Smile POV
"And Drew Levine is our finals MVP for UAAP Season 80 Men's Volleyball division! Congratulations Drew and to the rest of CSO University!"
Hanggang tenga ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi ng commentator. Ang galing talaga ni Drew at syempre ng mga teammates niya. Kung tinatanong niyo kung nasaan ako, well nasa bahay namin lang naman ako at nanonood ng tv. Actually, manonod sana ako ng live game ngayon kaso wala akong kasama. Ayaw ko namang sumama sa fansclub ni Drew kasi err.. basta ayoko lang. Sa totoo niyan, di ko pa nakikita sa personal si Drew kasi galing akong US doon ako nag-aaral noon at next sem dito na ako mag-aaral pero di ko pa alam kung saan. Sana sa CSO university! Hihihi.
Habang busy ako sa pagday dreaming kay Drew bigla nalang tumunog ang phone ko at nakita kong may notif ako sa Twitter. Omg! Nagtweet si Drew!
@DrewLevine: Thank you sa lahat ng sumuporta at nanood kanina sa game especially sa Drewnatics, salamat sa walang sawa niyong pagsuporta sa akin at sa mga teammates ko! To God be the glory! :)
1500 retweets .. 2000 favorites
Wow. 1minute palang pero grabe na ang retweets at favs. Sikat na talaga toh si Drew. Makareply nga!
justSMILE: @DrewLevine congrats baby! Hehe, at sa mga teammates mo! :*
Tweet sent!
Hehe, ang landi ko lang baby pa talaga ang tawag ko kay Drew. Eh paki niyo ba? Diba ganyan naman talaga ang mga fangirls? Hahaha, diba diba? Kung ano ano ang tinatawag mo sa idol mo kahit alam mong wala kang pag-asa.
*beep* (Tunog ng phone ko pag may notif, wag kayong aangal!)
@DrewLevine: @justSMILE thanks! ;)
Oh my holy gosh dush bush! For the first time in foreverrrrrrrrrrrr... Nagreply si Drew sa tweet ko! Kyaaaaaaaaaaaah!
@justSMILE: @DrewLevine your welcome! :)
Waah! I'm so kinikilig! Ay grabe. Can't breath. I'm so lucky this day! :)
*beep*
@Meisha: @justSMILE Omg! Ang swerte mo ate nireplyan ka ni Drew!
@Nickaledeon: @justSMILE Huhuhuhu, swere mo! Sana replyan din ako ni Drew.
@MaeGanda: @justSMILE: ikaw na ang pinagpala! Your so lucky!
At dumagsa ng dumagsa ang nagmention sakin. Grabe! Sabog na sabog ang notif ko. At di ko sila mamention ng isa't isa, nagtweet nalang ako.
@justSMILE: Sa lahat ng nagmention, salamat po. Sorry, di ko kayo mareplyan lahat. Tiwala lang, magrereply din sa inyo si @DrewLevine soon! Hehe :)
Tweet sent!
At dahil ginutom ako bumaba muna ako para kumuha ng cake, favorite ko eh. Lalo na pag chocolate! :)
*beep*
Another notif na naman? Ah puros retweets,favs at mention lang pala. Tiningnan ko kung nagreply si Drew pero wala na pala. Haist. Pero okay lang, at least nagreply siya kanina. I lolock ko na sana ang phone ng bigla nalang itong tumunog ulit.
Drew Levine is now following you.
Omg! Omg! Is this real? Is this real? Kyaaaaaaaaaaaaah!
BINABASA MO ANG
My One of A Kind
FanfictionWhat will you do if you'll be given a chance to meet your super duper crush? Papapicture ka ba? Iha.hug siya? Or mamatay ka sa kilig vibes? Eh paano kung pagsamahin kayo ng tadhana? Edi baka tuluyan ka ng mamatay sa kilig! Oh well, let the game begi...