Sabdaling nag karoon ng katahimikan ang paligid saaming dalawa ni Arkiyo. Pareho naming pinapanood ang Taal Volcano na may puting usok pa sa bunganga nito. Natupad nga ang pangako nya... Nababalik kami dito ng maraming masasayang ala-ala.
"Khalia" Biglang sabi ni Arkiyo saaking pangalan kaya naman nabaling sakanya ang aking paningin.
"kapag... K-kapag" Pinipilit nyang mag salita kahit pa nanginginig na ang kanyang labi. Alam kong kaunting segundo nalang ay papatak na ang kanyang mga luha.
"kapag kasama mo na si baby..." Tinignan nya ako ng nakangiti. "sabihin mo kung gano ko sya kamahal..."
At sa pagkakataong iyon tumulo na ang kanyang luha.
Ngumiti lang ako at pinunasan iyon, binigyan ko sya ng halik sa noo bago ako mag salita. "Love, picture tayo"
"uh.. Oo naman" Agad nyang kinuha ang kanyang Cellphone at ang kanyang camera.
Kahit hirap ay pinilit kong ngumiti. Kitang-kita ko ang nginig sa mga kamay ni Arkiyo habang pinipindot nya ito.... Ilang sandali ko namang binalingan ng sulyap ang Taal Volcano, madaming ala-ala ang baon ko kaya hindi nako natatakot na mag pahinga o mamatay...
Muli akong tumingin sa camera.
"Anak..." Mahina kong sabi nang makakita ako ng batang babae na nakatayo saaming likod. Nakangiti ito at nakaputing bistida na para bang inaaya akong mag laro sa kung saan.
Bago ako sumama ay binalingan ko ng tingin ang boyfriend ko.
"I love you, love" bulong ko sakanya saka sya hinalikan sa pisnge.
Bago ako pumikit ay naramdaman ko pa ang pag tulo ng basang likido saaking pisnge... Luha na galing sa mga mata ni Arkiyo.
"Mahal na mahal din kita, Love" Huling tinig na narinig ko bago ako managutan ng hininga.