6th Spin

10 0 0
                                    

Sabado at nandito lang ako sa aking kwarto. Hindi ko kasi alam kung paano ko tatapusin ang research ko. Nakakawalang gana kasi napakabagal ng laptop na gamit ko. Panahon na daw para bumili ng bago. Ang kaso hindi ko alam kung anong magandang bilhin. Siguro ay magtatanong na lang ako kay mommy para rin ay alam niya kung paano ang gagawin.

"Iha, lunch is ready. Lumabas ka na dyan para makakain ka na." I heard tita shout from outside of my room. I looked at the clock beside my bed and saw the time. It's 15 minutes past 12 already. I reached for the door to open it.

"Mauna na ho kayo tita, I still need to finish my paper. Baka maya maya na lang ho ako kakain." She did not answer me, instead she's staring at me. I became conscious of my appearance.

"May dumi ho ba ang mukha ko, tita?"

"Ah, no. Wala naman. I just find it rare for you to be wearing glasses. May grado ba iyan?"

"Yes po tita. Medyo bago pa lang po ito. And I'm still not used to wearing it kaya bihira ko lang din po isuot." Pagpapaliwanag ko naman.

"I see. Sige na iha, we'll wait for you. Labas ka nang mga 12:30 para sabay pa ring tayo kumain."

"Naku tita, wag na po."

"Siya, sige na ituloy mo na iyang ginagawa mo."

"Sige po tita."I already feel guilty kasi hindi ako makatulong sa household chores ngayon sa kadahilanang tambak kami sa research works. Tapos ito ako, paghihintayin sila para lang sabay kaming kumain ng lunch? I should finish this fast. Para makababa ako by 12:30.

I went back to what I'm doing. I added some paragraphs sa paper ko after reading some related literature and articles from the internet. I saved all the changes afterwards. After a while I heard a knock on the door. I checked the time. It's already 12:33.

"Kain na raw sabi ni mommy." It was Cyril! Si Cyril ang tumawag sa akin.

"Uhm, sige. I'll just fix my stuff."

"No, lumabas ka na riyan at sabay na tayong bumaba. Hindi raw kami kakain hanggat hindi ka namin kasabay kumain." I can hear annoyance in his voice.

"Hala, alright then. I'll just turn my laptop off. Mauna ka na." I went back to my desk to do what I told him na gagawin ko.

I was about to close the door of my room nang makita kong nakatayo si Cyril sa gilid. He waited for me? Kilig naman ako.

"I told you na mauna ka na doon."

"Mommy told me not to go back there nang hindi ka kasama."

"Ah." Akala ko pa naman ay kusang hinintay niya ako.

"You're wearing your glasses."

"Yes. What about it? Bagay ko ba?" I forgot to remove my glasses pala.

"No. You better not wear that at school. Magmumukha kang nerd. Nerd na tanga tanga."

"Ang lala mo naman. Tanga tanga ka dyan. May utak naman ako, di ko lang ginagamit."

"Meron ba talaga? Bakit parang wala naman?"

"Oh andyan na pala kayo. Let's eat already." naabutan namin si tita na nag-aayos ng lamesa.

"Tita tulungan ko na po kayo." Pag-aalok ko sa kanya.

"Naku wag na. Maupo ka na lang at tapos na rin naman akong mag-ayos."

"Oo nga pala Celica your mother called me. Ang sabi niya ay magpapadala raw siya ng allowance mo sa makalawa. Nasabi ko rin pala na magkakaroon kayo ng field trip after ng 2nd grading exams niyo. She told me na sabihin sa iyo that you should inform her kung ano mga kailangan mo para maisabay na maipadala sa makalawa."

Sirang PlakaWhere stories live. Discover now