Jiana
Kanina pa kami paikot-ikot dito ngunit wala pa rin kaming nadadaanang kahit isang bahay o convenience store man lang. Natatakot nako! I swear!
Sumulyap naman ako sa kasama ko ngayon na abala sa kanyang cellphone na hanggang ngayon ay sinusubukan niyang makasagap ng signal. Walang nagsasalita sa amin for almost an hour na.
"Uhm... 'la pa rin? Sinubukan mo bang tumawag?" Pagbabasag ko sa nakakabinging katahimikan. Actually, inaantok nako dala na rin sa pagod tapos dumagdag pa 'tong "Magically" napadpad kaming dalawa dito, which is very weird and frightening.
Hininto ko muna ang sasakyan sa gilid. Napahilamos naman ako ng mukha habang siya'y minamasahe ang kaliwang sentido.
"O, iidlip nalang muna natin 'to. Sumasakit na kasi ulo ko 'tsaka wala pa ring signal tung cellphone natin, " Humikab muna ito habang ginugulo ang buhok. "Sige palit tayo ng pwesto, d'yan ako and dito ka para ako na magda-drive."
Pagkatapos ay naghari na katahimikan. Nakapikit lang siya habang ako naman ay panay tingin lang sa rearview mirror at side mirrors.
While observing, nahagilap ng mga mata ko ang isang lumang placard sa gilid ng daan. Hindi ko masyadong mabasa ang nakasulat dahil halos ma-fade na ang pinturang ginamit pansulat. Lalabas na sana ako nang magsalita bigla si Cryn.
"Ano 'yun?" Almost whispering voice when he asked.
Tinignan ko siya at sumagot. "Picturan mo kaya 'yung placard? Natatakot na kasi akong lumabas..." Tumango naman agad siya at lumabas upang picturan ang placard. Nagmamadaling pumasok sa sasakyan si Cryn habang nakakunot-noo. I nervously ask him.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko habang tinaas niya ang brightness ng cellphone niya. He leaned in at hinarap sakin ang phone. Naningkit naman ang mga mata ko.
"Anong ibig sabihin nito? Spanish at chinese 'to diba?" Nagtaka naman ako. Iyon kasi ang nakasulat sa placard kahit masyado na siyang faded ay klaro pa rin kung anong lengguwaheng ginamit.
Tumikhim muna siya bago magsalita.
"I can speak spanish but it is too hard to understand what's written in it--" "Tutulungan kita! May notebook ako dito. Sabihin mo lang sakin kung anong letter o word ba ang nakalagay at masulat ko tsaka na natin buuin..." Kinuha ko ang bag ko sa back seat at nilabas ang notebook at ballpen ko.
After 30 minutes I guess, natapos na namin buuin ang nakasulat sa placard. Sobrang hirap talaga halos hindi mo na mababasa ang nakasulat kaya lumabas ulit si Cryn para picturan ulit ng maayos. Ilang angles pa ng picture hanggang sa ma-gets ni Cryn ang nakasulat.
Ngayon, binabasa niya ito ng paulit-ulit at tinatranslate into English habang ako naman ay kumakain lang ng Durian Tart. He sighed in relief and that's the cue na tapos na siya. Buti nalang talaga marunong siyang magbasa ng Spanish pero sa chinese ay wala kaming ideya.
"Here." Sabay bigay sakin nung notebook ko. Inabot ko sa kanya ang kinakain ko at binasa ang nasa notebook.
Nanlaki naman ang mata ko at kunot-noong napatingin sa kanya sabay binigkas ang nakasulat.
"Welcome to another...world? Huh? Ang weird naman!" Umiba bigla ang pakiramdam ko kaya binigay ko ulit sa kanya ang notebook. Para akong naduduwal na ano na 'di ko ma-explain.
BINABASA MO ANG
Mirrors Of The Knotted Shadows
FantasiI got goosebumps around my whole body as I dive into it. Is this even possible? Totoo ba talaga 'to? Eh bakit ako? Or so I thought? "Shocking right? You know it already, Ms. Jiana." "Tell me then, Mr. Xondi!" Hi, I'm Jiana and I never imagined that...