Dahil di parin ako makaget over sa nangyari nung Sabado, eh hayaan niyong ikwento ko sa inyo. So ayun nga, halos mangisay ako sa tuwa nung finollow ako ni Drew. Ikaw ba naman I follow ng idol mo diba? At eto pa, from 500 followers ko naging 3k agad at still counting. Palaging sabog ang mention ko at sinasabi nila na i.dm ko daw si Drew na I follow rin sila. Pero kahit ganun, di ko parin dini dm si Drew noh, may hiya pa naman ako baka sabihin pa ni Drew na sino ba ako para sabihan siya kung sino I follow niya. Diba?
Mommy calling..
Hala! Ba't napatawag ulit toh? Eh. Kakatapos lang namin mag skype. Nasa US kasi sila ni Daddy at ako lang mag-isa ang umuwi dito sa Pinas para mag-aral. Masagot na nga lang.
Hello mom! Bakit ka napatawag ulit? May nakalimutan ka bang sabihin?
Oo anak! Tungkol dun sa pagtransfer mo sa CSO University. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na pumunta sana dun para makapag enroll kana. Magtanong ka nalang dun kung saan ang office ni tita Marie mo para mas mapadali yung process ng enrollment mo.
Ay shoot! Tama nga pala. Kelangan ko ng magpa enroll. Tss.
Ah sige my! Puntahan ko nalang ngayon tutal 10am pa naman dito. Baka makahabol pa ako.
O sige anak, sabihan mo lang kami or si tita Marie mo pag may kelangan ka doon ha? Mag-iingatnka anak! I love you.
Iloveyou too and daddy mom! Ingat din kayo.
At yes! Sa CSO nga ako mag-aaral. Pinilit ko sina Dad na doon ako pag-aralin dahil gusto ko at since nalaman nila na si tita Marie ang may-ari noon which is family friend namin e pinayagan na nila ako. Di narin ako mag dodorm kasi ilang minutes lang din naman ang byahe para makapunta roon.
Pababa na ako ng hagdan ng maalala ko na nagleave nga pala si Kuya Noel (driver ko) dahil kelangan niyang umuwi sa probinsya nila kasi nagkasakit ang mama niya. Tss. Wala akong choice kundi mag drive mag isa. Buti nauso ang gps, di mahirap hanapin ang isang lugar. Okay, time to move Smile!
--
Pababa na sana ako ng kotse ko ng mapansin kong halos lahat ng tao doon sa parking lot ay nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Shucks! Ang awkward. Err. Lakad lang ako ng lakad pero di parin ako tinatantanan ng mga tingin nila. Ano ba naman toh? Teka.. parang may mali ah?
Hi miss! Ikaw ba si Smile Montelibano? sabi nung babaeng medyo chubby pero maganda.
Ah eh? Do I know you? sabi ko naman.
So ikaw nga si Smile? Omg! Diba naging cover ka ng Vogue Magazine? Alam mo bang crush kita at idol na idol kita! Omg! Pa autograph ako please?
At ang bruha nag puppy eyes pa. Jusko!
Ah sige? Ba't nauutal ako? Hahaha.
Dito ka nalang mag sign! :) Nag sign naman agad ako para matapos na at makaalis nako pero ang nangyari may nagpapicture pa kaya ayun natagalan bago makaalis.
Salamat ulit Miss Smile! Ang ganda mo pala talaga sa personal ! At dito ka na pala mag-aaral? Gosh, ang swerte naman namin.
Isang tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanila. Pero bago pako tuluyang umalis, napatigil ako ng may babeng biglng sumigaw.
Diba Smile Montelibano din yung babaeng nireplyan at finollow ni Drew sa Twitter? Siya ba yun?
At biglang nag gasp ang lahat. Bago pa sila magreact, tumakbo na ako at hinanap ang office ni tita Marie.
Pancit! Eto ba ang sabi kong mamumuhay ako bilang normal na teenager? -_-
BINABASA MO ANG
My One of A Kind
FanfictionWhat will you do if you'll be given a chance to meet your super duper crush? Papapicture ka ba? Iha.hug siya? Or mamatay ka sa kilig vibes? Eh paano kung pagsamahin kayo ng tadhana? Edi baka tuluyan ka ng mamatay sa kilig! Oh well, let the game begi...