Chapter 9

332 16 3
                                    

Jessica

9 pm

Nasa kama ako ni Vivian at nakaupo. Abala siyang nagluluto ng hapunan namin sa kusina habang ako naman ay pinupunasan ang buhok kong basang basa.

Walang kasama sa bahay si Vivian. Bago kami umuwi ay bumili kami ng makakain dahil parehas na kaming gutom.

Ramen at demi soda and binili namin sa kalapit na Korean store sa tapat ng 7/11.

Hanggang ngayong mga oras na ito, hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Kung paano ako atakihin ng trauma ko at kung paano iyon nasaksihan ni Sir Bongbong.

Sa halos magdadalawang taon kong pagtatrabaho sa kanya, ngayon ko lang siya nakita na nag-alala ng ganon.

Parang may nag-iba sa kanya kahapon...

"Jess, kain na tayo"- napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Vivian at nakita ko siyang papasok ng kwarto dala ang isang kaserola.

Kaagad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at tinulungan ko siyang i-set ang maliit na mesa.

Lalabas sana ako ng kwarto para kumuha ng mangkok at kubyertos kaso pinigilan niya ako at siya na lang daw ang kukuha.

When everything is fine, umupo na kami sa sahig para kumain.

Pagkabukas niya ng takip ng kaserola ay mabilis naming naamoy ng mabango at nakakatakam na ramen.

"Hssss... Sarap nito hihihi"- sabi ni Vivian at kinuha ang isang mangkok tsaka tong.

Naglagay siya ng noodles doon at nilagyan ng sabaw gamit ang maliit na sandok tsaka inusog papunta sa akin at nag-abot ng kutsara at tinidor.

"Kain ka ha. Higupin mo yung sabaw habang mainit tapos mamaya uminom ka ng gamot. Baka lagnatin ka"- sabi niya habang naglalagay rin ng noodles at sabaw sa isa pang mangkok na malamang ay sa kanya.

Mariin akong napangiti, kaya mahal ko itong bestfriend ko.

"Thank you Viv... Love you hihihi"- napaangat siya ng ulo at pinaningkitan ako ng mata.

"Yuck..."- she said at bahagyang natawa.

Pwera biro, kung wala si Vivian sa akin, kung wala akong kaibigan na kagaya niya, na malalim ang pang-unawa sa mga kagaya kong nakakaranas ng anxiety at pagpapanic, malamang patay na ako.

Kaya nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako iniiwan at lagi niya akong pinapaalalahanan.

Mapait akong napangiti.

"Kain na... Tama na 'yang titig mo sa akin"- natawa naman ako. Sinimulan ko nang kumain.

----------

"Ano?! Anak ng! Ang lakas ng loob at ang kakapal ng mga mukha nilang mag-inuman doon sa bahay ng tiyahin mo matapos yung... Arrrggghhh!"- marahan akong napayuko.

Ramdam ko ang panggagalaiti ni Vivian nang ikwento ko nung umatake ang trauma ko.

Sa totoo lang, ayaw ko nang alalahnin iyon kaya lang, paulit-ulit na nag-rerewind sa utak ko.

"Eh nasaan ba yung tiyahin mo? Balita ko laging wala sa bahay niyo. Tsaka hindi ba alam niya yung ginawa sa'yo ng mga tarantadong kaibigan ng anak niya?! Kahit man lang na pagbawalan sila na wag uminom sa bahay niyo!"- tsk...

Hindi gagawin ng tiyahin ko iyon.

Sinabi na nga niya sa akin noon na sana ako na lang ang namatay at ang nanay ko kaya bakit pa niya gagawing ilayo ako sa kapahamakan kung gusto niya ako mawala diba.

Love In A 15 Year Old Gap: Bongbong Marcos FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon