1: A Midsummer Fluttered Heart

5 0 0
                                    

"Tata! Si mama, tumatawag!"

"Pindutin mo 'yang green!"

Kaagad ko'ng pinatay ang kalan para tunguhin ang kwarto ni Marie, nag-iisa ko'ng pamangkin sa kapatid. Alas diyes na ng umaga munit kagigising ko pa lamang. Napuyat kasi ako sa panonood ng laro ng akin'g mga kaibigan. Championship na kaya't hindi pupwede'ng hindi kami manood.

Hindi ko gusto ang nakahanda'ng agahan kaya't nagprito ako ng itlog pang-ulam. Ayaw ni Papa ng maarte sa pagkain, ngunit dahil nasa trabaho siya'y lusot ako.

Pairap ako'ng naupo sa kama ni Marie at saka mataray na tinitigan si Ate sa video call.

"Bakit? 'Wag mo'ng sabihin'g may nakalimutan ka na naman?" pagsusungit ko kaagad wala pa man. Ganiyan 'yan! Napakamakakalimutin! Tuloy ay palagi ako'ng pumupunta sa pinagtatrabahuhan niya para maghatid ng kung anoman'g nakalimutan niya!

Pasalamat siya at may nakita ako'ng gwapo kahapon. Nagkaroon ng saysay ang akin'g iritasyon. Halata'ng badtrip sa ingay ko si pogi, pero ewan ko ba! Imbes na mag-alala na baka'y ma turn off siya, lalo pa ako'ng natuwa. At least napansin niya 'ko, hindi ba? Pinakapal ko na nga nang todo ang akin'g mukha kahapon dahil nasisiguro ko'ng malabo naman na kami'ng magkita muli. Sayang nga lamang at hindi ko man lang nalaman ang pangalan ni tsupapi. Add ko sana sa Facebook.

"Wala naman. Ipapaalala ko lang sa 'yo na ngayon ang pasahan ng requirements sa school ni Marie. Baka nalimutan mo," ani Ate Doreen.

Nakalimutan ko nga. Simula ngayon ng enrollment sa eskwelahan ni Marie. Grade one na siya sa susunod na pasukan.

"Hindi ko nakalimutan. I'm not you," palusot ko'ng may kasama pa'ng pagtataray. "Kakain lang ako ng agahan bago pumunta roon."

"Iwan mo na lang muna si Marie kina Kuya Earl. Saglit ka lang naman mawawala."

Ang totoo ay may lakad pa ako kasama si Iya. Sasamahan ko siya'ng mag-enroll sa NCF. Rebellion kasi ang eksena niya. Kung kailan mag-third year na sa Legal Management, 'tsaka naman naisipan'g mag-shift ng kurso.

Naipagpaalam ko naman iyon kay Papa at pumayag naman siya. Kilala naman niya lahat ng kaibigan ko. Bahala na lamang siya'ng magsabi kay Ate.

Tumango ako sa kapatid tsaka sinimulan nang ayusin ang bag na dadal'hin ni Marie. Pagkatapos ng mabilis na agaha'y tumungo na kami sa bahay ng akin'g pinsan.

"Ano'ng mayroon at may maganda'ng bumisita sa 'ming palasyo?" bungad ni Ej nang mabuksan ko ang gate.

Pinalipad ko ang ilan'g hibla ng akin'g buhok at maarte'ng ngumiti. "Hala, ito naman. Thank you."

Ngumiwi ang akin'g pamangkin. "Hindi ikaw, si Marie! Guard, may assuming dito!"

Binato ko siya ng tsinelas. Umilag ang gunggong saka tatawa-tawa'ng nilapitan si Marie. Nakipag-apir siya sa bata. He looked up at me, a smile of fun in his eyes. Umirap ako saka ibinalibag sa mukha niya ang hawak ko'ng bag. Napaupo siya. Hindi naman 'yon mabigat, mga damit at biscuit lamang ang laman. Masyado lang siya'ng OA.

"Susunduin ko na lang si Marie mamaya. Nasaan si Kuya Earl?" sa kalmado'ng boses ko ng tanong.

Tumayo si EJ upang kunin ang kamay ng pamangkin ko sa 'kin. Pinulot niya ang ibinato ko'ng tsinelas at kalmado iyon'g ipinalit sa suot na sapatos ni Marie. Mataman ko siya'ng pinanood sa ginagawa.

"Wala si Papa. May binili sa centro. Ako na lang muna magbabantay sa bulinggit na 'to."

Kuya Earl was my first cousin, definitely, EJ is my nephew. Si Papa kasi ang bunso sa anim na magkakapatid. Ang tatay ni Kuya Earl ang sumunod sa panganay kaya't halos magkasing-edad lang kami ng panganay niya.

Tomorrow Sounds Good (4405 Series One)Where stories live. Discover now