Trigger Warning: Sexual Assault
"Shae, tara na!" aya ni Dia.
Tumango ako, ngumiti, at inayos ang mga gamit kong nagkagulo sa bag habang hinahanap ko ang pitaka ko.
Hinintay niya akong matapos, kaya sabay kaming pumunta sa school.
Naglakad lang kami papunta dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school. Kung tutuusin, pwede kaming sumakay, pero sayang ang pamasahe—kailangan naming magtipid.
Habang naglalakad, puro tungkol sa crush niya ang kinukwento ni Dia. Sanay na rin ako sa kadaldalan niya, kaya hindi na bago sa akin.
"Shae, nakikinig ka ba?" bigla siyang huminto, hinarap ako, at tinignan ang mukha ko nang mabuti para siguruhing nakikinig ako.
"Ituloy mo lang. Nakikinig ako," sagot ko.
Tumalikod siya ulit, nagpatuloy sa paglalakad, at muling sinimulan ang kwento niya.
Hanggang sa pagdating namin sa eskwelahan, puro kwento pa rin si Dia, pero hindi ko na masyadong napansin ang mga sinabi niya. Wala akong concentration at malalim ang iniisip ko, kaya parang wala akong napasok na kahit anong impormasyon.
Hindi ko rin napansin na may bumangga sa akin, kaya't napatapilok ako at nahulog ang mga hawak kong gamit. Dahil dito, napatigil din si Dia sa pagkukwento. Saka lang ako nagising nang magkalat ang mga gamit ko sa sahig.
Agad akong yumuko upang pulutin ang mga gamit, at tinulungan ako ng lalaki na nasa harap ko. Hindi ko siya nakita ng buo dahil abala ako sa pagpupulot. Pero nahagip ng mata ko ang bolang papalayo, na sa tingin ko ay sa kanya iyon.
Tumayo ako at humarap sa kanya, at doon ko siya napansin—moreno, makisig ang katawan, at may magarang hitsura. Mataas siya, pero hindi naman malayo ang laki ng agwat namin.
Ngumiti siya sa akin at inabot ang mga gamit na pinulot niya. Napatitig ako sa kanya bago ko kinuha ang mga iyon. "Si Isaiah," sabi ko sa sarili ko.
"Shae, pasensya na! Napakalikot kasi ng kasama ko kaya nabangga kita," paliwanag niya at tinuro ang dalawang kasama niya na patuloy pa ring naghahagikgikan.
"Salamat..." sagot ko. Ngumiti siya ulit at tinawag ang mga kaibigan para magtulungan at umalis.
Habang iniiwasan ko ang mga tingin ng iba, hinila ako ni Dia at tatalon-talon pa siyang humarap sa akin. "Napaka-pogi talaga ni Isaiah!" aniya, kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Crush mo?" tanong ko, at namula siya at nag-iwas ng tingin.
"Type lang," sagot niya, kaya napatango naman ako.
Buong klase, wala talaga ako sa tamang wisyo. Kulang ako sa tulog simula kagabi at ni hindi pa ako nakakain dahil sa sobrang pagod. Hinayaan ko na lang ang oras na lumipas hanggang sa matapos ang klase.
Paglabas namin, sobrang dilim na ng paligid. Hindi ko kasabay sina Reiko at Dia pauwi dahil may volleyball practice pa sila. Sa aming tatlo, ako lang ang hindi mahilig sa sports kaya sila ang mas madalas na magkasama.
Paglabas ko ng school, kitang-kita ko ang maitim na langit. Na-extend kasi ang last subject namin, kaya wala kaming choice kundi umuwi nang gabing-gabi na.
YOU ARE READING
Enlightened The Dark (Escape Series #1)
JugendliteraturEnlightened The Dark (Escape Series #1) How far would you go to reach someone who feels out of reach? Ilang awkward conversations at ilang pag-aalangan ang kakayanin mo? Ilang masasakit na titig ang titiisin mo para lang mapansin ka? For Azalea Shae...