Chapter18: Late night date

137 13 4
                                    

At dumating na nga ang oras ng pagalis namin ni Stephen.

Pormadong pormado kaming dalawa. Napapatulala nalang ako sa kagwapuhang taglay ng lalaking 'to. Bakit ba naman kasi napakablessed mo e. Gwapo na, matalino pa. You have it all.

Napagdesisyunan namin ni Stephen na magpunta sa isang park.

Balita kasi namin, fiesta sa lugar nayun. At dahil fiesta, madaming nagtitinda tinda kaya sure na maaaliw kami.

Naglalakad kami ni Stephen na may bigbit na cotton candy at isang malaking paper bag ng pop corn ng biglang napukaw ang mata ko sa ilang laruan sa parke kung nasaan kami.

Madali lang naman ang laro. Papatumbahin mo lang ang lahat ng baso gamit ang bola at mamimili ka na ng kahit na anong nakasabit na premyo sa labas.

Inaya ko naman agad si Stephen sa sobrang excite ko

"Phen! Laro tayo nun dali na. Gusto ko yun!" sabi ko.

"Eh marunong ka ba nyan? Hindi ka naman ata marunong e." aniya sabay tawa.

"Hindi nga.. Eh?" napakamot ako aa ulo ko. "Ikaw naman ang maglalaro para sakin diba? diba?" nagpataas taas ang kilay ko.

Hinatak hatak ko si Stephen at kinukumbinsi na maglaro kami dun.

Ilang beses namang nagpangiwi ngiwi ang labi nya na tila ba nagiisip pero wala pang dalawang minuto ng pagpupumilit ay bumigay nadin sya.

"Halika na nga. Nako naman!" aniya na napapakamot sa ulo.

"Yeeeey!"napatalon talon nalang ako sa tuwa.

Paglapit namin dun saktong papaalis na ang huling naglaro. Nakakuha sila ng isang malaking stuff toy na Kerokeropi. Omo! ang ganda ganda. :(

Gusto ko sana talaga yung stitch. Inlove kasi ako kay stitch.

Paglapit namin agad naman na dinemonstrate sa kanya ng babae kung pano yun ginagawa.

Halatang halata sa babae na naaattract sya sa kagwapuhang taglay ni Stephen.

"A-e. B-babatuhin.. nyo.. l-lang." pagkakautal utal ng babae.

"Ehe-ehem.." sabi ko na paubo ubo kunwari. "Ah.. ate? Alam na po kasi namin kung pano yan pwede na po bang magsimula?"

Nasabi ko nalang sa babae dahil mukhang wala syang balak tapusin ang pagpapaliwanag habang ito naman si Stephen nakanganga lang sa harapan nya't nakikinig. Nako naman!

Iniabot na samin ni Stephen ang tatlong bola sa halagang 50pesos.

Sa una.. Walang tinamaan si Stephen.

Nagcoconcentrate sya pero parang nahihirapan talaga sya.

"Phen! Subukan ko kaya? Ako naman?" sabi ko.

"Sabi mo hindi ka marunong?" aniya sa mukhang nagtataka

"Edi tulungan moko." sabi ko sabay kuha na sa bola

Naramdaman ko namang pumwesto si Stephen sa likod ko at hinawakan ang kamay ko na may hawak namang bola.

"Ganito.. Ibabato mo lang to ng buong pwersa ah?" aniya.

"Sus mali yang style mo! Hindi mo nga nagawa kanina e." pangaasar ko sa kanya sabay dila.

"Hindi lang ako makakuha ng tyempo. Ang bad mo talaga!" sabi nya sabay irap.

Naramdaman ko na ang init ng katawan nya sa likod ko. Ramdam na ramdam ko naman ang panginginig ng sistema ko sa posisyon naming dalawa. Santisima! Kinakabahan naman ako sa posisyon naming dalawa. Sa dinamirami ng nagnais ng ganitong posisyon diba?

Last FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon