12th Spin

11 0 0
                                    

"How many have we collected, Celica?"

"10." I answered Shey's question. It's already 10 am and we still need to look for 5 blue flags. We tried to avoid other teams as much as possible. Lalo na ang team A or section A sa kadahilanang maari ko pa rin daw ibigay ang flags namin sa kanila, particularly kay Cyril. Nangangamba pa rin ang mga kasama ko. In my defense, I'd prioritize the food voucher kesa kay Cyril.

"There you are." Biglang salita naman ni Renzel. We all looked at the direction that he's looking at. Nakita naman namin ang tinutukoy niya. A blue flag. Nasa taas siya ng puno dito sa labas ng retreat house. Dali dali kaming lumapit sa puno at sinubukan naming abutin ang flag without having to climb the tree. We failed, big time. Walang kwenta ang tangkad ng mga kasama ko. Kanina pa sila talon ng talon upang makuha ang flag. Mukha na silang palaka sa ginagawa nila. Palaka. Shuta, naalala ko bigla ang pang-aasar ni Cyril sa akin.

"Who's the lightest among you three? Buhatin niyo na lang para hindi kayo talon ng talon dyan." suhestyon ko naman. Ginawa nga nila pero hindi pa rin nila naabot iyong flag. On the end tinatalon talon ulit nila ang flag. As if namang magwowork iyong ginagawa nila. I frustratedly looked at Josh. Gusto ata kaming pahirapan ng SSG.

"Why don't you just climb up the tree? Kanina pa kayo talon ng talon dyan. Nagmumukha na kayong palaka dyan." Pagkuha ko ulit sa atensyon nila. Sasagutin sana ako ni Aki ng maramdaman kong parang may humihila ng flags na hawak ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga flags na pinabantay sa akin sabay humakbang ako paharap. Nilingon ko naman ang kung sino mang pangahas ang sumubok kumuha ng flags namin mula sa akin. I was surprised when I saw kung sino ang taong kanina ay nasa likod kong nagtangkang kunin ang flag namin.

"That was close." Pang-aasar ni Lucy na lumapit kay Cyril. I frowned at her nang nakita kong sobrang lapit niya kay Cyril. Sila Yuki naman ay biglang sumulpot sa harap ko. Itinatago nila ako sa kadahilanang nasa akin ang mga flag namin. Si Shey naman ay nagtungo sa gilid ko.

"It's seems like you have gathered a lot of flags. Pwede bang makahingi kahit isa lang?" pagtatanong ni Eula, ang class president ng section A. Admirer ni Renzel.

"I'm afraid we can't do that, Eula." Pagsagot naman ni Renzel which made Eula pout. Mukhang pato. Sarap hugutin ang nguso niya. I saw Lucy push Cyril forward na para bang pinipilit nilang siya ang magsalita.

"Iris, surrender your flags to us." Was what he said after a few second. Lahat kami ay napanganga sa tinuran niya. Halata sa itsura niyang napipilitan lang siya sa ginawa niya. He even held his hand out na para bang may inaabot mula sa amin. I shoved Aki to the side para makadataan ako, I walked towards Cyril with a smile on my face.

"Hoy Celica." Sabi ni Shey sa akin. Team A already started smiling nang makitang balak kong ibigay ang flags namin sa kanya. I looked intensely in his eyes. After a while I avoided looking at him. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga flag na nasa akin nang makalapit ako sa kanya. I cupped his face which surprised him. I closed the gap between us at nilapit ko ang labi sa kanyang tenga.

"Crush back muna. Malay mo rumupok ako at hindi ko lang ibigay ang flags namin sa iyo, baka tulungan pa kitang hanapin ang flags niyo." I whispered in his ear. I immediately back away after saying those words. The distance was safe enough para kahit magtangka man siyang kunin ang flag sa akin, hindi siya magtatagumpay.

"I told you Cyril. I will not let you have our flags. We will win this race. Sayang free buffet eh." Pinandilatan ko pa sila bago ko ibigay ang flags na hawak ko kay Shey.

"If it's a free buffet that you want, I can just treat you to one." he offered.

"Really?" excited ko namang tanong sa kanya.

Sirang PlakaWhere stories live. Discover now