***
Ian PoV *
Kinabukasan maaga akong pumasok pupunta ako sa Dean office para mag paalam na aabsent ng ilang araw, pag pumayag di okay pag hindi eh di hindi.
Pag pasok ko sa gate nasalubong ko si Louise mukhang may iniintay ito, Tiningnan ko lang naman sya at nilampasan.
"Ian!. . .c-can I t-talk to you?" Utal nitong sabi na hinabol pa ako nito.
"May pupuntahan ako. . .saka na" malamig kung sagot dito hindi naman ito umimik pero sumunod naman sa akin.
Habang nag lalakad kami na tanaw ko ang mga kaibigan ko nag lalakad mula sa main gate, narinig ko pang tinawag ako ni Tyree at Wyatt tumingin lang ako sa kanila at pinagpatuloy ang pag lakad.
Narinig ko pang tinatawag nila ako habang tumatakbo, Maya-maya pa nga naabutan na nila ako naririnig ko pa ang hingal ng mga ito. Hindi ko na lang sila pinansin pinag patuloy ko na lang pag lalakad hinayaan ko na lang sila sa may likuran ko.
"Hi. . .Louise!. . ." Rinig kong bati ni Wyatt
"Mag kasama kayo ni ian?" Boses ni Tyree
"Bakit kayo mag kasama?. . ." Tanong ni Axel pa dito
"Inaaway mo din ba si ian?" Masungit na tanong din ni Lincoln dito
"Naku! Wag naman ganun Louise!" Si Tyler
"Pasagutin nyu nga muna yan!" Inis na saway naman ni Jin sa kanila, umiling iling na lang ako na iniwanan sila wala ako sa mood makipag usap sa kanila ngayun.
Pag pasok ko sa building namin dumeretso na ako sa Dean office bago ako pumasok tiningnan ko muna ang mga kaibigan ko saka tinuro ang upuan doon sa tapat ng office, Mukhang naunawaan naman nila kaya umupo sila doon sa tinuro ko.
Pag pasok ko si Dean agad ang nabungaran ko, bumati ako dito nakangiting binati rin naman nya ako.
"How are you?" Anito
"Okay naman po" tipid kung sagot dito
"Hindi ka pumasok kahapon?"
"Opo!. . .may inaasekaso lang po" Pag sisinungaling ko dito, paano ba ako naging busy eh nag lakwatsa lang naman ako saka tinamad pumasok.
"I have a good news to you Miss Corteza!" Masayang sabi nito mukhang good news nga kasi kita sa magandang mukha nito."inamin ni Arya ang kasalanan nya, inamin nya mismo na sya ang kumuha at nag sunog ng uniform mo, kaya naman binayaran ito ng mga magulang nya" Dagdag pa nito at tumayo saka kinuha ang isang malaking paper bag, Inabut nya ito sa akin.
"Actually!. . .ready na yan last week pa nalaman ko kasi na nawawala uniform mo hindi ko lang binigay sayo agad kasi nga gusto kong malaman kung sino may gawa ng pagkawala ng uniform mo" Mahabang litanya pa nito.
"Maraming salamat po Dean!" Mahinang pag papasalamat ko dito ngumiti lang naman ito sa akin, saka ko na alala ang talagang sadya ko.
"Dean! Pwede po ba akong umabsent ng ilang araw?" Deretsong pag papaalam ko dito.
"Sige . . .bibigyan kita ng one week mag pahinga ka muna. . .gawin mo muna ang dapat mong gawin pero pumasok ka after one week starting tomorrow!" Sagot nito na kinatuwa ko dali-daling nag pasalamat ako dito saka tumayo at nag paalam dala ang aking bagong uniforms.
Paglabas ko sinalubong ako ng mga kaibigan ko, napansin ng mga ito ang dala ko mukhang nakahinga naman ang mga ito ng maluwag.
"Grabe! Kumuha ka lang pala ng uniform! Akala namin mag drop out kana!" Natatawang usal ni Tyler.
"Huh!. . .bakit ko naman gagawin yun?. . .Tara na sa room na tayo mag intay!" Sagot ko kanya at nag lakad na.
"I-ian!" Tawag ni Louise sa likod ko habang nag lalakad kami sa hallway nilingun ko lang sya.
"I-ian!" Tawag na naman nya sa akin.
"Ano ba yun? May problema ka ba sa pangalan ko?" Asik ko dito na kinatameme naman nito.
"Hoy!. . .Yanna! Napaka sungit mo ngayun ahh! Ano ba nakain mo panis!?" Singhal naman sa akin ni Lincoln kailan pa ako nito tinawag na Yanna?.
"Nakakainis eh!. ..kanina pa ian ng ian!" Sagot ko dito.
"Eh ian naman talaga ang pangalan mo! Ano gusto mong itawag sayo? . . .Zoe!,? Oh kaya Tyler?" Sabat naman ni Wyatt tss. . .wala talagang matinong Salita sa isang ito.
"At bakit naman Zoe at Tyler?" Pag patol ko sa sinabi nito.
"Kasi bagay sila!!!. . . .Ayieeeeeeeee!!!!" May panuksong bulalas nito na may pag hampas pa sa braso ni Tyler. Gago talaga tong si Wyatt tinawan naman namin sila, si Tyler pulang pula na ang mukha si Jin naman nakakunot lang ang noo.
"What's wrong?" Tanong pa nito na parang hindi alam ang pinag uusapan namin.
"Wala Zoe! . . .Sabi kasi ni Lincoln na mang lilibre sya mamaya! Hahahahaha!" Sagot ni Wyatt dito saka tumawa ng malakas natigil lang ito ng batukan ni Lincoln.
"Gago ka!. . .dinamay mo pa ako!. . ."Natatawang sabi ni Lincoln.
"Yey!!!!. . .mang lilibre si Lincoln!" Biglang sigaw ni Tyree na mukhang Libre lang yung naunawaan sa pinag uusapan namin. Diko na sila ulit pinansin tiningnan ko na ulit si Louise na mukhang iiyak na.
"Ano ba yun?" Malumanay na tanong ko sa kanya. Yumuko ito at saka hinawakan ang laylayan ng uniform nito saka pinag laruan, kita mo tong babaeng ito! Kanina pa ako gustong makausap tapos maglalaro lang pala ng damit nya!.
"Hoy! . . .ano na!?" Medyu pinalaki ko pa ang boses ko para matawag ang pansin nito mukhang nag e-enjoy na mag laro ng damit nya.
"Yah! . . .Yanna! Wag mo naman sigawan si Louise! Nahihiya na nga sya eh!" Singhal sa akin ni Axel.
"Oo nga Yanna!. . .magiging jowa yan ng best friend mo!" Si Wyatt na naman na nakangisi pa sa akin.
"Talaga?" Maang na tanong ko dito.
"Hindi ahh! . .kaibigan ko lang yan si Louise. " Tanggi ni Axel sa sinabi ni Wyatt.
"Yaaayy!!!. . .Ang kapal! Bakit ikaw ba ang Best friend ni Yanna!?" Malakas na bulalas ni Wyatt na animoy nandidiri kay Axel.
"Oo nga! Wala naman sinabing Axel eh!" Mapanuksong sabi ni Tyler na animo'y gustong makaganti sa nangyari kanina.
"Eh! Ian? Sino ba ang Best friend mo para malaman namin kung sino ang magiging jowa ni Louise? "Ngising tanong sa akin ni Tyree.
"Ako!" Sabat ni Jin saka inakbayan ako at hinila na ako papasok ng room namin, hinila din nya si Louise at sinabing "Babe! Let's go!" Wala naman kaming nagawang dalawa kundi ang magpahila sa babaeng ito.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...