Hinila ko si Kate papuntang classroom kahit nagpupumiglas siya. Aniya ay babasagin niya daw ang mukha ng babaeng kalabit ni Azrael. Umirap ako at hinila siya ng buong lakas hanggang sa nakauwi kami sa classroom naming kami lang ang nandidito. Lunch break kaya ayon panay ang fangirl ng mga babae kay Azrael at sa iba niya pang mga pinsan sa canteen.
Napaisip ako bigla kay Azi. Kumusta na kaya siya? Miss ko na iyong mga banat niya ah. Kahit minsan naiinis ako sa pagkaka green minded ng isang iyon ay miss ko pa rin siya. Miss ko na iyong mga drunk calls niya. Mahal niya daw ako, ako lang. Kaso, wala nga atang forever.
"Ayan! Magmukmok ka na naman diyan kakaisip sa Azrael mong bwisit!" Sigaw ni Kate habang padabog na umuupo sa bangko.
"Kate naman! Shh! Baka makarating na si Klare at Claudette, baka magalit-"
Natigilan ako nang nakita si Klare at Claudette na napatingin sa akin. Tipid silang ngumiti pero umiwas lang ako ng tingin at pinandilatan si Kate na siyang umirap lang. Tahimik kaming apat doon at nagsidatingan na ang iilan pa kasi 10 minutes na lang magsisimula na ang klase.
Isang oras at kalahati akong nakatunganga kay Mrs. Bonifacio na panay ang leksyon tungkol sa kasaysayan noon. Wala naman akong interes dito at mas lalo akong walang pakealam sa mga nangyari noon!
Pero kung iyong nakaraan namin ni Azi ang pag uusapan, ewan ko. Nabuhay lahat ng diwa namin nang nagpaalam na si Mrs. Bonifacio. Nagpaalam si Kate sa akin na kailangan niyang agad pumunta sa Drama Club kaya tumango lang ako.
Mag isa lang akong naglalakad sa hallway habang dala dala ang mga libro ko nang biglang may kumalabit sa akin. Agad akong napalingon at nakita ang mala pusang mga mata ni Claudette.
"Hi." Aniya at kumaway. Hindi agad ako nakasagot. Panay pa ang tingin ko sa kawalan at pabalik sa kanya.
"Hi, Claudette." Ngumiti ako. Nanliit ang kanyang mga mata at napa buntong hininga.
"You used to call me Dette dette katulad ng mga taong naging close ko, Ara." Malungkot siyang ngumiti.
"Ah! Sorry." Pilit akong ngumiti.
"Ara, alam ko. H-Hindi ka niya makalimutan." Pumikit siya na para bang may nasabing masama. Kumunot ang noo ko.
"Ikaw talaga... Siyempre hindi, kasi sa ibang subject magka klase kami!" Tumawa ako pero tumigil nang nakita ang malungkot niyang mga mata.
"I'm serious. Ara, gusto ko kayo. K-Kasi," Lumunok siya. "...dahil sa iyo naging totoong masayahin na siya at hindi na kalokohan ang iniisip."
Siniil ko ng mabuti ang aking labi at bumuga ng hininga, "Sorry Dette. Pero kasi, hanggang dito na lang. College pa tayo, marami pa siyang makikilala. At saka di niya ba sinabi sa inyong may iba na siya?" Tumawa ako, sakit non ah.