Chapter 22: Secrecy Gold Lady!

16 2 0
                                    

Bumungad sa akin ang mga nagkukumpulang, ngunit organisadong mga pagkain sa lamesa. Nariyan ang overnight oats kagaya ng apple pie, seed butter, banana raspberry, pumpkin spice, at vanilla. Kasing pula ng aking pisngi nang makita ko ang chimney pistachio, chimney raspberry kiss, chimbey blizzard, chimney berries, chimney king, at chimney devil, sapagkat nais kong makatikim na ng gaʼnong sweets kayaʼt pakiramdam ko, nasilayan ko si Raze. Sa mga inuman naman, may mga taong kumukuha ng fuzzy navel, white russian, brandy alexander, long island ice tea, gimlet, margarita, toasted almond, old fashion, at whisky sour. Nais kong kumuha ng maiinom, sapagkat, tuyong-tuyo na ang lalamunan ko dahil sa kaba, ngunit, wala akong makitang tubig o dyus na normal lamang.

Hindi ko masuri kung bakit ang iilan sa kanila ay pinagtitinginan ako. Dahil ba sa aking kasuotan, o sa maskarang nakabalot sa buong mukha ko? Nang mapag-isipan ko ang atmospera na aking kinabibilangan ay kaagad kong hinanap si Nica, sapagkat siya ang namamahala sa mga mang-aawit na pinili ko. Nariyan na ang mga solo at back-up singers, sapagkat sila ang nag-umpisang maglagay ng ilaw at kulay sa entablado, sa pamamagitan ng pagkanta.

Napatuon din ang atensiyon ko ang klase glassware na nakalagay sa puting mesa gaya ng red wine, cordial, white wine, collins, flute, snifter, rocks, cocktail, at coupe. Sa mga tinidor naman, muntikan na akong matapilok dahil sa klase at hugis ng mga ito kagaya ng dinner, fish, lunch, lobster, fruit, salad, dessert, ice cream, pastry, seafood, strawberry, snail, at oyster. Sa kalalagyan naman ng mga doughnuts ay pumunta ako rito upang makatikim. Nais kong kumagat ng original glazed, lemon meringue pie, cookies and kreme, apple cinnamon, glazed raspberry, strawberries and kreme, millionaireʼs shortbread, glazed cruller, maple bar, wonut, at glazed twist, pero biglaang dumating si Clifford sa aking direksiyon.

Hindi ako makatingin kay Clifford nang direkta, sapagkat pinagmamasdan at sinusuri niya ang buong mukha ko pagkatapos kumuha ng millionaireʼs shortbread na may dala-dalang whisky sour. "Oh, this party isnʼt maskara, itʼs formal. If I were you, I advise you to reveal your beautiful face, Gold Lady!" Bago pa man siya umalis sa aking kinaroroonan, muli niya akong pinagmasdan at ngumiti. "Oh, I made a mistake. Wearing maskara may be a better option to hide your identity from someone, you should not do what I said before." Malalim akong napabuga nang hininga dahil sa kaniyang paglisan. Wala akong ideya sa kaniyang mga iminungkahi, pero, hinding-hindi ko aalisin ang takip sa mukha ko.

"Hello, Gold Lady," pagbabati ni Nica sa akin nang lumapit ako sa kaniya. "My bestfriend told me named Miss Chenaniah Xyrah Ricafrente that you are going to be the lead singer for tonight. Imagine, the queen star of the night show is finally here!" Hinila niya ako papunta sa backstage upang ihanda ang aking sarili, sapagkat iilang minuto na lamang ay ako na ang magtatanghal. "Bakit tinatakpan mo ang mukha mo, Gold Lady?" Napahakhak ito. "Sorry if I am calling you that. I saw that Clifford, my soon-to-be-boyfriend, and you are talking about your identity. I heard that he called you 'Gold Lady'," pagkaklaro niyang saad sa akin.

Tumango ako nang tumango dahil kinakailangan kong manahimik o gumamit ng non-verbal communication upang hindi niya masuri ang aking tinig. Tahimik lamang akong nakaupo, walang salitang lumalabas sa akin bibig, at tahimik na nagdadasal para sa aking gagawing pagtatanghal mamaya.

"Youʼre lucky, Gold Lady. Sayang, wala rito si Niah. Kapag narito lamang siya, tinitiyak kong mahihimatay siya sa mga pagkain na nasa lamesa. Paano ba naman, nais niyang makatikim ng mga mamahaling pagkain. Pagdadalhan ko na lamang siya mamaya para mabusog siya sa sarap." Tumawa ito nang wagas. "Matakaw pa naman iyon, pero napakapayat!"

Grabe, ang bibig ni Nica!

Kung alam mo lang na ako ang babaeng pinag-uusapan mo, maglalagay ako ng mansanas sa bibig mo. Napatuon na lang ako sa kaniyang mga pagbibiro para maibsan ang pagiging kabado ko. Kinakailangan kong mag-ingat sa bawat segundong na akoʼy narito. Walang nakaaalam, ang Panginoon lamang ang may sapat na kaalaman, sa posibleng mangyari sa akin ngayong gabi. Dalangin ko, sanaʼy maging matagumpay ang lahat ng mga plano na ito.

LOVE REVENGE GAME (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon