Papasok na ako ngayon ng school. Oo tama kayo ako lang.
Nagpaalam kasi sakin kagabi si Stephen na hindi daw muna sya makakapasok. Isasama daw kasi sya ng daddy nya sa isang business meeting. Yun ang sabi nya.
Wala naman akong nagawa kaya okay lang. I have to be independent na din siguro.
Natapos ang 4hrs kong klase at ngayon ay free time na.
Kasama sa ipinaliwanag ng teacher namin ay ang tungkol sa practice ng graduation.
2days from now, start na ng practice. 3days ang practice and after the last day, the next day will be the Graduation day.
Parang ang bilis ng panahon. Ilang araw nalang at gagraduate na kami. Nangangamoy college life na.
At dahil nga free time, nagliligpit na ako ng gamit ko.
Halos maubos na ang mga kasama ko sa room bago ako makalabas.
At paglabas ko nakayuko akong naglalakad habang nakalagay sa balikat ko ang bag ko.
Pagtaas ng ulo ko, nakita ko si Jem. At napansin ko naman na nakita nya rin ako.
Naglakad na kami papunta sa isa't isa.
"Hi Jem!" sabi ko sa kanya ng nakasmile.
"Uy yanie!" sabi naman nya at nakita kong nawala ang mata nya. "Okay ka na ba?"Ang qt qt nya kapag nagismile. Natatabunan na kasi ng taba ng fes nya ang mata nya. Para syang teddy bear. Omooo!
"Oo naman. Okay na okay." sabi ko ng patango tango pa.
"Nasabi mo na ba?" aniya..
"Uhm.. Hindi.. pa.." sabi ko sa pahina ng pahinang boses.
"E-eh? Panong magiging okay kung hindi papala?" nasa tono sya ng pagtataka at nagsimula na kaming maglakad.
Palabas kami ngayon ng school at papunta sa isang convenient store na hindi naman kalayuan sa school.
Hindi ko parin nasasagot ang tanong nya hanggang sa makapasok at makaupo na kami sa pinuntahan namin.
"Uy yanie! Panong naging okay ba?" paguulit nya sa tanong nya.
"Ay sorry.. Eh mahabang istorya kasi kung sasabihin ko pa. Pero mas naging okay naman ang lahat. Mas okay ako ngayon kesa dati." sabi ko ng nakangisi.
"Ganun ba? Basta masaya ako kapag masaya ka. Nandito lang ako ah?" aniya sanay tapik sa balikat ko.
"Salamat ah? Buti nalang nandyan ka. May napagsasabihan ako ng lahat." sabi ko sabay smile.
"Wala yun ano ka ba! Ano nga pala gusto mong kainin? Basta bayad mo ah." aniya sabay halakhak.
Walang hiyang 'to. Aayain akong kumain tapos ako din pala ang pagbabayarin. Makawakwak bulsa pa naman to kapag kumain.
Hay nako. Disgrasya to. Haha!
"Ikaw talaga.." sabi ko sabay ngisi. "Basta sakin isang haba nung oreo tsaka chocolate drink dalawa." sabay smile. "Dagdagan mo nadin ng donuts mga dalawa." habol ko pa.
"Sige! Lilibre moko ah?" aniya sabay halakhak ulit.
Natawa nalang ako sa kanya at nagabot ng 1000.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na sya sa upuan namin.
Santisima! Halos dala nya ang kalahati ng laman ng convenient store. Jusme naloka ako.
Nanlaki nalang ang mata ko sa dami ng pinamili nya at natawa.
Sa tagal namin sa dun, hindi nadin namin naiwasan ang magusap tungkol sa buhay buhay.
Naikwento nya sakin na hindi nya pala kasama ang parents nya. Nasa probinsya. Pangalawa sya sa tatlong magkakapatid. Dalawang lalaki ang natitira. Tanging lola nya lang pala ang tumutustos sa pagaaral nya dito sa Manila.
Galing pala sya sa pamilya ng magsasaka sa probinsya nila. Kaya pala morena sya.
Nangilid na ang luha ko sa sobrang proud ko sa kanya.
Dahil kinaya nya ang ganoong hirap ng buhay. Tinanong ko din sya kung nalulungkot sya dahil hindi nya kasama ang parents nya, hindi naman daw.
Kaya nya daw tiisin ang pagkamiss nya sa pamilya nya basta makatapos sya ng pagaaral. Mas malaking tulong daw kasi yun.
Nakakataba ng puso ang lahat ng narinig ko galing sa kanya. Napaisip tuloy ako. Naswerte padin pala talaga ako kahit wala akong daddy no? Dahil kasama ko si mommy at meron akong stephen.
May ate norma ako at kuya bill. Hindi ko narin kailangan pang paghirapan ang lahat ng bagay na gusto kong makuha.
Isang swipe lang ng card, walang problema.
Napakadali ng buhay ko. Napakainam kung tutuusin. Akala ko noon ako na ang pinakamalas na tao sa mundo dahil.. Wala akong daddy sa tabi ko.
Wala akong daddy tuwing may fathers day sa school.
Wala akong daddy na nandyan para bigyan ako ng advice sa pagibig. Wala akong daddy hanggang sa tuluyan akong magkaisip.
Wala akong daddy, para tustusan ang pangangailangan ng puso ko.
Hindi ako na napupuno. Pakiramdam ko laging may kulang sa pagkatao ko.
Wala akong tatay na dapat syang sumusubaybay sakin hanggang sa lumaki ako.
Yung tatay na magagalit kapag nagkakamali ako.
Yung tatay na aalalay sa mga first ko.
Unang pagkakadapa ng tuhod. Unang taon sa grade school. Unang parangal. Unang papuri.
Wala ako nun. Si Mommy ang gumawa ng lahat.
Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing nakakakita ako ng buong pamilya.
You know what? Isa lang naman talaga ang pangarap ko. Kahit hindi ganito kagara ang buhay namin. Mas titiisin ko pang magdildil ng asin basta buo kami.
Isang malaking katanungan padin sa isip ko kung bakit kami iniwan ni daddy. Hindi ko parin mahagilap sa pinakamaliit na parte ng utak ko kung anong dahilan.
Hindi ko parin mahanap ang kasagutan.
Masarap ba sa feeling kapag may daddy? Sa mga pagkakataon na 'to sya dapat ang nagagalit sa tuwing nasasaktan ako. Pero wala sya para gawin yun.
Nagtatanong pa din ako kung bakit.. Hindi ko makita ang sagot sa isang bagay na noon palang, hinahanap ko na.
Isang bagay na tanging si mommy at ako lang ang nakakaalam. Bata palang ako pinagdurusahan ko na 'to.
Bata palang ako, pasakit na 'to sa buhay ko.
ANG HIRAP KAPAG WALANG TATAY.
Kung may tatay lang sana ako, alam kong hinding hindi nya ako pababayaan.
Dahil at some point of my life? Naranasan ko kung gaano kasaya ang magkaroon ng hindi lang basta kumpleto..
Kundi..
MASAYANG PAMILYA.
Wala na atang hihigit pa saya kapag alam mong bukas magigising ka, kasama mo ang mommy at daddy mo. Sana hindi nalang natapos. Sana nahiling ko sa diyos na.. Wag na nyang tapusin ang mga panahon na yun.
Sa totoo lang?
Miss na miss ko na ang daddy ko.
Miss na miss ko na ang pakiramdam na mahalin bilang anak ng isang..
TATAY.
</3
A/N: Nakakaiyak naman ang girls talk na 'to. HAHA! Marami pang kaabang abang na pangyayari guys.
Follow me. Read. Vote and please Spread. ××
BINABASA MO ANG
Last Fall
Teen FictionSabi ng iba, masarap daw sa pakiramdam ang magkaroon ng "best friend". May kasama sa saya at may tutulong kapag may problema. Pero handa kabang itaya ang tagal ng samahan, para sa pinapangarap mong pagiibigan? Huli na nga ba ang lahat para sa tunay...