Bea's POV
Nasa batangas na ako ngayon. Tabi ko na ang jhoana ko. Tulog parin siya kaya hinihintay ko nalang siyang magising para ilibot niya naman ako dito sa kinalakihan niya.
Ff~
"good morning jhoana ko" day 1 nang pagbawi kay jhoana bago tuluyang kunin ni nico.
"good morning ka diyan tanghali na" sungit na sabi niya kaya niyakap ko siya. Ngunit inalis niya ang kamay ko at tuluyang pumunta nang banyo. So i keep waiting her here. 30mins na siya sa banyo, kaya baka naliligo na siya.
"baby? Are you taking a bath?" tanong ko sakanya
"obvious ba?" pag susungit ulit na sagot niya.
"baby are u mad at me? I'm sorry. I'll make bawi" sabi ko ulit sakanya. Pero hindi siya sumagot. Kaya pumunta ako sa sasakyan to get the sunflower that i bought yesterday buti nalang hindi nalanta.
Pag akyat ko nang kwarto niya naliligo parin siya. So i didn't disturb her na para matapos na din siya. Pag kalipas nang sampong minuto lumabas na siya pero hindi parin ako nililingon. Lalabas na sana siya nang kwarto. Pero niyakap ko siya at binigay yung sunflower na dala ko.
"Can i date you? Anywhere here. Kahit sa favorite place mo dito." sabi ko habang nakayakap parin sakanya. Bigla naman siyang lumingon saakin at hinawakan ang pisnge ko.
"No need for this bei, you can date me even without flowers, ano kaba gumastos kapa, malalanta din naman" sabi niya
"Sus kahapon ko pa yan binili, ganda parin no? Tulad mo. Ganda mo, ano tara date tayo sa favorite place mo dito?" sabi ko sakanya habang naka hawak sa bewang niya.
"Oo naman bihis lng ako sandali" sabi niya and pumipili na nang isusuot niya.
"Kailangan mo ba nang tulong? Bihisan kita" sabi ko habang nakangisi kaya bigla namang napalingon saakin si jho.
"May pag nanasa ka talaga saakin bea no? Hintayin mo nalang ako sa sasakyan mabilis lang ako" sabi niya kaya kunwari akong naging malungkot. "wag ka mag alala sa susunod ikaw pa mag huhubad nang suot ko" sabi niya sabay wink saakin. Kaya dali dali akong lumabas nang kwarto niya dahil feel ko namumula ako. Pagkababa ko nakita ko si tita lovel at jaja nag tatanghalian na.
"tara na bea kain na kayo, sumabay na kayo saamin" sabi ni tita lovel
"ah hindi na po tita sa labas na po kami kakain ni jho. Okay lang po ba tita? Babalik ko din po anak niyo mamaya hehe" sabi ko
"pwede basta magbaon kayo neto, teka maglagay ako sa baonan at baonin nyo para di na kayo gumastos diyan, mahal mahal pa naman nang bilihin sa labas tsaka paborito ito ni jho" sabi ni tita lovel habang ipinag babalot kami nang ulam tsaka kanin. Pag tapos mabalot ni tita nilagay ko na sa sasakyan. Pumasok ulit ako para maki bihis. Pag katapos kong mag bihis nag paalam na din ako na sa labas ko na hihintayin si jho.
Lumabas na si jho nang gate. Kaya pinag buksan ko na din siya nang pintuan nang sasakyan. Ganda talaga ni jho kahit sa simpleng suotan kaya hindi ko na talaga alam ang mangyayari kong inagaw pa talaga siya ni nico saakin.
"babeeee!!" sigaw ni jho kaya napatingin ako sakanya at tinabi ang sasakyan, akala ko kung ano nang nangyari
"Why? What's wrong? Are you okay?" sunod sunod na tanong ko
"Nothing. Lalim nang iniisip mo baka mapano tayo. Okay ka lang ba?" sabi ni jho na nag aalala
"Of course I am. Saan tayo baby?" pag iiba ko nalang nang topic
"here just follow that" sabi niya sabay abot saakin nang phone. Kaya sinundan ko lang yung sinasabi nng waze hanggang sa makarating kami sa place na walang katao tao pero may mga upuan naman. Kaharap neto ang araw.
"baby i think we're lost? mali yata yung sinabing way nung waze" sabi ko kay jho.
"We're here babe ito na yun, this is my favorite place here. Tahimik lang wala masiyadong tao" sabi niya
Kaya bumaba na kami at umupo doon sa upuan. Ang ganda nga naman talaga hindi mo ramdam ang init kahit 3pm palang kasi napaligiran ito nang puno.
"ganda talaga dito, hindi nakakasawa, yun nga lang walang mapag bibilhan nang pagkain HAHA" sabi ni jho
"are you hungry na?" tanong ko sakanya
"Oo teh tara alis na tayo, hanap nalang tayo nang makakainan. Gusto ko man mag stay dito hanggang sa pag lubog nang araw kaso wala e. Di pa tayo nag tatanghalian HAHA" sabi ni jho na tatayo na sana pero pinigilan ko
"hintayin mo ako dito baby may kukunin lng ako sa car" sabi ko at tumango lang siya. Buti nalang talaga nag pabaon si tita lovel.
"here eat your lunch" sabi ko sakanya yung ngiti niya naman may halong pag tataka, binuksan niya na agad yung mga naka lagay sa baonan
"hoyyy paboritooo ko to, thank youu babe" sabi ni jho na ikina pula nang pisnge ko.
"wag kang mag thank you saakin kay tita kay mag thank you pinabaon niya yan paborito mo daw kasi, kaya kain kana pakabusog ka" sabi ko sakanya
"tara kain kana din sabayan mo na ako" sabi ni jho
"hindi na busog pa ako kain ka lang nang mabuti diyan" sabi ko sakanya
"Dalii na babee. Tikman mo oh, nganga" sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ngumanga baka magalit ulit e. Pag katapos naming kumain niligpit ko na pinagkainan namin at niligay yun ulit sa sasakyan. Pag balik ko sa inuupuan ni jho nag kwentuhan lang kami hanggang sa malapit na lumubog ang araw.
Nang palubog na ang araw nilibas ko na ang kahon na may lamang necklace at iniabot yun sakanya nanlaki naman ang mga mata niya.
"Are you willing to be part of my life forever?" sabi ko at tumango lang siya tila papatak na ang luha sa kaniyang mga mata "Ano man ang mangyari? Kahit ilang lalaki pa ang mag kagusto sayo ako parin ba ang pipiliin mo?" tanong ko ulit
"Ano man ang mangyari beatriz, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko. Ipaglalaban kita kahit kanino kaya please ipaglaban mo din ako" sabi nang jhona ko na tuluyan nang umiyak
"Ipaglalababan kita jhoana, Itakwil ka man nang karamihan tandaan mo andito ako, tatanggapin ka nang buong buong. Mahal na mahal kita jhoana ko"
YOU ARE READING
I was your friend before I became your girlfriend (jhobea)
Fiksi PenggemarJho is kinda shy type but bea is always there for jho para she's not shy They're so close friend until they're falling inlove with each other.