Chapter 2: The Pocket Watch

5 0 0
                                    


Dalawang araw na ang nakakalipas at kasalukuyan nang nakaburol ang katawan ni Celine. After 5 days, ice-cremate na siya. Dahil sa mga tamang tinamo niya sa aksidente, halos hindi na namin si mamukaan.

Nahuli na ang nakabanggaan ng sinasakyan nila nila Monica at ng iba pang mga kaibigan nito. Ayon sa kwento ni Monica, ihahatid sana nila ang isa sa mga kaibigan niyang kailangan nang umuwi ng bahay, pero sa kalagitnaan ng biyahe ay bigla na lang sumalubong ang isa pang sasakyan at bumangga sa kanila. Napag-alaman ng mga pulis na lasing pala ang nagmamaneho ng sasakyang 'yon.

You know what hurts the most? It is the fact that only my sister died in that accident. Lahat ng mga kasama niya sa sasakyan ay nakaligtas.

Habang binabantayan ko ang katawan ni Celine na kasalukuyang nakaburol, naupo sa tabi ko si Daddy na kanina ay kasama ni mommy na tumatanggap ng mga bisita at gustong makiramay.

"Dad, today is Celine's birthday. I remember last year she asked me to take her to Hongkong pero humirit ako na next birthday na lang dahil gusto kong pag-ipunan 'yung lahat ng gagastusin namin para roon. Ayokong humingi ng pera sa inyo ni mommy dahil gusto ko sa akin mismo manggagaling 'yung ireregalo ko sa kaniya. If I only knew that this would happen, sana ibinigay ko na lang sa kaniya 'yung hinihingi niya."

My dad pulled me close and hugged me. He was not crying much in public, but I know how sad this is for him.

"This may sound weird, but did you know why your Lola Patricia only had me?"

I tried to stop myself from crying and sat down properly. I looked at him and shook my head. He let out a deep sigh.

"Rumor has it that every second child in our bloodline is cursed to die. Your Lola Patricia was the only person who believed in it."

I closed my eyes and let out a sigh. "Are you telling me that Celine was meant to die from the moment her existence begins? That's too cruel, Daddy. I know how much you want to console me pero please, 'wag sa ganitong paraan," pakiusap ko habang pinipigilan kong huwag humagulgol.

He paused for a while to wipe the tears that were about to escape from his eyes. "No, Cath. It's time for you to know about the curse that fell upon our family long ago. I refused to believe in it too. But as the eldest grandchild, nakita ko kung papaano isa-isang namatay ang mga pangalawang anak ng mga tito at tita ko. At simula noon, pati ako naniwala na rin sa sumpa."

I never knew about this story. Ayon ba ang rason kung bakit halos buwan-buwan kaming may mga dinadasalan na kamag-anak?

"Your mom knows about it, kaya nung sinabi niya sa akin na buntis siya for the second time, natakot ako. Aaminin ko na naisip kong ipalaglag na lang namin 'yung bata kesa danasin namin, natin, 'yung sakit na naranasan ng mga tito at tita ko noon. Si nanay, alam kong kontra siya pero hindi siya nagsalita. Noong humingi ako ng payo, ang sabi niya na sa mommy mo ako makipag-usap dahil anak niya rin ang gusto kong ipalaglag. Siyempre, hindi pumayag ang mommy mo at ipinagpatuloy ang pagbubuntis."

"At nung dumating si Celine, nasabi ko na lang sa sarili ko na mabuti na lang at nakinig ako kay nanay at sa mommy mo. Because you and Celine made my life so much better. Seeing the both of you made me feel that somehow, I did good decisions in my life. Pero alam mo 'nak, inihanda ko na ang sarili ko. Nung una kong nahawakan si Celine, naiyak ako. Iniisip ko na sana hindi siya talaban nung sumpa sa pamilya natin. Sana kalokohan lang lahat ng 'yon. Pero sabi ko, kung isang araw man mawawala siya sa akin, sana nasa tabi niya ako. Sana may senyales o may hudyat na ibibigay ang langit. Sana hindi siya kunin agad sa akin na hindi ako handa. Pero kahit anong dasal ko, nawala pa rin siya sa atin."

Dad finally bursts out in tears, and I do not know how to comfort him. I also cried after hearing him tell his side that he had kept for so long. I may not know how it feels to grieve for the death of your child, but I know that it is the hardest thing a parent will ever go through.

Cada MomentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon