Silang mga Babae

7.2K 155 41
                                    

Walong babae, pitong lalaki. Kilalanin muna natin ang walong babae sa istoryang ito!

#1. MARICAR JAVIER, 20 years old. Morena, may malusog na pangangatawan, mahilig magluto, at simpleng babae. Standing 5'4 in height at isa sa mga hinahangaan sa ConnectMakati BPO call center.

#2. Abigail Zulueta, 20 years old. Ang pamilya niya ay kilala sa lipunan bilang isa sa mga pinakamayamang angkan sa buong Pilipinas pero hindi niya iyon pinangangandalakan. Mahilig lamang siya sa pandesal sight seeing mapa-bar man o sa beach.

#3. Joyce Madrigal, 20 years old. Mahilig magluto at seryoso pagdating sa trabaho. NBSB (no boyfriend since birth). Mabait at mapagkakatiwalaan.

#4. Julia Vargas, 21 years old at isa sa mga kinaiinisan ni Maricar. Spoiled brat, mahilig sa mga mamahaling gamit gaya ng damit, phone at iba pa. Ayaw na ayaw niya sa mga mabahong lugar. In short, wala siyang masyadong kaibigan maliban na lamang kay Sylvia na lagi niyang inuutusan sa lahat ng bagay.

#5. Sylvia Monte, 21 years old. Siya ang masasabi mong die-hard fan ni Julia. Laging nakasuot ng malaking eyeglass at isang tahimik na tao.

#6. Sheila Mendoza, 25 years old at siya ang pinakamatanda sa lahat. Siya ang pinakamabait at maalalahaning kasamahan nila sa trabaho. Lahat pwede ninyong ipagawa sa kanya. Huwag na huwag niyo lamang siyang gagalitin dahil matatamaan talaga kayo ng masasakit at mahahapding lava sa katawan.

#7. Van Dela Rosa, 22 years old. Babae po siya. Hindi binabae o kahit ano mang bansag o tawag doon. Purely girl siya. Isa sa mga madaling lapitin ng kanyang dahil sa sobrang kabaitan nito. Isa rin siya pinagkakatiwalaang kaibigan ni Sheila Mendoza.

Last but not the least, #8. Rahima Abdul-rahid. 23 years old at isa sa pinagkakatiwalaan ng mga miyembro ng medya sa NewsChannel10. Isa rin siya sa mababait na kasama sa opisina.

Kanya-kanya mang ugali meron sila, ano naman ang mangyayari kapag unti-unti silang mawawala? Magagawa kayang silang iligtas ng mga lalaki?

Ang Babae Sa Laiya (On Major EDITING and REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon