Chapter 7

260 16 2
                                    

Jessica

I was stunned to speak.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung anong ginagawa ni Sir Bongbong at ng babaeng kasama niya.

They're kissing.

Pakiramdam ko napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw.

Ba't parang nasasaktan ako???

Ba't parang ramdam ko pinagtataksilan ako???

Ano 'tong nararamdaman ko???

Hindi... Baka nadadala lang ko sa pagkakaroon ko ng crush sa kanya.

Baka girlfriend niya yung babae.

Pinilit kong gumalaw sa kinalalagyan ko para maakalis.

Pero bago pa man ako tuluyang makalakad...

He saw me.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako.

"J-Jessica..."- he called my name for the first time!

Oo tama! First time 'yon!

Napayuko ako at saglit lang ay tumingin uli ako sa gawi nila.

Kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang babae at lumingon sa akin.

She's beautiful at kung titignan, parang ka-edad ko lang. Mas maganda siya doon sa babaeng nanampal sa akin.

Naka-skirt siyang itim na above the knee ng haba. Siguro mga nasa two inches ang pagitan sa itasas ng tuhod.

Tapos naka-white blouse polo type at naka-stilleto na itim.

Nakita ko ang mga mata ni Sir Bongbong na parang gusto niyang magpaliwanag sa akin.

At kung ganon man, bakit naman?

I mean, why he will do that?

I'm just his secretary at isa pa, wala naman akong kaalam-alam sa personal niyang buhay.

Kaya itong babaeng nakita kong kasama niya at kahalikan niya malamang girlfriend niya or asawa.

O kaya naman...

Babae lang niya, na walang label sa kanya.

"Sorry po Sir, naistorbo po kayo.
Iaabot ko lang po sana itong snacks niyo. Kaya lang mukhang busyng busy po kayo"- walang anu-anong pumasok ako ng deretso sa loob ng office.

And I know na sinusundan nila ako pareho ng tingin.

Deretso lang ako sa mesa ni Sir at binaba na doon ang lunch box.

Matapos iyon ay hinarap ko sila.

"Sorry for disturbing you Ma'am. Kung may kailangan po kayo, tawagan niyo na lang po ako Sir"- sabi ko sabay ngiti sa kanila at bahagya akong yumuko tsaka naglakad palabas.

Sinara ko ang pinto dahil kanina nakabukas iyon noong papasok ako.

Maghahalikan na lang, bukas pa ang pinto.

Umagang umaga, may ganang maglaplapan...

Tsk...

Kairita...

"Get a room"- sabi mo sa isip ko at nagtungo na ako sa desk ko.

As soon as I put may bag sa swivel chair ko, kinuha ko sa bag ko ang pouch ko na naglalaman ng retouch kit ko.

Nagtungo ako sa ladies room para mag-ayos at jumingle na rin.

----------

Nasa loob ako ng cubicle at katatapos ko lang jumingle.

Love In A 15 Year Old Gap: Bongbong Marcos FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon