Flashback.I thought, everything will go back to normal after 'that night'.
But, I was wrong.
Kahit mga kaibigan ko ay nawala. I never contacted them pagkatapos nun. Nagpalit ako ng number at lumipat ng apartment. Galit ako sa kanila. Kahit anong sabihin ay sila ang sinisisi ko for what happened to me. Kung hindi nila ako niloko ay hindi sana ako malalasing at duda ako na may nilagay silang kung ano sa inumin yung. Baka para sa kanila ay biro lang yun. Naisip ko na hindi sila mabuti para sa'kin. Marami pa naman akong pwedeng maging kaibigan. Yung mga totoo.
After a month, I saw him standing on my door-step. Hinanap niya raw ako. He hired a private investigator at nagkataong pagmamay-ari niya ang apartment building na tinitirhan ko. He looked for me because he wanted to sue me. I drugged him daw and I seduced him into sleeping with me. Like, I will do that.
Pinagbintangan niya ako and he won't even listen to my explaination. Ang sabi niya ay ipapakulong niya raw ako and will make my life a living-hell when I take actions against him. Kung anuman daw ang binabalak kong masama sa kanya ay 'wag ko ng ituloy.
He gave me a week para umalis sa apartment ko at magpakalayo-layo. Ayaw niya raw makita ang pagmu-mukha ko at 'wag na wag na akong magpapakita sa kanya kung gusto kong maabswelto.
Hinalughog niya pa ang buong apartment ko dahil baka may nanakaw raw ako sa condo niya that night.
Galit na galit ako nun. Ni wala akong ka alam-alam sa sinasabi niya at ni hindi ko nga siya kilala. Ang sabi niya ay hindi siya naniniwala dahil walang hindi nakaka-kilala sa isang Nathaniel Jimenez.
Anong magagawa ko if I don't really know him. Ano siya superstar?
Nag-empake kaagad ako pagka-alis niya. Kalmado parin ako nun kasi alam kong wala talaga akong kasalanan. Kahit pagbintangan niya ako ng kung anu-ano ay ayos lang dahil alam ko sa sarili ko na inosente ako. I was a virgin for pete's sake. Hindi ko ipagpapalit yun sa kung ano mang bagay o halaga.
Bago pa ako matapos ay nagulat ako nang biglang bumakas ang pinto ng apartment ko at may pumasok na dalawang babae. Unang tingin ay mapagkaka-malan mo silang mag-nanay.
"Ano pong ginagawa ninyo dito?" I managed to ask kahit kinakabahan na ako dahil sa pinupukol nilang tingin sa'kin.
"You did'nt know us? Ang lakas ng loob mong mag-tanong. Sa isang tingin palang ay hindi maipapagkaka-ilang you're a whore nga. Walang dudang Nathan is not sober when that happened coz if he is ay hindi ka niya papatulan. Right, tita? Malandi talaga ang babaeng yan!" Ngumisi ng nakakatakot ang babaeng tinawag niyang tita.
Hindi ako nakapag-salita pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nathan daw? So, they're related to that Nathaniel Jimenez na kakagaling lang dito kanina? Mukha nga. Sa ugali palang kasi ay hindi maikaka-ilang may kaugnayan sila sa isa't-isa.
Umalis din naman sila pagka-ubos ng mga insulto na pwede nilang ibato sa'kin.
Masakit, oo. Pero hinayaan ko lang silang magsalita nang magsalita. Kunyare ay hindi ako apektado pero after they left ay saka ako nag-iiyak.
I did'nt know what I did to deserve this. Isang pagkakamali lang ay nakagulo-gulo na ang buhay ko. Hindi ko rin naman yun ginusto.
Kailangan ko ng umalis pero wala akong mapuntahan. Hindi kami okay ng pamilya ko. Kaya nga ako naglayas. Hindi kami magkasundo ni Papa dahil ang tigas daw ng ulo ko. Ang paborito niya kasi ay si Kuya Trevor.
Lumipat ako ng ibang lugar para makapagsimula ulit.
I started looking for job immediately dahil paubos narin ang ipon ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makahanap ng trabaho.
Nalaman ko na hinarang nila ang resumé ko. Ginamit nila ang connections nila para walang mag-hire sa'kin.
Wala akong ibang choice nun kung hindi ang magtiyaga sa mga trabho dyan lang sa tabi-tabi. Ginigipit talaga nila ako. Akala ko pagkaalis ko ay tatan-tanan nila ako pero, hindi pala.
Hindi pa pala sila tapos sa'kin. Pero hindi ako sumuko. Kailangan kong maging matatag lalo pa ngayon...