LOVE was complicated. Why love always gave us a choice? Maging masaya, maging bigo o patuloy na masasaktan? Pero minsan kahit pinili na nilang sumaya ay humantong din iyon sa pagkabigo? Ano pang saysay ng pagpili kung gano'n?
Maswerte na lang ang mga taong kahit patuloy na nabibigo at nasasaktan ay pinipili pa ring maging masaya.
Noon, akala ni Maruja lagi na lang masaya ang buhay niya kasama si Arvin. Ngunit sa huli ay nasaktan pa rin siya. Nakilala niya si Adam at piniling maging masaya muli pero naulit lang ang nangyari. Hanggang kailan niya dadanasin ang pagkabigo sa buhay niya na kahit ilang ulit niyang piniling maging masaya ay hindi niya naman magawa?
"You're seven weeks pregnant." Para siyang nabingi nang deretsang sabihin iyon ng doktor sa kanila pagkatapos itanong ni Ziegfred ang kalagayan niya.
Seven weeks pregnant? Namuo sa mga mata niya ang mga luha nang maalala ang araw na nagising siyang nasa kama kasama ang isang estranghero. Ang lalaking iyon ang ama ng kanyang anak. Ang lalaking ni hindi man lang niya nakita ang mukha.
Nakatulalang nakatitig siya kay Ziegfred nang umalis ang doktor. Binigay nito sa kaibigan ang mga kailanganin sa pagbubuntis niya. Umiling-iling siya sa kaibigan, hindi pa rin naproseso na isa na siyang Ina. Handa na nga ba siya?
"Bekebop..."
"I'm just here, babae." Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya.
Sumikip ang dibdib niya. Nakakatawang isipin na pareho pa silang buntis ng Ate niya. Ang pinagkaiba lang ay hindi niya alam kung sino ang ama ng dinadala niya. How can she tell it to her parents? To Adam? Kahit nasasaktan ay pinili niyang huwag na lamang sabihin sa mga ito ang tungkol sa pagbubuntis niya.
Hindi din naman kinakailangang malaman ni Adam ang tungkol doon. Para ano pa hindi ba? Kahit malaman man nito o hindi walang magbabago, hindi rin naman siya ang ama nito.
Maruja choose to hide it from them. Ilang araw din bago siya na discharged sa hospital. Ziegfred take care of her, hindi ito umalis sa tabi niya. Ito ang tumayong magulang sa kanya at iyon ang pinagpapasalamat niya. Kung wala ang kaibigan ay baka nabaliw na siya kakaisip kung ano ang gagawin niya.
"Did you drink your milk?" tanong nito kinaumagahan sa kanya habang nag-aayos siya upang magtungo sa opisina. Sasama din naman ito.
"I don't want it, bekebop. Hindi ko gusto ang amoy at lasa." Ngumuso siya bago naunang lumabas dito.
"Pero kailangan mo iyon, babae." Kinuha nito iyon sa lamesa at pilit na pinapahawak sa kanya. "For the baby 'yan kaya tiisin mo!"
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Ang baby niya lagi ang pang-blackmail nito sa kanya kaya wala siyang nagagawa kundi ang gawin ang sinasabi nito. Mataray ang mukhang inalalayan siya ni Ziegfred patungo sa kotse nito.
"Hindi ko pinangarap na maging ama ng kahit na sinong babae, ohmygosh! You're stressing me! Look at my face, babae! Nakita mo ba ang eyebags ko? I'm haggard!" panay ang reklamo nito habang nagmamaneho na siyang tawa naman ang sinasagot niya.
Panay ang reklamo nito ngunit ayaw naman nitong iwan siya dahil sa kalagayan niya. Pagkarating sa kompanya niya ay muli siya nitong inalalayan. Napapakamot siya sa ulo ng pagalitan siya nito nang tangkain niyang bilisan ang paglalakad. Para ito pa ang ama ng baby niya.
Patungo na sila sa elevator ng matigilan silang pareho. Sabay na napatitig sa lalaking nakasandal malapit sa elevator, na matalim ang mga titig sa kanilang dalawa ng kaibigan. The way his jaw moved, the way he greeted his teeth, and the way the muscles on his arms tensed, Maruja knew that he was mad.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS SERIES: Tainted Obsession [COMPLETED]
RomanceWarning! Mature Content [R. 18] DARK SECRETS SERIES (SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP PUBLISHING HOUSE) Adamon Navida & Maruja Del Russo