Chapter 28: The Lines of Destiny

7 1 0
                                    

ZYCKIEL RAZE'S POV

Sa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.

"Hoy, Ashley!" Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. "Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!" Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. "Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!"

Pumagitna ako sa kanilang dalawa upang mapigilan ang pagngingitngit ni Miss Magalona kay Miss Nedrida, samantala ako rin ay naglabas ng apoy sa bibig sa hindi wastong pag-uugali ni Miss Nedrida kay Xyrah kaya't ang masusing solusyon lamang sa suliranin na ito ay ang komprontahin siya. "Miss Nedrida, nasaan na si Miss Ricafrente?! Hindi ba't ipinaliwanag ko sa maliwanag na paraan na dapat magkasamang papasok at lalabas ng kakahuyan ang iyong magiging kasama?! E, utak-biya ka ba na hindi marunong makaunawa, Miss Nedrida?!" Humihipo na sa hangin ang aking pagkamuhi sa insidenteng ito, sapagkat naging bahagi pa rin ng pagkatao ko si Xyrah kung kaya't hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may mabagsik na kapalaran ang sumulat sa kaniyang nobela.

"Mr. Villaruel, hindi ko alam kung papaano at saan sisimulan ang pagpapaliwanag ko, pero parang lutang sa kalangitan ang isip ko ngayon dahil ginambala ako ng aking pagkasindak sa loob ng kagubatan nang kami'y magkasamang dalawa," mangiyak-ngiyak niyang paglilinaw, saka ningas-kugon niyang hinarap ang matalik na kaibigan ni Xyrah. "Miss Magalona, inaamin ko ang pagiging bahag ng aking buntot nang iniwan ko siya, pero ako'y narito nagpapakumbaba upang taos-pusong humingi ng kapatawaran na."

"Hindi sa pagiging mahangin ang ulo ko, pero matalas ang utak ko, Ashley! Dalawa talaga ang mukha mo, ang plastik mong tao at may balahibo pa ang dila! Batid kong may tinatago kang lihim sa amin lahat na kunektado sa pagkawala ni Niah!" Kidlat sa bilis muli ang sunod-sunod na pangyayari nang sugurin sa sabunutan ni Miss Magalona si Miss Nedrida. "Mabigat talaga ang dugo ko sa iyo!"

Walang pag-aatubiling umawat sina Clifford at Crystal. "Wala akong ginawa sa kaniya," sagot ni Miss Nedrida.

"Handa kong kunin ang kapangyarihan ng kidlat para lamang patayin ka! Nagsipataguan na lamang ang buwan at mga bituin sa likod ng makakapal na ulap dahil sa kagaspangan ng pagmumukha mo!" Nakita ko pa rin ang pagdilim ng ugali ni Miss Magalona, ngunit hindi ko siya masisisi dahil naging matalik niyang kaibigan si Xyrah. "Nawa'y sumakabilang-buhay ka na!"

Agarang umusok ang ilong ni Miss Nedrida. "Nakararami ka na, a!"

Akmang susugurin na sana niya si Miss Magalona, ngunit nahinto na lamang iyon dahil sa pagpasok ko muli sa kanilang alitan. "Husto na! Kanina pa kumagat ang dilim at ganiyan pa rin kayo! Ang iitim ng mga budhi ninyo, saka ang kakapal!" Nabalutan ng katahimikan ang kagubatan dahil sa pagsabog ng aking galit. "Ang pupurol ng mga utak ninyo na hindi niyo lamang ako napansin dito!" Hinarap ko si Miss Nedrida. "Ikurus sa kamay mo na kapag may masamang mangyari kay Miss Ricafrente ay ihanda mo na lamang ang kagamitan mo, sapagkat ika'y magpapaalam sa kompanya!" Bagama't masama ang aking loob kay Xyrah dahil sa nakaraan namin na hindi ko pa rin naiibaon sa hukay ay may ginintuang puso pa rin akong tulungan siya.

Maglalaho na sana ako kagaya ng ninja nang napakapit-tuko si Jamine sa aking braso. "Zyckiel, don't leave me here," aniya. "Let the security do their job."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE REVENGE GAME (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon