Yanie's POV
Ilang araw pa ang lumipas at patuloy na naging maganda ang takbo ng samahan namin ni Stephen.Sayang no? Hindi ko pa naamin sa kanya noon na nagseselos ako.
Pero sa kabila naman ng hindi ko pagamin..
Ang magandang samahan noon, mas lalo pang gumanda at tumibay.
Hindi nawawala ang tampuhan pero naaayos din naman namin kaagad. Syempre dikit yata kami netong Stephen nato no!
Kasama nadin sa naiplano namin ay ang gagawin para sa birthday ko.
Nang sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ako ng paper works with my other classmate and stephen is not included there.
3:30 palang sana makakauwi nako pero hindi. Mukhang gagabihin ata ako.
Pinaguusapan nadin sa bahay ang paghahanda sa mga designs, ang mommy ni Stephen ang nanguna at syempre ang mommy ko din.
Papasok ako nun ng school ng magpaalam sakin si Stephen na masama ang pakiramdam nya kaya hindi muna sya makakapasok.
Nalungkot ako pero naintindihan ko naman. Dahil baka kapag pinilit nya, hindi pa sya makapunta mamaya sa birthday celebration ko.
Sobrang nastress ako sa paper works namin kaya naman ang mga kasama ko para dun, medyo malelate daw makakarating pero okay lang until 2am naman ang party ko. If masisiyahan, everything will be extended.
Sulat dito.. sulat don.. Hanap ng materials para dito.. hanap ng materials para don. Yan ang tinrabaho ng grupo namin.
Mga 6:30 na ng makauwi ako. 7 ang umpisa ng party ko omg! haggardo versoza na diz. Hahahaha sad.
Nang matapos na namin ang pinagkakaabalahan namin nauna na akong nagpaalam sa kanila para makauwi nako.
Hindi na ako nasundo ni kuya bill kaya namasahe nalang ako.
Pagdating ko sa bahay, nagulat ako sa nakita ko.
Walang kaayos ayos. Walang mailaw ilaw sa buong paligid.
Medyo nalungkot ako dahil nakita kong kung ano ang itchura nung umalis ako, yun at yun padin.
Pumasok nalang ako ng bahay dahil nacurious ako sa katahimikan sa paligid.
Pagkapasok ko, wala padin ganun padin. Hanggang sa mapunta ako sa tapat ng hagdanan. Nakita ko ang violet na papel.
Binasa ko yun at ang sabi sa sulat..
Handa ka na ba sa isang rakrakan tonight? Let's do this!
Pagkabasa ko nun napangiti ako, sabay isa isang nalaglag ang violet nalobo mula sa kisame.
OMO! Napakagandang tingnan :")
Pagakyat ko ng hagdan nagsibukasan ang ilaw at nakita kong ang bongga bongga ng kwarto ko. Pumasok ako at nakita kong napakadaming papel ang nakadikit sa paligid nito.
Mga message sakin ni Stephen. At ng basahin ko yun may isang sulat na sobrang nagpatawa sakin..
Naalala mo bang kapag pagod ka at biglang nakatulog e lagi mong nalalawayan ang damit ko? Pasalamat ka mabait ako.
Yan ang sabi sa sulat. HAHAHAHA!
Nakatalikod ako ng may biglang nagtakip ng mga mata ko at piniringan nila ako.
Pinaupo at nagsimulang ayusan.
Ilang minuto ang lumipas at kinakabahan ako. Eto na ba talaga yung birthday ko? gahd.
Inalalayan ako ng isang lalaki pababa ng hagdan pagkatapos akong ayusan. Tinanggal lang ang piring ko saglit para sa paglalagay ng contact lens. Baby blue ang kulay ng ginamit ko. Gray na kasi ang mata ko kaya kung gray, waepek nadin. Hahaha!
Pagkatapos.. piniringan na ulit ako at pinalabas na nga.
Pababa ako ng hagdan at naramdaman kong may nagbitbit ng gown ko. Masyado kasing mahaba.. hindi ko masyadong maaninag ang kulay medyo madilim kasi.
Paglabas ko naramdaman kong dinala nila ako sa likod bahay namin. watdaef? Hahaha.
Pagkatanggal ng piring.. si stephen ang bumungad sakin at ang bonggang bongga kong birthday party. ♥ Nainlove ako sa pagkakadesign ng mga table at nanglahat lahat.
Nakita kong nakalight pink dress ako with so much design. Nakakainlove yung gown ko swear! Feeling ko Prinsesang prinsesa ako tonight. Kapag naglalakad ako may taga buhat ng damit ko sa likod at laging nandyan si Stephen para hawakan ang kamay ko.
At may mas nakakainlove papala dun. Si stephen. Naka red coat sya together with red pants and white na panloob na may bow tie pa. Gwapo nya shems! Wako masey. :(
Lahat din ng classmate ko nandun na at pati relatives namin ni stephen. ♥
Nagsisimula na ang party at busy ako sa mga bisita ko ng biglang mag play ang isang video sa big screen na nakakuha naman ng atensyon ng lahat sa paligid.
Naiyak ako ng makita kong picture namin ni daddy yun since baby pako. Hanggang sa mawala sya.
Dance with my father ang background song na lalong nagpaiyak sakin at nakita ko ding umiiyak na ang ibang bisita hays. Napaka heart breaking naman ng part nato. where in, lahat ng memories namin ni daddy nag flashback sa utak ko. lahat ng mga memories.. na masaya pa kami nila mommy. Nakakamiss. Gusto ko na ulit makita ang daddy ko. Hindi ko maitago ang pagiging emotional ko ng makita ko yun. Iyak ako ng iyak.
Hanggang sa napalitan yun ng pictures namin ni mommy. Kasweetan at kalokohan namin ng mommy kong the best!!
At last.. Napangiti ako habang nagpupunas ng luha ng pictures naman namin ni stephen ang nagplay ♥
Simula sa pagkabata to kaya mukhang mahaba haba. Nakakatawa kasi sobrang laki ng transformation ng itchura naming dalawa.
All I ever need ang background music. Natutuwa ako sobra. Kanino kayang idea 'to? Napakasaya nyako ng sobra ngayong gabi.
Hanggang sa ang slideshow, napalitan ng video greet galing kila ate norms.. kuya bill.. mommy at madami pang iba.
Iyak ako ng iyak dahil narealize ko na sobrang blessed ko ng araw na yun! Wala na atang makahihigit pa sa sarap ng feeling. Si daddy nalang ang kulang. :(
Hanggang sa tinabihan ako ni Stephen. Parang 18th birthday ko na kahit ang totoo.. 17 palang naman. napakabongga!
Sabay nakarinig naman ako ng sigaw galing sa kung saan nagsasabing..
"Hindi talaga masama pakiramdam nyan ni stephen! sya lang naman any nag asikaso ng lahat ng 'to."Hinanap ko kung sinong nagsalita pero hindi ko nakita. Napangiti nalang ako sa sobrang saya dahil sa nalaman ko.
At paglapit sakin ni Stephen niyakap nyako, sabay sabing..
"Happy happy birthday Yaniella Lorenzo Maristela. Ikaw lang ang girl bestfriend ko. Walang iba, WALA. Wag ka ng magseselos sa iba ha?"
Sabay kiss sa noo ko ng tatlong beses at yakap sakin ng mahigpit. Sobrang higpit.
"Salamat Stephen ah? Wala akong masabi. SOBRANG SAYA KO." habang nakasandal ako sa dibdib nya.
Hanggang sa ang nararamdaman ko nalang e, kasiyahan. Muli nyang ipinaramdam na buo ako kahit wala akong daddy. Kahit wala si daddy, kumpleto ako.
A/N: Napakasweet naman ng Stephen na 'to. Wag nyo ng agawan si Yanie okay? Hahaha.
Follow me. Read. Vote and Spread. Thank you so much and Godbless :")
BINABASA MO ANG
Last Fall
Novela JuvenilSabi ng iba, masarap daw sa pakiramdam ang magkaroon ng "best friend". May kasama sa saya at may tutulong kapag may problema. Pero handa kabang itaya ang tagal ng samahan, para sa pinapangarap mong pagiibigan? Huli na nga ba ang lahat para sa tunay...