Special Chapter 02: Roniel's POV

21 2 0
                                    

SENIOR HIGH SCHOOL AKO NOONG BUMALIK AKO SA CAVITE GALING SA CEBU KUNG NASAAN ANG PROBINSYA NG NANAY KO.

Wala kasing computer related na strands sa school na pinapasukan ko sa probinsya namin dahil nga liblib iyon. ABM, HumSS, at cookery lang ang ino-offer sa senior high doon kaya napagdesisyonan nina mama na ilipat ako at pauwiin dito sa Cavite.

Pagpasok ko pa lang sa bahay namin galing sa eskwelahan dahil nag-inquire ako, ay bumungad na ang isang lalaking mukhang kasing edad lang ng nakatatanda kong kapatid. Kaharap niya si kuya na nakatalikod sa gawi ko at mukhang nayayamot na.

"Gago, Ren! Bakit kasi ipinagpilitan mo kay menopause lady na ako ang maging partner mo sa thesis?!" Inis na inis na sabi niya pero ang cute niya sa paningin ko. Pinigilan kong tumawa sa itinawag niya sa professor nila. 'Loko!' Natawa ako sa isip ko.

"Kung hindi ikaw, sino? Syempre wala! Ikaw lang naman ang dean's lister sa block natin kaya bakit pa ako hahanap ng iba? Sige na kasi, ngayon lang 'to." Nagmamakaawang sabi ni kuya.

Sinamaan siya ng tingin ng kaklase niyang cute at nagdadabog na isinara ang laptop niya. "Talagang ngayon lang 'to dahil hindi na mauulit next sem! Tangina mo, dumbbell ka!" Singhal nito.

Imbis na mainis at maasar si kuya ay malakas itong tumawa na akala mo ay may misyon siyang napagtagumpayan sa buhay niya kahit na ininsulto na siya ng kaklase niya. 'May saltik talaga itong kuya ko.' Naisaisip ko.

"Kaya sa 'yo 'ko, eh! Pa-kiss nga sa betlog, p're." Tatawa-tawang biro ni kuya at akmang lalapit sa lalaking kaklase niya nang mapahinto siya dahil binato siya nito ng ballpen.

"Ulol!" Tinaasan niya ng gitnang daliri si kuya at lumayo dala ang laptop. "Kadiri ka! Ihahampas ko sa 'yo 'to..." isinenyas niya ang laptop na hawak. "...kapag lumapit kang kupal ka, subukan mo!" banta nito.

Humalakhak si kuya sa sinabi nito. Nagpanggap akong papasok pa lang at hindi narinig ang anomang pag-uusap nila. Napatingin sa akin ang lalaki.

"Trespasser, oh!" Tumaas ang kilay ko ng ituro niya ako. Mukha ba 'kong trespasser?

Nilingon ako ni kuya at malakas na namang tumawa. "Alam mo kasi, pareng Wei Ying, mukha lang siyang magnanakaw pero kapatid ko talaga 'yan."

"Tangina mo, kuya!" bwisit na mura ko sa kanya. Napalunok ako noong tumawa ang tinawag ni kuya na Wei Ying. Biglang lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa ganda ng pagkakangiti niya.

"Hoy, Roniel Zyed! Tinawag mo pa 'kong 'kuya' kung mumurahin mo rin lang pala ko!" Bulyaw ni kuya sa akin.

"Kalmahan mo, isipin mo na lang na minura ka ng kapatid mo with respect." Natatawang sabi nito.

"Pakyu!" sigaw ni kuya. Lumakas lalo ang tawa ng kaklase niya.

"I'm not interested. Go, hand-fuck yourself." bumaling si Wei Ying sa akin. "huwag mong sundan 'tong gago mong kuya sa pagiging dumbbell niya, masama 'yon." Namula ata ako ng kindatan niya ako bago siya magpaalam.

Simula noon ay isinasama na ako nina kuya sa mga gimik nila. Sabi nila ay trio daw kami. Kuya ang tawag ko sa kanya pero iba ang idinidikta ng puso ko. Wei Ying is a nice guy. Siya ang sumasaway sa kuya ko kapag napipikon ako dito. Matalino rin siya kaya sa kanya ako nagpapaturo at kahit na hindi naman niya forte ang encoding ay inaaral niya iyon para sa akin. Alam ko... alam kong mali pero hindi ko maiwasang hindi umasa na baka magustuhan niya rin ako kahit pa pareho kaming lalaki.

Hindi naman ito ang unang beses na nagkagusto ako sa isang lalaki dahil sa Cebu ay nagkaroon ako ng karelasyong lalaki; he was our supreme student government's president; Romwel Catoto. Minahal niya ako at naramdaman ko iyon sa mga kilos niya pero hindi kami tinanggap ng mga magulang niya dahil mali ang relasyong mayroon kami. Napilitan akong makipaghiwalay kahit ayaw niya.

Wei Ying reminded me so much of Romwel. Pero mukhang mas malala ang nararamdaman ko kay Wei Ying kaysa kay Romwel. Dahil nga sa takot na baka maulit ang sinapit namin ni Romwel ay itinago ko ang nararamdaman ko at nakuntento sa kung ano'ng mayroon kami. Masaya na ako roon.

"Ron," isang gabi ay tinawag ako ni kuya. First year college ako noon sa kursong kinukuha ko: Computer Science.

"Bakit, kuya?" tanong ko. Kadalasan ay kapag tinatawag niya ako ay may kalokohang nakapaskil sa ekspresyon niya pero iba ngayon. Seryoso siya at iyon ang ipinagtataka ko.

"Tapatin mo nga ako... may gusto ka ba kay Wei Ying?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang mapapansin iyon ni kuya dahil lihim ko lang iyon.

Wala akong nagawa kung hindi ang umamin. Akala ko ay huhusgahan niya ako pero hindi iyon nangyari dahil nang sumapit ang bukas ay walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Ipinagpasalamat ko sa Itaas na binigyan Niya ako ng maunawaing kapatid.

Second year college ako at fourth year naman sina kuya. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Hindi nagbago kahit tatlong taon na ang nakalilipas. Patuloy pa rin ako sa pagtatago ng nararamdaman ko kahit pa ga-graduate na siya. Wala akong lakas ng loob na umamin dahil natatakot akong mawala ang pagkakaibigang mayroon kami. Iniingatan ko ang friendship namin dahil iyon lang ang nag-uugnay sa aming dalawa at hindi ako p'wedeng magpadalos-dalos.

Ang tagal ko nang itinatago ang nararamdaman ko kay Wei Ying. Nakuntento ako sa panaka-nakang tingin at sa mga friendly gala namin na itinuring ko nang 'date' namin. Ipinagpasalamat kong isinikreto ni kuya ang nararamdaman ko para kay Wei Ying nang mahabang panahon.

Naglalakad ako sa kanto nila isang umaga... nakita ko si Wei Ying gaya ng inaasahan ko kaya natuwa ako. Lalapitan ko sana siya kaso ay naunahan ako ng isang lalaking naka-mask. Nakaramdam ako ng selos dahil iba ang ngiting ibinibigay ni Wei Ying dito kaysa sa amin ni kuya. Iba rin ang paraan ng pagtingin niya rito.

Alam na alam ko na ang ibig-sabihin noon dahil nakita ko na ang ganoong klase ng tingin kay Romwel kapag kasama niya ako. Masaya siya... kahit hindi sa akin ay masaya na rin ako. Sinubukan kong kalimutan siya... 

Sinubukan kong limutin siya dahil gusto kong maging masaya kagaya niya pero tangina ilang buwan mula noong graduation niya ay nakita kong miserable ang hitsura niya gaya ng kuya ko.

"Pleasure me..." halos mabaliw ako nang ibulong niya iyon. Alam kong mali pero napigtas ang sinulid ng pagpipigil ko.

Pero nang matapos kami ay tila ang nabuhay na pag-asa sa puso ko ay tuluyang namatay dahil nakita ko ang bakas ng pagsisisi sa mga mata niya. He wanted me to forget this unforgettable night. And I agreed... kung ang pagpapanggap na makakalimutan ko ang gabing nagpaubaya sa akin ang taong mahal ko ang magpapasaya sa kanya; gagawin ko kahit ikadurog ko ng sobra.

Pagtalikod ko ay tumulo ang luha ko. Dere-deretso akong lumabas dahil ayokong maawa siya sa akin at gumawa ng desisyong hindi namin ikasasaya pareho.

Wangji...

Napasabunot ako sa sariling buhok noong maalala ko ang pangalang inuungol niya. Ako ang kasama niya habang naglalabas ng init ng katawan pero ibang pangalan ang isinasambit niya.

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ang buwan sa rooftop ng hotel kung saan ako dumeretso  at malayang hinayaang umagos ang mga luhang dulot ng nadudurog kong puso. 

Bumuntong-hininga ako at yumuko. "Maybe, this feelings were meant to be hidden and buried to death."

I finally accepted my fate... the destiny that universe had written for me; the man I love will never be mine.

The Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon