Prologue

123 6 0
                                    

I moved through life feeling like everything was just too heavy. Parang araw-araw, may bagong problema, at minsan hindi ko na alam kung kaya ko pa. The world wasn’t easy—always throwing challenges at me, making me wonder if things would ever get better.

Darkness was everywhere, in every hard moment, in every worry that kept me awake at night. But deep down, I wanted to find a way to light up that darkness. Kahit mahirap, I’m still holding on, hoping I can make things brighter, kahit para sa sarili ko lang. Because I need to enlighten the dark—a weight that weakens me but also gives me something to fight for.

"Tangina! Miss na miss ko na siya!" biglang sabi ni Reiko, nasa classroom kami ngayon at break time namin.

"Ang OA mo! Ikaw 'yung nang-iwan tapos mag-iinarte ka diyan!" sabat ni Dia.

"Bakit kapag ikaw na 'yung nang-iwan, hindi ka na pwedeng masaktan?!" sagot naman ni Reiko sa kanya.

"Malay ko sa'yo!"

Sinamaan siya ng tingin ni Reiko at biglang muling ngumawa. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil hindi rin naman ako makakarelate-wala pa sa isip ko ang mga ganitong bagay.

"Bakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon?" tanong niya.

"Ang ingay mo!" reklamo na naman ni Dia, pero hindi siya pinansin ni Reiko.

"Bakit ang sakit pa rin? Why does it feel like it just happened yesterday? The fact that I still haven't moved on, and memories keep flashing... Ang sakit pa rin pala," sabi niya kaya napatingin kami ni Dia sa isa't isa sa sinabi niya.

"I already accepted everything, pero bakit nararamdaman ko pa rin 'yung sakit? I thought I was getting better pero distracted lang pala ako..." dagdag niya. Hindi kami agad nakaimik ni Dia dahil nakatingala siya at nakapikit, may tumutulong luha sa gilid ng mata niya.

Bigla namang tumayo si Dia. Akala ko ay may aayusin lang siya, pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hinarap ang upuan niya kay Reiko at saka umupo.

"You really thought na 'yung pag-delete ng pictures, pag-archive ng conversations, at pag-block sa social media, automatic healing na? Ang cute mo rin, ah. Let's be real here-bakit kapag nakita mo 'yung pangalan niya, parang may suntok palagi sa dibdib?" panimula ni Dia. Natahimik kami ni Reiko.

Nagpunas ng luha si Reiko at muling bumaling sa kanya. "Okay na nga ako! Baka confused lang ako ngayon kaya akala ko hindi pa ako okay," in-denial na sagot niya, sabay pilit ng ngiti.

"Sinabi mo sa lahat na okay ka na, pero bakit bago ka matulog, replay pa rin sa utak mo 'yung mga huling salita niya? At 'yung pag-ngiti mo ngayon, halatang pilit. Kasi kahit anong pilit mong ngumiti, deep down, alam mong 'yung taong nagpapasaya sa'yo noon, hindi na babalik. Tapos ikaw, stuck ka pa rin," prangkang sabi ni Dia.

Hindi ko alam kung nakakatulong ba siya o lalo lang pinapalala ang sitwasyon.

"You know, we can't force someone to be better for us. Ikaw na rin mismo nagsabi na he's not good for you dahil ang sabi mo mauubos ka-then why are you crying right now? Asan ang respeto para sa sarili mo?" pinapanood ko lang sila pareho dahil kahit ako, hindi ko alam ang sasabihin.

"Yes, we can feel the pain, pero kung alam mong hindi niya kayang maging better sa'yo, then why would you settle for less? Ang pangit sa isang relationship na iisang tao lang ang palaging bigay nang bigay dahil nakakaubos! So learn to choose yourself; isipin mo na lang na 'yung ginawa mong 'yon hindi lang para sa kaniya kundi para rin sa sarili mo," dagdag ni Dia. Hindi naman agad nakaimik si Reiko.

"Don't do the same mistakes again. Huwag mong ugaliing magbigay ng chances dahil hindi naman siya palaging applicable sa kahit anong sitwasyon at sa mismong tao. One mistake can lead to another."

Enlightened The Dark (Escape Series #1)Where stories live. Discover now