Special Chapter 01: Wei Xing's POV

21 2 0
                                    

SA MURANG EDAD AY NARANSAN KO NANG MAGING MAGULANG SA KAPATID KO.

Pinagsasabay ko ang pagtatrabaho, pag-aaral, at maging ang pag-aalaga sa kapatid ko.

Noong sumapit ang graduation ko noong college ay sobrang nabuhayan ako dahil sa wakas ay tapos na ang paghihirap ko.

"Proud na proud ako sa ate kong Magna Cum Laude!" grade six lang si Wei Ying noong sabihin niya iyan pero ramdam ko ang pagiging mature niya nang siya ang nagsabit ng medalya ko.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko pagka-graduate ko. Nagtrabaho ako hanggang sa makaipon ako ng pera para makakuha ng board exam, dalawang taon matapos akong magtapos ng kolehiyo.

Nag-aral ako ng kalahating taon at nag-exam. Sa awa ng Diyos ay naipasa ko ang board exam ko at naging top ang score ko sa buong Probinsya namin.

Dahil dito ay maraming oportunidad ang dumating sa akin at mas naging madali ang paghahanap ko ng maayos at matinong trabaho. Isang company ang kumuha sa akin bilang strategist. Mataas ang offer nilang sahod kumpara sa iba kaya tinanggap ko.

Bilang isang babae na kailangang tumayong nanay at tatay ng maaga, mataas ang ambisyon ko sa buhay kaya ginawa ko ang lahat para maaga akong ma-promote.

Pero biglang nalugi ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko kaya naman humanap ako ng ibang trabaho dahil kailangan kong buhayin ang sarili at kapatid ko.

Kaya kahit call center agent lang ay pinatos ko. Sa kompanyang iyon ko nakilala ang lalaking minahal ko ng buong puso maliban sa kapatid at tatay ko. Isa siya sa mga board of directors kaya hindi ko pinansin ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero kahit na malayo ang estado namin sa isa't-isa ay lagi siyang pumupunta sa department namin kasama si Zia Sandoval na isa ring board of director na may mabuting puso.

Naging magkaibigan kaming tatlo. Hindi nila ako hinusgahan... hindi nila inisip na pera lang ang habol ko sa pagkakaibigan naming tatlo gaya ng iniisip ng mga katrabaho ko.

Isang araw, may usapan kaming tatlo na magkikita sa isang resort sa Indang pero hindi dumating si Zia dahil inaatake daw siya ng dysmenorrhoea. Kaya kami lang dalawa ni Jin ang nag-bonding.

Nakaupo kami sa buhangin habang pinanonood ang mga batang naghahabulan.

"Wei Xing, Chinese ka?" Kumunot ang noo ko noong itanong niya iyon.

"Bakit?"

"Just answer me."

"Half."

He smiled at me, "wo xihuan ni." (I like you.)

I stared at his eyes. Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya kaya sinabi ko ang nararamdaman ko sa kanya.

Patago niya akong niligawan ng ilang buwan at sinagot ko siya bago ang graduation ni Wei Ying sa high school.

Gusto ko sana siyang ipakilala sa kapatid ko pero nag-aalala akong baka isipin niyang nagiging pabigat na siya sa akin kaya hindi ko ginawa. 

Sinabi ko kay Zia ang tungkol sa relasyon namin ni Jin pero simula noon ay hindi na siya sumasama sa amin. Pansin ko rin ang pag-iwas niya sa amin kaya kinausap ko siya nang makakuha ako ng tyempo.

"Zia, saglit!" malakas kong sabi habang hinahabol siya. Humarap naman siya sa akin at ngumiti.

"Xing-Xing..." akala ko ay may kasunod pa ngunit wala na pala.

"P'wede ba tayong mag-usap?" Tumaas ang kilay niya at bahagyang tumawa.

"Nag-uusap na tayo." pabirong sabi niya.

"May problema ba tayo?" tanong ko.

"Ako, wala. Ewan ko lang sa 'yo." makahulugang sabi niya at humalukipkip.

"Ako?" tanong ko. She scoffed and pushed me.

"Yes, you! You fucking got Mr. Shen before I make my move!"

Doon ko nalamang matagal na niyang gusto si Jin. Sinabi ko kay Jin ang nangyari pero sabi niya huwag ko raw intindihin si Zia dahil ako ang mahal niya. Kung ayaw sa akin ni Zia ay ayaw niya rin daw dito.

Umabot kami ng limang taon na hindi nalalaman ni Wei Ying ang relasyon namin. Hindi na rin kami nagkaayos pa ni Zia. 

Isang taon at kalahati na kami ni Jin noong malaman ko ang kondisyon ko. Inilihim ko muna iyon dahil hindi naman malala. Busy ako sa pag-iipon dahil ga-graduate ang kapatid ko. 

Hanggang sa binalaan ako ng doktor na lumalala daw ang sakit ko kaya magpahinga na lang ako at magpagamot pero tumanggi ako dahil kailangan ko ng pera para mapaaral ang kapatid ko. 

Sa loob ng limang taon ay maraming nagbago. Si Jin ay manager na ng isang entertaining company at isang sikat na singer ang hina-handle niya. Minsan ay nagkikita kami pero madalas ay puro tawag lang dahil busy kaming mag-ipon para sa kasal namin. 

Hindi na kasi umaasa si Wei Ying sa akin noong mag-dies y siete siya. Nalaman ko na lang na may part time job siya noong minsang may kinita akong kliyente sa restaurant kung saan siya nagpa-part time. Simula noon ay medyo nakaluwag ako kaya nakakapag-ipon kahit paano.

May event dito ang hina-handle ni Jin kaya nagkita kami, isang buwan bago ang event dahil kailangan daw siguruhin ni Jin na settled na ang schedule niya. Halos isang taon kaming nagkita kaya hindi namin nakontrol ang mga sarili namin at may nangyari sa amin. Iyon ang unang beses na ginawa namin ang bagay na iyon.

Pero kinabukasan, hindi ko alam ang nangyari pero biglang may tumawag sa kanya. Unknown number ang caller kaya sinagot ko dahil tulog pa si Jin. I pressed the record button para marinig ni Jin ang pag-uusapan namin dahil baka related to sa trabaho niya.

"Hello? Hello? Shen Huojin! Ano'ng gagawin ko? Buntis ako!" Umiiyak na sabi ng isang tinig ng babae. "Shen Huojin! Panagutan mo 'ko!"

Nabasag ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Nangingilid ang mga luhang tumitig ako kay Jin na payapang natutulog sa tabi ko.

Noong magising siya ay hinintay ko ang paliwanag niya pero wala... wala siyang sinabi kaya kinausap ko siya.

"Niloko mo ba ako?" mahinang tanong ko at ipinarinig ang recorded version ng call kanina. 

Umaasa akong itatanggi niya pero hindi niya ginawa. Yumuko siya at bumuntong-hininga.

"I'm sorry."

Umiyak ako ng umiyak. Ibinigay ko sa kanya ang lahat ng tiwalang mayroon ako tapos ganito ang gagawin niya?! 

"Let's part ways. We should never see each other again." 

Simula noon ay nilunod ko ang sarili ko sa trabaho at nalaman kong lumala ang kalagayan ko. 

Nang umuwi ako sa bahay nang araw ng birthday ko ay halos mapamura ako dahil nakita ko ang hina-handle na artista ni Shen Huojin na si Lan Zhan. Akala ko ay naroon din siya pero ipinagpasalamat kong wala.

Umuwi ako isang umaga nang masama ang pakiramdam; nahihilo ako at nasusuka, Dumeretso ako sa banyo at doon sumuka. Naramdaman ko ang presensya ni Wei Ying sa likod ko maya-maya.

Biglang nandilim ang paningin ko noong makalabas kami at nagising na lang ako sa amoy ng mga gamot. Sa hitsura pa lang ni Wei Ying ay mukhang alam na niya ang kondisyon ko.

Hinayaan kong ilabas ni Wei Ying ang saloobin niya dahil iyon lang ang magagawa ko para sa kanya. Nakaramdam ako ng habag sa kapatid ko nang pilitin niyang magmukhang malakas noong sabihin kong hindi naman ako aalis sa tabi niya.

Pinanood ko ang papalayong bulto ng kapatid ko. Noong makalabas siya ay humagulgol ako ng iyak at napahawak sa sinapupunan ko.

"Pasensya na, Ah-Ying..." humikbi ako, "...ayaw ko lang na tanggalan ng karapatan na mabuhay ang batang nasa sinapupunan ko ngayong alam kong kaya mo nang mabuhay ng wala ako."

Bulong ko sa kawalan saka napatutop sa bibig ko para umiyak ng tahimik.

The Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon