01

1K 6 0
                                    

Ah                                    -  

"Hmm, new car?" Gretchen asked while looking at my car I just parked. I saw Gunner at his back, raising me a brow.

Ipinatong ko ang braso sa bubong ng sasakyan ko habang ang isa ay nasa pinto. Tinaasan ko ng kilay ang magkapatid bago ako nakangising isinara ang pinto ko. Sumandal ako sa sasakyan ko habang nananatiling nakatingin sakanila.

Nilingon ko ang sasakyan ko bago ko sila nilingon. Ibinaba ko ang salamin hanggang sa bibig ko para makita ang muka nila bago ako tumungo bilang sagot.

"A mazda," I answered before I spit and licked my lower lips. Gretchen hissed.

"A mazda?" Gunner raised a brow. I puffed my vape a shook my head.

"Mazdaserrati," I joked, then, I smirked. The two frowned, making me laugh.

Pinindot ko ang button to lock the door bago ako nakapamulsang lumapit sa dalawa. Nananatiling nakasimangot si Gunner habang nakangisi naman si Gretchen, mas lalo akong natawa.

"Yabang naka maserati," Gretchen teased me. Tinawanan ko lang sya bago ko sinadyang banggain ang balikat nya.

"Anong atin, Gunner," Bati ko kay Gun saka ito inakbayan. Umangat ang sulok ng labi nya bago sinubukang kunin ang vape sa kaliwang kamay pero nilayo ko ang kamay.

"Pahipak lang," Tinaasan ko sya ng kilay habang pilit nyang kinukuha ang vape sa kamay ko, naunahan na kami ni Gretchen sa paglalakad dahil sa kulit ng taong to.

"Kiss muna," I teased him. Ngumuso ako sa harap nya at tumingkayad para maabot ko sya pero hinawi nya lang ang muka ko. Napasimangot ako at napairap sa ere.

"Magkikiss rin naman tayo kung pahihipakin mo ko eh," Ngumisi ako at umiling.

"That's indirect kiss tho," Pabiro akong ngumuso. Tuluyan nang sumama ang muka ni Gunner na syang ikinahalakhak ko.

"Just tell me you like me, Shilo, tsansing ka pa," He rolled his eyes eyes that made me chuckles.

"Kung may magugustuhan man ako, bakit hindi nalang si Gretchen? Bakit ikaw pa? Tite ka," Sinamaan ko sya ng tingin. Umangat ang dalawang kilay nya bago kami natawa ng sabay.

Nang makapasok sa sala ay dumeretso ako sa couch at naupo ron. Ipinatong ko ang paa sa maliit na mesa sa gitna bago ko pinaglaruan ang usok ng vape na nagmumula sa bibig ko. Vape tricks lang yata ang talent ko.

"Ang usok, tanginamo Shilo, uuwi sila Mama!" Reklamo ni Gretchen na kakarating lang sa sala.

May dala itong tray na may lamang snacks saka iton inilapag sa maliit na mesa, agad akong napaayos ng upo bago pinagtuunan ng pansin ang dala nyang pagkain.

"Vanilla flavor nyan," Patungkol ko sa juice ng vape ko.

Sinimulan ko nang kumain habang si Gretchen ay tumayo para buksan ang bintana sa loob ng bahay nila. Natawa nalang ako habang pinapanuod syang paypayan ang usok palabas sa bintana gamit ang kamay nya. What a smart Lawyer she is, no?

"What's the tea?" Gretchen asked, nakaupo sya sa armrest ng couch na kinauupuan ko. Kumunot ang noo ko, agad kong nilunok ang kinakain ko.

"Anong tea?" Inikutan nya ako ng mata dahilan upang umasim ang muka ko.

"You and Amarah!" Ah, yon. Napatungo tungo ako bago ako sumandal sa kinauupuan ko.

"Ah, we stop talking," Simpleng sagot ko na ikinamaang ng labi nya. Natawa ako sa naging reaksyon nya kaya binugahan ko ng usok ang muka nya, agad naman syang nagreklamo.

Clandestine Illicit (Professor × Student) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon