'WAAAAAAAAAGGGGGGGGG!!!'
Napabalikwas ako ng bangon, hinahabol ang hininga at tagaktak ng pawis ang buong katawan. Para akong sumali sa marathon. Hayst!!!
'Anak, salamat sa Dios at nagising ka na. Pinag alala mo ako' alalang alalang tugon ni Mama.
'Kanina pa kita ginigising pero di ka na gigising. Napaniginipan mo nanaman ba?', napaangat ako ng tingin kay Mama. Kasabay ang dahan dahan kong pag tango.
Alam na alam na ni Mama kung ano ang nangyari. Di ko lang mawari kung bakit ngayon nalang muling na ulit. Kahit ako di ko maipaliwanag kung ano nga ba ito, ang weird kasi paulit ulit lang naman. Ang nakakainis pa ay blurred ang nasa panaginip ko. Hayst, sinong hindi maiistress diba.
'Oh siya bumangon ka na diyan, mag aalas syete na ng umaga, hindi ba't may activity kayo sa school?, biglang sabi ni Mama.
Walang ano ano'y napatingala ako sa orasang nakasabit sa wall ko. Shooot! Pa-7 na nga, 8 AM sharp pa naman ang call time namin. Lateee nanaman ako huhuhu. Nag mamadali akong bumangon at pumasok sa cr. Bago ko pa man isara ang pinto narinig ko pa ang sigaw ni Mama.
'Dalian mo at bumaba ka na para mag almusal', hindi na ako nag abalang sagutin siya.
-------------------------------------
Natapos ko na lahat ng morning rituals ko, pag tingin ko sa orasan 7:45 AM na. Nag mamadali akong bumaba , naabutan ko pa ang bunsong kapatid ko sa hapag kumakain ng almusal niya. Dali dali kong kinuha yung sandwhich sabay lakad takbong umalis.
'Anak, mag almusal ka muna!'
'Ma, sa bus nalang po nag mamadali ako eh', katwiran ko sakanya.
'Oh siya sige na mag iingat kayo ha'
'Opo Ma, una na po ako', pumara na ako ng tricycle kahit may kalapitan lang naman yung school ko sa bahay. Kaso kung mag lalakad pa ako tiyak wala na akong aabutan sa school nito.Makalipas ang ilang minuto huminto na ang sinasakyan kong tricycle sa gate ng school ko. Pag kaabot ko ng bayad ay tumakbo na ako papasok.
'Pearla Angela Dela Vega?' rinig kong tawag ng Professor namin.
'Ma'am present po', sabay taas ko ng kanang kamay.
'Oh I see, kakarating mo lang. Go inside the bus, aalis na tayo maya-maya', sabi pa niya saakin.
'Opo Ma'am', umakyat na ako ng bus. Buti nalang walang sitting arrangement. Nilibot ko ang aking paningin, 'PEARLA' rinig kong sigaw ng kung sino. Pag lingon ko ang bestfriend ko pala ang umeksena este sumigaw kanina ahhahaha.Umupo ako sa upuang nakareserba saakin. Pinareserba ng bestfriend kong si Janice, ayaw talagang mapahiwalay saakin hahahha.
'You know that I don't like my first name, right?' bungad kong sabi sa kaniya. Ngumiti siya ng nakakaloko at alanganing tumango. Hayst, ayoko talaga ng first name ko, Pearla yucksss ano ako sabon? Bareta?. Pang oldies masyado eh. 'Oo na, sorry na. Nga pala bat ka late?', pag iiba niya ng topic. 'Nightmare', isang salita lang pero alam na alam na niya.
'Settle down class!', nag siayos naman ng upo ang mga classmates ko at nakinig, pati na rin kami ni Janice. Binasa ni Ma'am yung rules and regulations during and after the trip.
'I'm so excited ayieee', sabi pa ni Janice. Parang walang katahimikan na magaganap sa buong biyahe sa ingay ba naman nitong katabi ko. Punong puno ng energy eh, Sana ol diba. Basta ako kinakabahan na masaya sa pupuntahan namin, hayst ewan ko but one thing for sure.
"Luneta, here I come!"
BINABASA MO ANG
Somewhere in My Past
Historical FictionAng tunay na pag-mamahal daw ay kusang bumabalik sa taong nakalaan para saiyo. Ngunit paano kung pilit kayong pinag lalayo ng kapalaran? Maipag lalaban pa ba ang pag-mamahalang pinanghahawakan?. Tunghayan natin ang kakaibang buhay pag-ibig ni Pearla...