Chapter 5

20 1 0
                                    

Jeana

"King-ina, akin na panyo ko!" Habang hinahabol ko ang walang hiyang lalakeng 'to dito sa may field. Nauubusan na talaga ako ng pasensya sa kanya pero pasalamat siya at bestfriend ko siya o baka matakwil ko 'to kung hindi niya lang alam mga sekreto ko sa buhay.

"Jeana putot! HAHAHA-- ARAY KO!" Sambit niya nang ibato ko sa kanya ang pamaypay ko.

"Deserve. Akina at mapektusan kita." Pagbabanta ko sa kanya habang kinuha ko ang pamaypay ko. Binigay naman niya sa'kin na nakabusangot.

"Oi, anong oras na? Wala ba kayong duty ngayon sa club?" Tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako.

"Wala raw sabi ni Gabo. Mas mabuti na nga 'yon eh, marami akong time mag-aral para sa quiz toms," Kinuha na namin ang mga bag namin at naglakad.

"Naririnig mo pa rin yung ingay?" Tanong ni King.

"...Minsan pero baka may something sa tenga ko ewan" Sagot ko sa tanong niya. Totoo naman pero minsan lang. Minsan lumalakas pero binabalewala ko nalang kahit nakakainis na. Nung isang araw nga, napagalitan ako ni Sir Krish dahil napasigaw kasi ako sa kalagitnaan ng klase namin. Eh kasi naman! May biglang nagsalita o bulong ba 'yon sa tenga ko.

Nagkibit-balikat lang naman siya. "Bili tayo turon, Je!"

"Basta libre mo" at inakbayan siya.

******

Ginabi nako nang uwi dahil nagpasama kasi sa'kin bigla yung clubmate ko sa national bookstore.

Pagkatapos kong kumain ng dinner ay nagpasya na kong maghalf-bath saglit para magawa ko na yung PracRe 2 namin. Inihanda ko na ang laptop ko bago pumasok ng CR. 

Pagkatapos ng half-bath kong mala-concert, nagpalit na agad ako ng pantulog habang pinapatuyo ko ang buhok gamit towel dahil sa sobrang kakulitan dahilan kaya nabasa ang buhok slight. Mukha tuloy akong naligo.



"Je, uminom ka muna ang gatas bago matulog. Nagpainit naman na'ko ng tubig kanina kaya magtimpla ka na d'yan," Sabi ng nanay ko habang nagsusulat sa notebook niya. Mga utang siguro 'yon LOL.



"Sige po, salamat..." At nagsimula nang magtimpla ng gatas. Habang nagbubuhos ako ng mainit na tubig, tinawag ako bigla ni Mama.

"Ma?" Tawag ko while stirring.

"Kamusta buhay SHS, anak? Nagbigay na ba ang school mo ng statement of account?" Mom asked while leaning on our counter.

"Hm? A-ah okay lang naman po. Masyadong mahirap pero kakayanin. About sa statement of account, pwede naman daw na tayo mismo ang humingi sa cashier sa gustong mag-advance but no pressure po." 



"Ah sige sige. Wala ka bang lakad bukas? Gala sana tayo, 'nak" Napatingin agad ako kay Mama. Naks! Bumabawi ang nanay ko. Palagi kasi 'tong busy sa trabaho.

"Sige po! Basta walang iyakan ng bulsa. HAHAHA! Jokeee!" At uminom na ng gatas na medyo malamig na dahil sa daldalan.



Inubos ko na agad ang gatas ko nang mapatingin ako sa wall clock namin. Shuta! Mapupuyat nanaman ako nito.

Nagpaalam na'ko kay Mama pagkatapos kong hugasin ang basong ginamit at pumasok na sa kwarto.

Habang pinupunasan ang buhok ay nakarinig nanaman ako ang kakaiba. Napahawak agad ako sa kaliwang tenga ko sa sobrang kati. Para siyang lumang radyo kaya makati pakinggan. Habang hinihimas-himas ko ang tenga ko ay bigla akong natilapon. TEKA! Anong nangyayari?! Napadilat nalang ako ng mapansin kong umaalog ang salamin ko. Earthquake ba 'to?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirrors Of The Knotted ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon