HOM 7

76 7 0
                                    

Kris's Pov
Guys may ikekwento ako sa inyo. Kahapon kasi naglalaro kami ng basketball tapos nauhaw ako paglapit ko dun sa waterboy grabe ang cute niya parang panda. At ang pangalan niya ay Tao. Simula nung nakita ko siya hindi na siya mawala sa isip ko. Na-love at first sight ata ako.

"HOY KRIS!"

"AY NEGRO!" Sino ba tong nanggugulat!

"Ano bang problema mo Kai at nanggugulat ka?" sabi ko

"Wala lang. Nakita mo na ba yung post sa page ng Royal High?" tanong niya sa akin

"Ha? Hindi pa eh. Ano ba meron?" bihira lang magpost sa page ng Royal High. Wala kasing masyadong events na ginagawa.

"May camping daw eh. June 10, at walang pasok bukas para makapaghanda tayo. Ayos!" tsk. Masaya siya kasi walang pasok.

Maya-maya narinig kong may papasok sa Royal's Room. Nagtataka kayo kung ano ang Royal's Room? Eto ay kwarto namin nila Kai,Sehun,Lay,Chen at Chanyeol dahil ang mga magulang namin ang may ari ng school na to. Ang mga magulang kasi naming anim ay childhood bestfriends.

"Guys nakita niyo na ba ang post ng Royal High?" tanong ni Chen

"Oo" sabi naming dalawa ni Kai.

"Grabe yung katapat natin sa seating arrangment ang gaganda nila kahit lalaki." sabi ni Lay

"Oo lalo na si Kyungsoo. Ang cute cute niya. Actually guys kami na eh" Sabi ni kai

"ANO?!" sabi naming 5.

"Chill lang guys. Kasi nalaman kong may gusto siya sa akin kaya para mapadali na maging akin siya binlackmail ko siya na kapag di siya pumayag na maging kami, ipagkakalat ko sa school na may gusto siya sa akin" sabi ni Kai

"Tsss. Grabe ka talaga. Hoy! Sehun bakit tahimik ka?" Tanong ni Lay kay Sehun

"Di ka pa nasanay diyan Lay." sabi ni Chanyeol

"Guys magready na kaya tayo para sa camping" Suggest ni Kris

"Sige" sabay-sabay nilang sabi

Tao's POV

Kasalukuyan kaming nag-aayos dahil mag-ggrocery kami para bukas. Nako sana maging masaya tong vacation na to.

"Guys ready na kayo?" tanong ni Baekhyun hyung

"Oo" sabay-sabay naming sabi nila Luhan,Xiumin,Suho at Kyungsoo.

Sumakay na kami sa Van. Nagtataka kayo bakit may Van kami? Pinadala kasi yan ng mga magulang namin para daw pag may pupuntahan hindi na kami magcocommute. Delikado daw kasi.

"Kyungsoo, okay ka lang ba?" kanina pa kasi tahimik yan eh.

Kyungsoo's POV

"Kyungsoo, okay ka lang ba?" tanong ni Tao.

"Ah kasi guys... A-ano may sasabihin ako." grabe kinakabahan ako

"Ano yun?" sabi ni Luhan

"K-kami na kasi ni Kai" Sabi ko. Halatang gulat sila. Nakuuu

"Ano?! Paano?" gulat na sabi ni Xiumin

"Kasi nalaman pala niya na gusto ko siya. Kapag di ako pumayag na maging kami ipagkakalat niya sa Royal High." Sabi ko na parang naiiyak na. Sensitive ko masyado.

"Hala wag ka umiyak Kyungie. Di kami galit nagulat lang kami. Basta ha pag sinaktan ka niya andito kami ha?" sabi ni Suho hyung

"Salamat talaga guys" sabi ko

Baekhyun's POV

Ang bilis ni Kai ah. Yes! Nabawasan kami ng aalalahanin ni Chanie ko. Sila Luhan, Suho, Tao at Xiumin nalang. Kaya yan sa Camping.

-----------------------------------------------------------

Ano kaya mangyayari sa grocery store?

He's Officially Mine [Exo Otp]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon