Chapter1: Wayback

796 33 5
                                    

Bawat araw, bawat araw na dumadaan sa buhay ko lagi kong napapatunayan ang isang bagay. Ito ay ang mahirap iwasan ang isang bagay na inilaan.

Ako nga pala si Yanie. Simula't sapul, lagi ko ng kasama ang best friend ko. Sya si, Stephen. Magmula ata Elementary hanggang mag high school hindi kami naghihiwalay. Matalik din kasing makaibigan ang mga magulang namin.

Naaalala ko pa sa tuwing uuwi kami noon. Nung elementary palang kami nakasanayan na naming dumeretcho sa likod ng school para bumili ng palamig at sundot kulangot.

Paglabas palang ng room alam na namin ang mga galawan. Alam ang hintayan, alam ang susunod na pupuntahan.

Sa aming dalawa hindi na bago ang asaran, batukan, bullyhan, lahat na ata ng klase ng karumaldumal na gawi nasa amin na. Hahaha.

Hanggang sa dumating nga ang panahon na kailangan na naming maghighschool.

Ilang taon din ang lumipas at ngayon nasa ikaapat na baitang na kami. Akalain nyo yun? Napagtiisan ko pagmumukha netong panget na 'to. (Lagi nya kasi pinaglalaban na gwapo sya) Haha!

Kagaya nga ng nabanggit ko kanina, magkasama padin kami sa iisang section. Ayos no? Kilalang kilala na namin ang isa't isa.

Si Stephen, magaling yan sa English. Ako naman, forte ko ang Math. May kanya kanya kaming hilig. Hilig nya magpalawak ng bokabularyo habang ako naman, magsolve ng mga numero.

"Hindi ka ba nabobored dyan? Puro ka numbers bespren simula bata puro ka numero. Sakit sa utak nyan! Hahaha." pangaasar sakin ni Stephen.

"Pag hilig mo ang isang bagay, walang boring boring. Teka nga! Ano bang pinaglalaban mo e ikaw nga hindi kita pinakikielaman sa pagsesearch ng kung ano ano? Balatan kita ng buhay dyan e!" pagtataray at pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

Sanay na yan sakin. Sa mga galawan kong ganyan. Haha!

"Oo na. Daming sinabi. Iiyak agad hahahaha. Ewan ko sayo pasakit sa utak yang ginagawa mo! Bahala ka nga dyan." sagot ni Stephen.

"Hiyang hiya naman ako sa nagumpisa no? Ewan ko rin sayo. Teka.. Teka nga.. Di ka manlang ba manlilibre? Balita ko dumating na daw si tito galing abroad ah! Nayswanin. Hahaha!" kanchaw ko naman sa kanya.

Dahil nga magkalapit lang ang bahay namin, hindi narin bago sakin ang maging updated sa kahit na anong nangyayari sa bahay nila. Kaya etoooo..

"Kakarating palang, atat ka e no? Papa mo? papa mo?" Sagot nya na naghahaba haba pa ang nguso. Haha!

"Sorry naman diba. Di mo na bako mapapatawad? Hahaha. Ewan ko sayo che!" Singhal ko naman sa kanya sabay irap.
Sabay balik sa kanya kanyang ginagawa. Napakaarte talaga ng lalaking 'to kahit kelan hay nako.

Kelan kaya maaalis sa balat nya ang kaartehang taglay. Palibhasa, may tatay na laging nasa abroad, alaga ang balat. Buti pa sya.

Maputi nga pala si Stephen. Stephen Bautista ang buo nyang pangalan. Maski sa pangalan ang arte no? Hays. Habang ako naman Yaniella Maristela.

Yan si Stephen, kung makapagdamit, akala mo talaga laging may pinaglalaban hahaha.

Maporma yan. Dahil nga sa maputi wala na atang damit ang hindi babagay sa kanya. Ayos ng buhok? Dun naman ako bilib. Sobrang natutuwa ako sa kulay at style ng buhok nya. Feeling ko kasi sobrang nakakaattract sa girls dahil nga bukod sa uso, bagay pa sa kanya.

Kelan lang naman sya nagpakulay. Ni hindi ko nga alam saan kumuha ng lakas ng loob 'tong lalaking 'to para magpakulay.

Eh kasi nga, maarte kaya ayun takot masira ang buhok. Hahaha!
Pero kahit gaano pa ka-gwapo yan? Panget padin sya para sakin. Hahahaha! Niloloko ko nga sya palagi pag pinagpapawisan sya. Ang hot nya kasi. Kaya ayun, di maiwasang magyabang.
Linyahan nya kapag naglalakad kaming dalawa at nagumpisa na syang pagpawisan?

Nakakita ka nanaman ng hot. Tss. Yung mata mo pls. Mahal 'tong kagwapuhan ko.

Sabay tawa ng malakas habang ako naman tititigan sya na parang nandidiri at nangaasar.
"Patawarin ka." Ang lagi kong pambabara sa panget na 'to hahaha. Pano ba naman kasi, nung umulan ata ng kakapalan ng mukha sinalo nya lahat. Buti nalang tulog ako nun. Mahiyain pa naman ako. Hahaha!

Ako naman, syempre dalaga hindi rin papahuli sa uso. Paastigan kami nyan ng porma ni Stephen tuwing may lakad kami. Elibs naman sya sa paraan ko ng pananamit, mapusyaw din kasi ang kulay ko. Palibhasa si Mommy, maalaga sa balat kaya eto.. Maputi din ako. Lamang nga lang ng tatlong ligo sakin si Stephen. Hahahaha! Walangyang panget yon.

Since parehas nga kaming maputi, at nangunguna sa klase.. Lagi kaming ipinanglalaban sa mga contest.
Gaya nalang ng Mr and Ms Intrams. Mr and Ms Eco saver at marami pang iba. Dahil simple lang naman ang school namin pero marami ding angat, madalas hindi gaanong marami ang kakumpitensya namin. To make the long story short, madalas kaming Champion ng pakner ko. :)

Buti na nga lang at naalagaan ang balat naming dalawa. Biruin mo, magkagasgas lang ang isa samin, nanginginig na kaming umuwi para ipagamot yun sa mga nanay namin. Ayaw kasi talaga namin ng nasusugatan kami. Pero syempre bata, hindi maiiwasan.

Mabalik ako sa realidad ng napansin kong nakatulog na pala ang panget na 'to sa tabi ko. Nasa kwarto ko nga pala kami. Sa may table ko, tuwing gagawa ng School paper works dito ang toka namin.
T-teka.. Napahinto ako ng matitigan ko ang mukha ng panget na 'to.
Napaisip ako, ang swerte ng babaeng mamahalin mo. Wala akong masabi sa buting taglay mo. Wala kang katulad.

E-eh.. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Anong pumasok sa utak ko para titigan at sabihin ang lahat ng 'to habang natutulog sya? Pambihira, antok lang yan Yanie.

Tinapik ko ang sarili ko at pagtingin ko sa oras, 8:47 na pala. Kailangan ng umuwi ng kumag dahil medyo delikado sa labas.

Gigisingin ko na sana sya ng sa hindi inaasahang pagkakataon sa sobrang pagod at antok, hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.
Parehas kaming nakadayukdok sa desk sa loob ng kwarto ko since komportable dun, mabilis kaming nahimbing sa pagkakatulog.

Gustuhin ko mang gumising nun para pauwiin na sya, hindi na kaya ng katawan ko. Pagod na talaga ako at tuluyan na ngang nakatulog katabi si Stephen. Hahaha~

A/N: Ano na bang nafefeel nyo sa unang chapter ng ating istorya?
Ano na kayang mangyayari sa dalawa? Abangan.

Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon