Chapter 3

133 5 0
                                    

Lolo and I talked during dinner. He asked me kung payag na daw ba ako sa inaalok niya. Trabaho yun sa company niya.

Pumayag narin naman ako kasi nga kailangan ko naman talaga ng trabaho kung mag-sstay na ako dito sa Pinas.

Ang sabi ko sa kanya ay ayoko ng special teatment kaya gusto kong magsimula mula sa ibaba. Tutal, ay hindi naman ako kilala ng mga empleyado niya dun.

Ayoko rin na ituring nila akong iba o di kaya'y magbait-baitan lang sila sakin kasi apo ako ng may-ari. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Lolo pero wala narin naman siyang magagawa.

Nataon naman na wala pang niha-hire na bagong secretary si Sabina, my cousin. She's uncle Bernard's daughter at kapatid ni Vince. Siya ang kasalukuyang presidente habang si Lolo naman ang CEO. Sa pagkaka-alam ko ay magre-resign na si Lolo. Kaya, malamang ay siya ang papalit.

Hindi pa naman niya ni-aannounce formally pero, halata na naman. Wala na rin namang ibang mas deserving kung hindi siya. Tatlo lang naman kaming apo ni Lolo and she's the only na interesado sa pagpapatakbo ng negosyo.

Wala naman talaga akong pake sa yaman ng pamilya. Sanay ako sa simpleng pamumuhay. Dahil din siguro sa mga magulang ko. Si mama ay isang simpleng may bahay at si Papa naman ang naghahanap-buhay. Mag-isang anak lang ako pero they never spoil me. Minulat nila ako sa simpleng pamumuhay. Yun nga lang ay nasobrahan sa pagka-strikto si Papa. Dahil mag-isa lang ako ay tutok ang atensyon niya sa'kin. Nung bata pa ako ay okay lang. Hinayaan ko siya sa lahat ng gusto niya para sa'kin kaya ay nagkakasundo parin kami kahit papaano.

Nagka-problema lang when I started making decisions on my own. Palagi na kaming nag-aaway at yun ang naging dahilan ng paglalayas ko noon. Second-year college ng umalis ako sa puder nila at nagpasyang mamuhay ng mag-isa at pag-aralin ang sarili. Mahirap sa umpisa, pero nakayana ko. Ni-hindi ko nga alam kung hinanap ba nila ako. Mula noong umalis ako sa'min ay hindi ko pa sila nakikita.

Pag-naiisip ko yun ay suma-sama talaga ang loob ko. Kahit isang tawag o text-message man lang ay wala.

Narinig kong may bisita si Lolo ngayon kaya I decided na bumisita sa pinaka-malapit na mall. Mga isang oras din ang byahe mahigit. Hindi naman sa umiiwas ako, pero umiiwas nga siguro ako. Basta!

Mga ka-sosyo ata nila sa negosyo ang bisita na dun na magla-lunch kaya medyo iwas ako. May galit parin ata ako sa mga mata-pobreng mayayaman.

Wala ako sa mood makipag-plastikan ngayon!

Ilang minuto pa lang pagkadating ko sa mall ng makatanggap ako ng text message mula kay Sab.

Wer the hell are you? Ikaw talaga ang sadya ko kaya sumama ako rito, tapos lalayasan mo'ko. Kakalbuhin talaga kita. Umuwi kana!

Kaya naman ay umuwi kaagad ako. Agad akong nagpunta sa terminal ng van para mas mabilis. Sayang! Plano ko sanang mag bus. Kanina kasi papunta rito ay nagpahatid ako sa driver. Abala pa kung magpapasundo ako. Gusto ko rin namang makita ang pinsan ko kaya ayos lang kahit masira ang plano ko.

Pagkadating ko sa bahay ay napansin ko kaagad ang mga bisita na nakaupo sa hapag-kainan. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod sila sa'kin. Lima silang nandun. So bale, apat ang bisitang dumating, kasama si Sab. Akala ko ay si Sab nalang ang nandito. Hindi pa rin pala sila umaalis.

Si Sab ang unang nakapuna sa'kin at nilapitan niya ako kaagad para yakapin.

"Buti naisipan mong umuwi. Grabe na-miss kita, ilang taon na ba? Tapos tataguan mo pa ako."

"Pa'anong tataguan kita, e hindi ko naman alam na pupunta ka. Sana nagsabi ka para 'di ako umalis."

Our little reunion was interrupted nang magsalita si Lolo. "Join us, apo. I wan't you to meet our guests." Sumunod ako kay Sab. I was hesitating pa na lumapit coz I feel like I'm interrupting something. Mukhang ang seryoso kasi ng pinag-uusapan nila bago ako dumating. Papaupo na ako ng mapatingin ako sa guests na nakaupo sa may harapan ko.

No way! Hindi totoo. Imagination ko lang 'to. Pero hindi, I will never forget that face. Ilang taon kong sinumpa ang pagmumukhang yun.

"Apo, I would like you to meet Mr. and Mrs. Jeminez and their son, Nathan." I know. Sinong makakalimot sa mga kampon ng kadiliman.

Gusto kong isagot kay Lolo pero pinigilan ko ang bibig ko. I composed myself at pinaka-titigang mabuti si Nathan. I can't believe it. He did'nt recognized me! Mas lalo akong nagalit dahil dun. Hindi pwedeng makalimutan niya ako ng ganun lang. Hindi pwede! May utang pa siya sa'kin! Ang akala ko ay napatawad ko na siya. Akala ko nakalimutan ko na lahat ng sakit na binigay niya sa'kin na ibinaon ko na sa limot ang galit na bumuhay sa'kin sa loob ng ilang taon.

Galit na galit ako nun. Paulit-ulit ko silang pinapatay sa isip ko nang mga panahong nahihirapan ako.

Tumikhim si Lolo at nakuha ko ang ibig-sabibin nun. That I have to say something.

"Nice to meet you." I said that as polite as possible. Syempre, ako ang lalabas na masama pagnag-maldita ako.

"They are my new business partners and... Sabina's future in-laws and husband."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Night With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon