17

209 8 1
                                    

07 — 20

Literal na parang gusto kong magpakain sa lupa kanina. Pa’no ba naman, pagkakuha ko kanina ng mga orders na ise-serve na sana ay hindi ko alam na nasa likuran ko pala siya. Kaya ang ending, natapon ang mga orders sa ‘ming dalawa. At ang mas malala pa ay muntikan na akong matumba dahil nagkaapakan kami ng paa at sinalo niya naman ako. At kung ine-expect niyo kung may slow motion na nangyari? Wala. Kingina lang kung makaramdam pa ako ng slow motion sa ganoong sitwasyon, eh, ang dami-dami pa namang customers. Sa pagkakasalo niya sa akin, bahagya niya pang nahawakan ‘yong puwet ko—oo, naramdaman ko ‘yon. Akala niya, ha—pero agad din namang nag-slide ‘yong kamay niya papunta sa baywang ko. But the fact na nahawakan niya ‘yong puwet ko, sinuntok ko siya sa may tiyan pero mukang ako rin naman ang nasaktan dahil sa tigas no’n. May abs pa yata ang putek. Tapos kani-kanilang ay nalaman kong vlogger din pala ang mokong. Kung hindi ko pa nabasa ‘yong mga comments sa may post ni Via na naka-tag ako,—oo, ako lang. Hindi niya yata ma-tag ang mokong dahil hindi sila friends sa fb—hindi ko pa malalamang vlogger din pala siya. Kaka-check ko lang din nang cam ko and nakuha pala ‘yon kaninang nag-take ako ng vid sa coffee shop para sa vlog ko, shuteks. Tatanggalin ko talaga ‘yon mamaya kapag mag-e-edit na ako. Argh, kainis!

Edited 4:07 PM

Addiction Series #5: Coffee, Tea, or Me? | ✓Where stories live. Discover now