delayed anf flight ko. Ang init-init pa. Akala ko dahil nasa probinsya ako ay makakaligtas ako sa sobrang init pero mali pala. Hindi na ako nagpasundo sa airport at nagtaxi nalang ako. Kaya nga kinailangan ko paring maglakad dahil hindi naman nakakapasok ang taxi dito. Also, I wanted to surprise Lolo. Ni minsan kasi ay hindi ako umuwi sa loob ng limang-taon at namalagi lang ako abroad.


Wala paring masyadong pinagbago sa lugar kinalakihan ko. Nadagdagan lang siguro ng mga bahay at mas naging maayos ang kalsada. May nadaanan din akong mga trabahador sa hacienda kanina at napansin kong nagbulong-bulungan sila. Marahil ay nagtataka kung sino ang bagong dating. Hindi siguro nila ako nakilala o di kaya'y bago lang sila dito.


Naging busy rin kasi ako masyado sa pag-aasikaso ng negosyo ng pinsan kong si Vince dun at nag-aral narin. Pero nag-uusap naman kami. Tumatawag naman ako para mangumusta. Mag-isa na lang kasi si Lolo at matagal ng wala si Lola. Namatay siya sa isang car-accident years ago.



Dalawa lang ang naginga anak nila. Ang Papa at si Uncle Bernard na kasamang namatay sa aksidente. Tapos ay bumukod din naman si Papa nung nagpasya siyang bumuo ng sarili niyang pamilya.

Kakatapos ko lang magbihis ng makarinig ako ng pagkatok sa pintuan ng aking kwarto.


Natuwa ako kanina pagkapasok ko dito. Wala masyadong binago sa kwarto. Ang ipinagtataka ko ay ang lilinis at aayos ng mga gamit na para bang hindi nawala ng ilang taon ang may-ari nitong kwarto. Ang babango pa nga ng damit at parang bagong labada. Kahit ang poborito kong pantulog na lumang-luma na ay hindi parin itinapon.


"Ma'am, kakain na daw ho." Tawag saakin ni Manang Saling.


"Manang naman. Ilang taon lang akong nawala ay bumalik na kayo sa pag-mma'am sa'kin. Katrina nalang manang o kung gusto mo ay kat-kat nalang." Tumawa pa ako ng kaunti habang sinasabi yun sa kanya at sinabayan niya rin naman ako sa pagtawa.


Sumunod ako sa kanya hanggang sa dining table. Nadatnan ko dun si Lolo na nakaupo na samay kabisera. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi bago ako naupo sa tabi niya.


Pagkadating ko kanina ay wala siya dahil lumuwas daw ng Manila. Meron daw inasikaso.


"Why did you decide na umuwi ng biglaan apo? Sana ay napasundo kita." Tanong niya pagkaupo ko.


"Wala lang. I wanted to surprise you. Why, are you not happy that I'm here?" Ngumuso pa ako at kunwari'y nagtatampo.


"Of course, I'm happy that you're here. I was just wondering... have you finally decided about my offer?" Nagseryoso bigla ang mukha niya. Kaya ay medyo kinabahan ako. Nakakatakot si Lolo pagka-ganito ang itsura niya. Na-aalala ko kung pa'no siya dati. Sobrang strikto at naka-focus sa negosyo. He owns series of hotels and resorts around the country at meron naring branches abroad.


Pero kahit na. He has a good-side too and I'm always his favorite. Mabait siya sa'kin dati pa. Hindi nga lang halata.


"I don't know yet, pero I'm planning to stay here for good." I managed to say. Pinag-iisipan ko pang mabuti ang alok niyang trabaho sa'kin.


"Well, that's good. But, you have to decide sooner."


"Yeah. Na-miss ko 'tong daing, Lo. Ang sarap. Okay lang ba kung magkakamay ako?" Masarap kayang kumain ng naka-kamay. Nasanay narin ako e. Kalaro ko dati ang mga anak ng trabahaor ni Lolo sa hacienda. Tapos ay sumasabay akong kumain sa kanila lalo na kapag tanghalian.

"Oo naman. Tayong dalawa lang naman ang nandito. Feel free to do whatever you want, princess." Sabi niya habang nakangisi sa'kin.

"Lolo naman, ang tanda ko na princess parin." Nagtawanan lang kami pagkasabi ko nun.

Pagkatapos naming mag-hapunan ay pumanhik na agad ako sa aking kwarto. Nakatulog din naman ako kaagad dahil sa pagod.

***

After two-weeks ng pamamalagi ko sa mansion ay medyo naiinip na ako. Wala akong madalas kasama kasi may inaasikaso pa ata si Lolo at balik siya ng balik sa Manila.

Si Manang lang at mga house-helpers ang lagi kong kasama sa bahay.


Wala naman akong masyadong kakilala rito. At wala pa ako sa mood na mamasyal at maglakad-lakad ng ako lang. Mabuti kung bata pa ako. Siguro ay may mga bagong kalaro na kaagad ako at marami na akong napasyalan.

Nakikipag-kwentuhan din naman ako sa aling trabahador na nakatira samay sakahan. Sila ang malapit sa mansion e.

Madalas ay nakikisabay akong magkape sa kanila sa umaga at nakikipag-kwentuhan narin. Meron din namang halos mga kaedaran ko pero karamihan ay may edad na.

Wala akong ibang magawa kaya I spend time reading and sketching. Naalala ko before, I wanted to be an artist. Pero Papa's against it. Kaya kinalimutan ko nalang.

Nasa sala ako ngayon at nagbabasa habang nakabukas ang TV. Para lang may maingay.

Nihinto ko ang pagbabasa ko nang mag-ring ang phone ko.

I answer the call emmidiately nang makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello, honey...

***

A/N: this version of the book is unedited yet. Direkta ko po itong isinusulat at nipa-publish sa wattpad.

A Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon