15th Spin

11 0 0
                                    

"Chin up Celica. Ano naman ngayon kung may litrato kayong dalawa ni Zeph? Ano naman ngayon kung nakatira ka kela Zeph? Kasalanan mo bang mag bestfriend ang parents mo at parents niya? Hindi naman diba? So chin up. Inggit lang sila 'cause you get to live with Zeph" malakas na pagsasalita ni Tamia habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa room. Sinadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ng mga tao sa paligid. What she said made the murmurs around us louder. For sure lalala na naman ang balitang kumakalat sa school. I told Cyril na magda-damage control ako, pero mukhang impossible na itong mangyari. Alam na nila eh. Ano pang magagawa ko?

Tamia decided to accompany me ng uwian na. Ang sabi niya ay baka may crazy fans daw si Cyril na sumunod sa akin at tambangan ako.

"Can we go to the mall muna? Parang ayaw ko pa kasing umuwi eh."

"Sure. Gusto mo ba magdinner na din tayo sa mall?"

"Pwede naman. Wait, I'll just inform tita Leah na dito na ako sa labas mag didinner." I messaged tita na gagabihin na nga ako and that they don't need to wait for me. I even told her na baka mag sleepover na lang ako kela Tamia if gabihin man ako ng sobra.

"Saan mo gustong magpunta?"

"Pwede manood na lang muna tayo ng sine?"

"Sure. By the way, gusto mo bang mag sleepover na lang muna sa bahay? For sure naman na iiwasan mo si Zeph."

"No need na. I'll go home after natin manood."

We bought tickets for the movie that we chose. It will start by 8 in the evening. It's just 6 pm so we decided to have an early dinner. Tapos popcorn naman mamaya.

Nandito kami ngayon sa Jollibee para kumain. Luckily, we found an empty table agad agad. We ordered food right after securing the table.

"Tams, I've been thinking about something mula nang nanggaling tayong retreat."

"What about it?"

"I'm planning to move out from the Smith residence. Masyado ng matagal ang 2 years na pagtira ko sa kanila."

"Are you sure about that?" I nodded at her.

"Saan ka nyan titira?"

"I actually don't know whe---"

"O, Tamia, nandito din pala kayo." It was Josh. The student council secretary and a student from section A.

"Oi Josh, ikaw pala. Sino kasama mo?" tanong naman ni Tamia. Sinundan naman namin ang tinuro niya. Nandoon si Tobby, Lucy, Eula at Cyril. Kung kalian iniiwasan, doon ko pa siya makikita.

"Manonood kami ng movie. Nag-aya si Tobby eh. Pero mamayang 8 pa ang screening time kaya we decided to eat muna, coincidentally, nakita namin kayo dito. Ano pala ang ginagawa niyo dito?"

"Ah wala naman, nagdinner lang tapos manonood din ng movie mamaya."

"I see. Enjoy then" sabi niya bago lumapit sa mga kasama niya. Inihatid naman namin siya ng tingin. Nakita pa naming itinuro niya ang pwesto namin kaya napatingin sila Tobby sa amin.

"Ignore them, Cel. Nandito tayo para mag destress. Dalian na lang nating tapusin ang kinakain natin para makaalis na tayo dito agad." Minadali nga talaga namin kumain at walang pasabing umalis sa Jollibee.

"Tarang Comic Alley?" pag-aaya ni Tamia sa akin. Nagningning naman ang mga mata ko sa suhestyon niya.

"Sige sige. Pero anong oras na ba?"

"7:30, we still have time. Saglitin na lang natin doon."

In the end, we both walked out of Comic Alley holding one paper bag each. Bumili ako ng super Mario cap at sa kanya naman ay si Luigi. Bumili din ako ng tumbler na may design ng anime na Haikyuu.

Sirang PlakaWhere stories live. Discover now